Kabanata II

3.5K 55 1
                                    

KABANATA II

Nakatitig lang ako sa kawalan habang nagpapahinga sa locker area naming mga janitor. Iniisip ko pa rin ang napagkasunduan namin ni Mrs. Wiese. Alam ko naman na hindi ko sila kapantay. Wala naman akong hiniling na katulad neto. Ang maikasal sa isa sa mga Wiese.

"Hay." Buntong hininga ako at yumuko. "Bakit sa Wiese pa? Bakit sa kanila pa?" Bigla namang may pumasok sa utak ko. Ang lalaking mapapangasawa ko. Ang lalaking pinakakinatatakutan sa pamilyang Wiese. Ang iniiwasan ng lahat. Ang lalaking kahapon ay sa cellphone ko lang nakita. Si Mr. Gusford Eryk Wiese. Ang COO ng Wiese Corporation. Ang tagapagmana ng Wiese Corporation. Ang kalaban ng lahat.

Tuwing naiisip ko na sakaniya ako ipapakasal ay nanlulumo ako. Balibalita din kasi na may kasintahan siya sa ibang bansa. Hindi nga lang nila mapangalanan. Bakit sa lahat ng Wiese, sa kaniya pa? Naipasok na nga ako sa gulo, ipinasok pa nila ako sa mas malaking gulo.

"Dei!" Napalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko si Anya. "Bakit?"

"May balita ako!" Hinintay ko siyang maka-upo sa tabi ko. "Alam mo ba, ikakasal daw ang isa sa mga Wiese. Hindi nila sinabi 'kung sino dahil gusto nilang itago. Nadinig ko din na magiging private ang kasal 'nung dalawa. Ba't kaya kailangan pa nilang itago 'kung sino 'yung ikakasal at 'kung sino 'yung lucky girl." Lucky? Sana nga sinuwerte ako.

"Saan mo naman narinig yan?" Kinuha naman niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang post sa facebook na nagsasabi ng mga ibinalita niya sa akin kanina lang. "Totoo ba 'yan?"

"Siguro. Alam mo namang laging tahimik ang pamilyang Wiese dahil nakatutok lang sila sa business nila at ngayong may lumabas na balitang ganito, paniguradong may nagaganap sa pamilyang Wiese ngayon." Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

"Teka lang." Nginitian niya ako at tumango. Sinagot ko naman agad ang tawag nang makalayo ako kay Anya.

"Hello." Sagot ko.

"Hija, may pupuntahan tayo mamaya. Magpapasukat ka na ng wedding gown mo. Tapos ipagshoshopping na rin kita." Oo nga pala. Sa makalawa na pala ang kasal ko.

"Opo, madam." Nanlulumo 'kong sagot.

"I already told you. You can call me tita Lualhati or mommy Lua. Be comfortable with me, hija." Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Bakit po ga'nun? Parang ang saya ko po 'nung narinig ko mula sa inyo na puwede ko po kayong tawaging mommy." Napayuko naman ako.

"Maybe because you can't feel your real mother? But anyways. I'll pick you up later, where?" Hindi pwedeng malaman nang kahit na sino na ako ang ipapakasal sa Wiese kaya dapat ay sa lugar na 'di matao kami magkita.

"Sa harap ng cake shop po, malapit sa inyo."

"Okay. I'll see you later then." Ibinaba na ni tita Lualhati ang tawag kaya bumalik na ulit ako kay Anya na abala sa cellphone niya.

"May big news, ngayon ngayon lang." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. "A-ano 'yun?"

"Ipapamana na daw ang Wiese Corporation kay Gusford sa makalawa." Napalunok naman ako.

"S-sa makalawa?" Kinakabahan 'kong tanong. Hanggang doon lang naman 'yata ang balita niya hindi ba?

"Oo. Paniguradong mas lalago pa ang kumpanya nila! Balibalita din kasi na napakagaling ni Mr. Gusford sa paghahandle ng kumpanya nila." Ga'nun ba talaga kagaling si Mr. Gusford sa business at napakarami niyang compliment na natatanggap?

- Z - H -

"Hi, Amede." Sumakay na ako sa sasakyan ni tita Lualhati bago pa may makakita sa amin.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon