Kabanata VIII

2.4K 46 2
                                    

KABANATA VIII

"Gusto mo?"

"Inaantok ka na ba?"

"Ang tagal pa ng biyahe."

"Hindi ka ba nagugutom?"

"Saan ka bababa?"

Ilan lang 'yan sa mga tanong ng katabi ko. Siya 'yung tumulong sa akin kanina na makaakyat sa bus. Nasaktuhan ring bakante ang katabi 'kong upuan kaya doon siya naupo. Buti na lang ay malapit na kami sa Cubao 'kung saan ako bababa. Sa harap din naman ng terminal ako mag-aantay ng taxi papunta sa village.

"Malapit na tayo miss. Ano pala name mo?" Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na lutang. "Miss? Miss? 11 hours ka 'nang hindi nagsasalita. Ayos ka lang ba?" Hindi ko siya sinagot at nagsawalang bahala lang.

"Miss-"

"Puwede ba. Tigilan mo na ako. Kasal na ako at hindi ikaw si Eryk."

'Nang i-anunsyo na na bababa na kami ay nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas. Agad akong bumaba at mabilis 'din akong nakahanap ng taxi na maghahatid sa akin sa village.

Habang na sa biyahe pauwi ay may napansin akong kakaiba. May nakasunod sa sinasakyan 'kong taxi. "Huwag na po tayo tumuloy sa **** village. Ibaba niyo po ako apat na kanto ang layo sa village."

"Sige po ma'am." 'Nang makababa na ako ay nakita ko ring bumaba ang lalaki sa sasakyan niya. Sinusundan niya nga ako.

May nakita akong isang abandunadong bahay kaya agad akong pumasok rito. Nakita ko naman na napakamot ng ulo ang lalaki at ilang minuto lang ay bumalik na siya sa sasakyan niya at hinintay ko muna na makaalis siya bago ako lumabas ng bahay ngunit 'kung minamalas ka nga naman o. Umuulan. Gusto ko ng makauwi. Gutom na gutom na ako. 'Nung isang araw pa akong walang nakakain.

Pumasok ulit ako sa bahay at binuksan ang cellphone ko ngunit lowbat na ito. Ngayon pa talaga 'kung kailan kailangang kailangan ko. Anong oras na rin. 12AM na rin. Dito ba ako magpapalipas ng gabi? Biglang kumulog at sinamahan pa ng kidlat kaya agad akong napapikit at napatakip ng tainga ko.

Habang naghihintay na tumila ang ulan ay nakatulog rin ako dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin.

- Z - H -

"Miss, gising na po." Nagising ako 'nang may yumugyog sa akin.

"Hmm..." Ang bigat ng katawan ko. "A-anong oras na?"

"Tanghali na po. Bakit po kayo nandito? Wala na pong tumitira dito." Tinulungan niya akong makaupo ngunit hilong-hilo talaga ako at hindi ko pa maimulat ng maayos ang aking mga mata. "'Naku! Napakainit niyo po! Dadalhin ko po kayo sa malapit na clinic!" Isasalabay niya na sana ako pero umiling ako.

"Ihanap mo ako ng tricycle. Kailangan ko 'nang umuwi." Halata sa mukha ng binatang ito ang pagtutol. "Kailangan 'kong makita ang asawa ko. Kailangan 'kong makita si Eryk." Tumango siya at iniwan ako sa loob ng bahay. Ilang minuto lang ay bumalik na ulit siya. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan niya rin ako sa paglakad.

"Salamat. Ito o." Binigyan ko siya ng isang daan at nginitian.

"Magpagaling ka po ate. Pakisabi sa asawa niyo na huwag na po kayong papabayaan." Tumango ako at lumarga na rin ang tricycle. Makakauwi na rin ako.

'Nang na sa harap na kami ng village ay nagbayad na ako kay manong at dumiretso na sa gate. "Good afternoon ma'am." Bati sa akin ng guard ngunit hindi ko siya nasagot dahil natumba ako sa semento. "Ma'am!" Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan niya rin ako pauwi sa bahay namin.

'Nang marating na namin ang bahay ni Mr. Gusford ay napangiti ako. "Nakikita mo ba 'to manong? Nandito na ako kila Eryk." Ngumiti ang guard sa akin at mabilis na rin siyang umalis.

Nag doorbell ako at nagbabakasakaling may tao sa loob ng bahay at hindi nga ako nagkamali. Na sa bahay si Mr. Gusford. "How's you flight? How's the man who saved you or that man who helped you go up the bus? Oh. I was also shocked that you're actually interested in young men and guards. You're really something." Ngumiti ako hindi dahil sa mga sinabi niya kundi dahil sa nakikita ko na siya. Mr. Gusford.

"I'm back." Kusa 'nang bumigay ang mga mata ko. Bumigay na rin maging ang tuhod ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko ngunit hindi ito sa semento tumama. Bumagsak ako sa mga bisig ni Mr. Gusford. Eryk.

- Z - H -

Third Person's POV

Agad na nasalo ni Eryk si Amede 'nang mawalan ito ng malay. "Hey." Tinapik niya ito sa likod. "Hey. Wake up." Sinilip niya ang mukha ng dalaga na ngayon ay na sa kaniyang dibdib. "Amede." Namumutla ang mukha ng dalaga at sobrang init ng singaw nito. Sinipat niya ang noo ni Amede. "You have a fever!" Sinipat niya rin ito sa leeg. "You have a high fever." Agad niya itong binuhat at dinala sa kuwarto ng dalaga.

Tinawagan niya ang secretary niya at nanghingi ng tulong. "Go here." Namaywang siya.

"Po?" Sagot ng secretary niya mula sa kabilang linya.

"Fuck. How can I cure someone's fever?"

"Po?"

"Are you going to continue saying po? You're getting into my nerves." Bumuntong hininga si Eryk at napahilot sa sentido niya.

"Kailangan niyo po ba ako diyan, sir?"

"No. Just tell me how."

"Sa basin po maglagay kayo ng lukewarm water and hot water tapos isang towel. Punasan niyo po siya gamit 'yung bimpo. From time to time check her condition. 'Yun lang po."

"Okay. You go back to work."

"Yes sir." Ibinaba na ni Eryk ang tawag at pumunta ng CR. Kumuha siya ng basin at kumuha rin siya sa kuwarto niya ng bimpo. 'Nang makuha niya na lahat ng kailangan niya sa CR ay bumaba na siya sa kuwarto ni Amede.

Ipinatong niya ang basin sa mesa sa tabi ng kama ni Amede. Tiniklop niya ang kaniyang polo hanggang siko at sinumulan 'nang pigain ang bimpo. "Fuck. Why am I doing this shit?" Tinanggal niya ang suot na jacket ni Amede at inilagay ito sa paanan ng dalaga.

Sinimulan niya 'nang punasan ang braso ni Amede ngunit hindi na siya nakakilos pa 'nang makita niya ang mga scratches ni Amede sa braso.

Why the fuck do I care?

Maingat niyang pinunasan ang mga braso ni Amede at 'nang matapos na siyang linisin ang katawan ni Amede ay pinalitan niya naman ito ng damit.

Nakaramdam siya ng ilang pero ipinagsawalang bahala niya na lang ito. I should pay for this.

"E-Eryk..." Napalingon si Eryk kay Amede 'nang tawagin siya nito. "Eryk..." Umiiyak si Amede habang natutulog siya at nagulat si Eryk dahil doon.

"Amede." Niyugyog niya ang dalaga ngunit hindi ito nagising. Bumalik lang ito sa mahimbing na pagtulog.

I really can't understand this girl.

Lumabas muna sandali si Eryk 'nang may biglang tumawag sa kaniyang telepono. "Yes, hello?"

"Babe..."

"Dianne?"

"I wanna see you."

"Where are you?"

"I'm sick babe. I want to be with you."

"Where are you right now? I thought you were fine."

"My fever went back. Can't you just go here?" Bumuntong hininga si Eryk.

"Okay babe. I'll be right there." Ibinaba na ni Eryk ang tawag at tumalikod na siya para bumalik sa kuwarto ni Amede ngunit nagulat siya dahil nakatayo ang dalaga sa harap ng pinto ng kuwarto. Balot na balot ito ng kumot at namumutla ang kaniyang mukha.

"Mukhang kailangan mong umalis. Ako na ang bahala sa bahay mo." Nakaramdam ng awa si Eryk at lalapitan niya na sana ang nanghihinang si Amede ngunit pinagsarhan na siya ng pinto nito.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon