Kabanata XIV

2.4K 44 0
                                    

KABANATA XIV

Masaya kaming naglalakad ni Rocco sa dalampasigan. Nagkukwento siya ng mga nangyari sa kaniya 'nung mga panahong nawalan na kami ng komunikasyon.

"Ikaw, kumusta ka na?" Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko rin alam. Bumaliktad na ang mundo ko e." Nakita ko naman ang pagsalubong ng mga kilay niya.

"What do you mean? Aren't you doing good?" Umiling ako.

"Kailan ba ako nagkaroon ng maganda at maayos na buhay? Never naman na siguro." Inakbayan naman niya ako.

"Mahaba pa ang lalakbayin natin. Huwag 'kang panghihinaan ng loob." Napayuko naman ako.

"May aaminin ako." Tumango siya. "Ano 'yun?" Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Kasal na ako." Napahinto naman siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya.

"Ha? Ulitin mo nga." Yumuko ako at pumikit. "Kasal na ako, Rocco." Niyakap naman niya ako.

"I'm so sorry, Tala. Wala ako 'nung mga panahong nahihirapan ka."

"Ayos lang, Rocco. Buti ka pa nga alam mong nahihirapan ako samantalang 'yung asawa ko iniwan ako para sa iba." Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya kaya mas lalo akong naiyak.

"Shh. I'm already here. Whoever he is, he cannot hurt you again. Shh now, Tala." Tumango ako at tumigil na sa pag-iyak.

Nagpapahangin kami sa tabi ng dagat habang nagkukuwentuhan at may bigla namang tumawag sa akin kaya agad ko itong sinagot.

"Hello, tita Lualhati."

"Hija..." Kinabahan ako sa tono ng pananalita niya. "Ano po 'yun, tita?"

"I need to see you now."

"P-po? Wala po ako sa bahay."

"You need to go home as soon as possible. Please, hija. Be safe." Ibinaba niya na ang tawag kaya agad akong napatayo. Nakalimutan ko pa si Rocco na kasama ko.

"Hey, where are you going?" Pagpigil niya sa akin.

"Kailangan ko 'nang umuwi, Rocco. Hindi ko alam 'kung paano pero kailangan ko 'nang umuwi. Magkikita pa naman tayo kaya lang kailangan ko na talagang umalis. Pasensya na." Mabilis akong nakahanap ng taxi at muntik ko pang makalimutang magsuot ng mask.

- Z - H -

Pagkarating ko sa mansion ni Eryk ay mabilis akong pumasok at naabutan ko si tita Lualhati na nagpapaikot ikot sa sala namin. "Hija!" Agad niya akong niyakap.

"B-bakit po tita? Ano pong nangyari?" Inaya niya ako sa sofa at tinitigan niya ako ng maigi.

"Masyadong maraming nangyari hija at hindi ko alam 'kung saan mag-uumpisa." Bumuntong hininga si tita bago siya magsalita. "Ang anak ni Kin na si Prinyana, umuwi na ng bansa at buong akala namin ay siya ang unang ikinasal sa pamilyang Wiese pero nilinlang niya kami. Hindi tunay ang kasalang naganap. Pinalabas niyang naikasal na siya para mawalan na ng bisa ang kahilingan ni lolo na ang unang ikakasal sa pamilyang Wiese ay hindi pwedeng magmana ng kumpanya." Alam ko na 'kung saan patungo ito.

"Ngayong hindi talaga tunay na ikinasal si Prinyana ay lumalabas na ang anak ko ang unang naikasal sa pamilyang Wiese at hindi na mababago iyon ng kahit na sino. Bukas mismo ay pagmemeetingan na ito sa kumpanya. Maaari siyang matanggal sa posisyon niya ngayon at natatakot kami ng tito Peter at lolo mo na baka mapunta sa isa sa mga anak nina Kin at Loewe ang kumpanya at ayaw namin na mangyari 'yun." Naramdaman ko ang pressure sa side ni tita Lualhati.

"Pero wala po dito si Eryk. N-na sa Canada po siya."

"Lumabas na sa publiko ang estado ni Eryk." Natigilan naman ako doon.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon