Kabanata XI

2.5K 37 2
                                    

KABANATA XI

Third Person's POV

Habang naghahanda ng pang lunch si Amede ay na sa sala si Eryk nanonood ng TV.

Habang pababa sila kanina ng hagdan ay nag-iisip si Amede ng paraan para magbati sila Eryk at Dianne at kitang-kita ni Eryk ang sincerity ni Amede. Ngayon ay pinaplano niyang humingi ng tawad kay Amede sa lahat ng nagawa niya. Sa hindi pagiging mabuting asawa. "Fuck. How can I say sorry to her?" Habang nag-iisip ng paraan si Eryk para makahingi ng tawad kay Amede ay may biglang nagdoorbell. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kaniya ang pinsan niya. I was just about to say sorry but this moron just messed the whole set-up.

"What are you doing here, Duke?" Ngumiti naman si Duke from ear to ear.

"Nandito ka pala, Gus. Buti nandito ka."

"Yes. Buti nandito ako. How about you? What are you doing here?" Sinilip ni Duke ang loob ng bahay sa awang ng pinto kaya isinara ng bahagya ni Eryk ang pinto.

"I was about to visit Amede but since you're here I would like to ask you. Do you like my present?"

"What present?"

"I actually notified Dianne that you're already married. How was it? Did the two of you broke up?" Ngumisi si Duke.

"Are you really making me angry?"

"Kawawa naman kasi si Amede. You're with your babe while she's left crying here so I made my mind and decided to cut the strings between you and Dianne. How was it? Are you doing fine with Amede?"

"I'm doing good." Natawa naman si Duke.

"I think I made the wrong decision. You're doing pretty well with my crush. What a shame. How is she?" Pinagsarhan ng pinto ni Eryk si Duke at mabilis na humilata sa sofa.

"Napakapakialamero niya talaga." Lumabas naman si Amede mula sa kusina at tinawag si Eryk para kumain.

Habang na sa hapag kainan ay pasulyap sulyap si Eryk kay Amede. "Aren't you going to eat with me?" Umiling si Amede.

"Hindi dapat ako sumabay sayo. Baka mawalan ka lang ng gana saka nag-iisip rin ako 'kung paano ulit kayo magkakabalikan ni miss Dianne." Umiwas naman ng tingin si Eryk. Do I made her to this?

"Eat with me, sit here beside me and stop thinking." Sinunod naman ni Amede ang sinabi ni Eryk. Namula pa siya ng bahagya dahil ngayon lang siya itinuring ni Eryk ng ganito. Itinuring na tao.

Habang kumakain ay may biglang tumawag kay Eryk. Tumayo lang ito at lumayo ng kaonti.

"Dianne?" Nahinto sa pagkain si Amede 'nang marinig niya ang pangngalan ng babaeng mahal na mahal ni Eryk.

"You're at Canada right now?" Tinitigan niya ang asawa at nakinig sa usapan ng dalawa. "Yes. I will go there. Don't be sad babe. I will do everything just for you." Mabilis na ibinaba ni Eryk ang tawag at lalabas na sana siya sa dining room 'nang maalala niya si Amede na naiwan niya sa hapag kainan.

"I'm going to Canada today. Take care of my house." Mabilis na nagbago ang mga mata ni Eryk. 'Kung kanina ay natutuwa ang mga ito kay Amede ay ngayon para na itong nagmamadali. Tila ayaw na nitong makita ang asawa at gusto na lang lumipad papuntang Canada.

"H-hindi mo ba ako masasabayan mag lunch?" Umiling si Eryk.

"Tapos na akong kumain." Mabilis na umakyat si Eryk sa kuwarto nito para mag-empake habang naiwan naman sa dining room si Amede. Pumatak ang mga luha nito sa hindi malamang dahilan.

Mabilis na lumabas si Eryk matapos niyang mag-ayos ng mga gamit niya at hindi manlang siya nakapagpaalam kay Amede.

Malungkot na iniligpit ni Amede ang mga pinagkainan nila ni Eryk at matamlay na ipinagpatuloy ang paglilinis ng bahay.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon