Kabanata XX

2.6K 45 1
                                    

KABANATA XX

"Anak! Nandito na ang tita!" Sinalubong ko sila tita Lualhati na may dalang cake.

"Nag-abala pa po kayo." Umiling si tita habang nakangiti. "Ano ka ba! Siyempre special night 'to! Dapat handa tayong lahat." Nginitian ko si tita Lualhati. Alam niya na kasi na nagdadalang tao ako.

Pumalakpak si tita Lualhati para makuha ang atensyon 'nang mga bisita. "Okay, okay! Thank you for coming this late at night, I just want to do a grand revelation keme event for my daughter-in-law. You go on, hija." Hinila niya ako sa gilid niya at iniharap sa mga bisita namin na na sa sala.

"Hi." Tumawa ng malakas si Anya. "Bakit?"

"Ako lang ba o nabochog ka? Nagkabilbil ka ata, malala." Hinampas siya ni Pablo.

"Baliw, may sasabihin siya! Epal ka talaga!" Kumindat si Anya kay Pablo kaya namula ang pisnge 'nito.

"Joke lang pala. Sige ano ba 'yung sasabihin mo?" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Anya.

"Teka lang kasi, wait lang ano, Anya?" Tumango siya at zinip ang kaniyang bibig. "So, ang event na 'to, para talaga 'to sa asawa ko." Tinuro ni Eryk ang sarili niya. "Yes, honey." Naghiyawan sina Anya dahil sa kilig.

"What is it?" Pinalapit ko siya sa tabi ko at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. Ngayong na sa harap ko na siya ay bigla na lang akong naiyak. "Hey, why are you crying? Shh, honey." Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. Mas lalo akong napahagulhol dahil sa yakap niya.

"Omg, Dei! May sakit ka bang nakakahawa? O 'di kaya nakakamatay?!" Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Eryk sa akin.

"Go on, honey. Slowly." Suminghot ako kaya natawa sila.

"Tumataba na ba ako?" Hindi ko alam 'kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko. "No. You're very sexy, honey." Napasimangot ako.

"Weh? Am I a sexy preggy?" Natigilan silang lahat at ilang segundo lang ang nakalipas ay tumili na si Anya.

"Tita na ba ako?! Buntis ka, Dei?! Talaga ba?! Narinig mo ba siya, Pablo? Buntis ang best friend natin! Rocco! Naunahan tayo!" Tumalon talon siya sa kinatatayuan niya kaya pinigilan siya ni Pablo.

"Naunahan lang pero walang kayo!" Selos na selos na sigaw ni bakla.

Nilingon ko ulit si Eryk na nakatulala na. "Hindi ka ba masaya, honey?" Muli siyang tumingin sa akin at naiyak ako 'nang makita ko ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"This is the greatest gift that I have ever received! Thank you so much, honey. I love you very very much." Niyakap niya ako at hinalik-halikan sa buong mukha. Lumapit naman si tita Lualhati.

"Thank you for granting my wish, anak. God bless your family." Ngumiti ako kay tita Lualhati at niyakap ko siya.

"Thank you rin po sa lahat tita, tito." Nginitian ako ni tito Peter mula sa kaniyang upuan.

Nilingon ko naman sina Duke at Prinyana. Hawak ni Prinyana ang cake habang nakangiti naman sa akin si Duke. Aminado naman akong hindi pa kami ga'nung kakomportable sa isa't isa pero wala na akong galit sa kanila. Nangyari na ang nangyari at hindi ko na babalikan pa ang mga iyon.

"Congratulations, Tala." Lumapit sa akin si Rocco at binati ako. Bigla namang lumitaw si Anya at dinambahan ako ng yakap. "So happy for you, Dei! English 'yun!" Natawa naman ako sa kaniya.

"Salamat sa inyo." Nakiyakap 'din si Pablo kaya napahalakhak na lang ako. 'Nang bitawan nila ako ay lumapit naman sa akin si Eryk.

"Thank you for bringing another angel in my life. You don't know how you made me so so happy. I really love you. I'm crazy inlove with you and funny how it's unexplainable. No words can describe how I am feeling right now. This is a miracle. Everything is made with pure magic. Thank God that He gave me to you and He gifted me you. I promise that I will take good care of you and our baby. I will give you a good life and I will forever love you. Mahal na mahal kita, honey. Sobra sobra." Napaiyak niya na naman ako.

"Hindi ko rin alam 'kung bakit ako naiiyak pero naiiyak talaga ako. Ewan ko rin 'kung bakit. Ang saya saya ko lang siguro kasi. Hindi ko naman kasi akalaing darating tayo sa puntong ganito. Hindi ko naman kasi inaasahan ang lahat ng ito. Tingnan mo, ayos na kami ni nanay. Ayos na kayo nina Duke at Prinyana. Nabigyan na ng hustisya sina Dianne at Rocco tapos masaya na rin sina Anya at Pablo. Hindi ko talaga inimagine na mabibigyan ko rin ng apo sina lolo, tita Lualhati, at tito Peter." Ngumiti si Eryk sa akin.

"But you did, honey, and thank you for that. Thank you for everything. Thank you for enduring everything that I've done. Sorry if I was a demon, I promise not to be one again, honey. You are the greatest warrior and thank you for being a warrior. I will not get tired of loving you. I love you to the moon and back, and I will always say that. I love you and our baby, so so much." Hinalikan niya ako sa labi kaya nagpalakpakan sina Anya.

"Papahuli ba tayo, Rocco?" Natawa naman kami sa sinabi ni Prinyana.

"Hinay-hinay lang mga apo. Tumatanda na ng sobra ang lolo, ramdam na ramdam ko na." Natawa naman kami 'nang magsalita si lolo.

"Ayaw mo 'nun, lo? Marami na namang chikiting." Tukso ni Duke habang nakatingin kay Dianne. Napailing na lang si lolo.

"Hindi niyo alam 'kung gaano niyo ako napagod 'nung mga bata pa lamang kayo. Medyo bata pa ako 'nun pero pakiramdam ko ay ang rupok rupok na ng mga buto ko kakahabol sa inyo." Natawa naman kami dahil sa kuwento niya. "Sapat na sa akin ang simpleng Prinyana, Duke at Eryk. Iregalo niyo na lang ang inyong mga chikiting sa inyong mga magulang. Tapos na ang lolo maging lolo." Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang puso ko. "Hindi ko sinasabing mamamatay na ako ha. Malakas pa ang lolo." Lumapit si tito Peter sa kaniyang ama.

"The one that we should congratulate is my dad. Thank you for building this family. Thank you for taking good care of Wiese." Tumango ako.

"Ano ba kayo. Hindi naman ako ang nagdadalang-tao. Dapat na ang sinasaluduhan natin ay si Amede. Isa sa mga paghihirap na kailangang pagdaanan ng isang babae ay ang pagbubuntis. Magluluwal 'nang isang bata ang dalagang ito at sapat na dahilan na 'yun para saluduhan natin siya. Siya ang unang magluluwal ng susunod na henerasyon ng Wiese sa ating pamilya. Mabuhay ka, apo. Salamat at dumating ka sa buhay namin. Mabuhay ang pamilyang Wiese."

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon