Chapter 1

5.7K 117 1
                                    

Gusto ko tanggapin ako ng ibang tao bilang isang nerd. Pagnalaman nilang mayaman at pogi ako baka pagkaguluhan pa ako sa school. Sa Ateneo De Manila University nga pala ako nag-aaral. Ayoko kasi ng magulo, kasi kapag nalaman nilang pogi ako, hindi sa pagmamalaki ah pero totoo. Sa cebu kasi halos habulin nako mapa-babae man o mapa-lalaki. Balik tayo sa topic natin kasi kapag nalaman nila ang totoong ako, mas magugulo ako. Pero mali pala ako. May isang babaeng mahilig guluhin ang buhay ko dahil nga sa nerd ako. Hayssss, paano kaya magiging tahimik ang buhay ko?

"Deanss, wake uppp!!! And go to the bathroom na, male-late na tayoo" Malakas na sigaw ni Bea sa akin. Conyo talaga to kaya pagtyagaan niyo na. Isa siya sa bestfriend ko. Bi din siya, tulad ko rin pogi din pero hindi siya nagpapanggap na nerd. Gustong gusto pa nga yung mga babae sa Ateneo eh.

"Oo na! Makasigaw ka kala mo nasa bundok ka! Wow, baka ang sabihin mo maghahanap ka na naman ng chix" sabi ko.

"Ang sabihin mo rin inggit ka lang, ano ba kasing pasimuno yan? Bat ganyan ka magsuot? Your so baduy bro" nandidiring sabi ni Bea. Suot ko lang naman ay Maluwag na pantalon, blackshoes at nakajacket na malaki. Syempre nakasalamin din ako hehe.

"Oyy, huwag mo akong ma eww eww dyan ah! Gusto ko to para manahimik buhay ko kaso mali pala. May isang tao na nanggugulo ng buhay ko!" sigaw kong sabi sa kanya.

"Hey don't shout deans, respect our kapitbahay, you should learned that on your class ah. And that girl na gumugulo sayo baka gusto ka lang nun, nako pakita mo na mukha mo baka mainlove agad sayo bro!" aba kala mo hindi sumigaw kanina to! Kung hindi ko lang to kaibigan baka nabatukan ko na to kaso mahal ko tong kaibigan ko hehe. Oo nga pala, iisang bahay lang kami dahil nga halos parang magkapatid na rin kami. And makaibigan at magka-business ang aming mga magulang kaya ganun.

Hindi nako umimik, lumabas na lang ako para pumasok na sa school. Hindi kami nagkakasabay ni Bea pumasok kasi nga kunyari hindi kami magkakilala. And decision ko yun na kunyari hindi kami magkakilala para walang gulo.

"Ang pangit niya talaga"

"Hindi talaga siya nababagay sa eskwelahan na to, ewan ko ba bakit yan nandito"

"Oyy nerdd"

"yuckk baduyy"

Mga naririnig kong sabi ng mga tao habang papasok nako. Wala ako kaibigan dito syempre except my bestfriend Bea na kunyari hindi ko kilala.

"Oyy nerddddddddd!" Boses pa lang kilala ko na.

"Hey impakta don't shout!" inis kong sabi.

"So sinisigawan mo na ako!? Wala kang karapatan para sigawan ako! Boys! Kayo na bahala dyan! Pinag iinit niyan ulo ko" galit niyang tanong sakin. Alam kong ipapabugbog na naman ako nito dahil sa tinawag ko siyang impakta. Alam kong maliit na bagay pero ganun talaga siya kasi nga kahit ano pwede niyang gawin, kasi principal mama niya at siya ang mga nananakit ng mga tao dito. Halos takot nga mga tao sa kanya eh. Hayyyss, manhid na nga ata katawan ko para hindi maramdaman yung mga bugbog na ginagawa nila saken. Papa ko at papa ni Bea may ari ng school na to kaya pwede namin siya ipatanggal at ang kaniyang ina pero hindi ko magawa dahil nga ayokong malaman nila kung sino ako.

Nang maramdaman kong may sumipa sa likod ko. Pinagtatadyakan ako. Sinipa sipa ang mukha ko. Halos wala nako makita dahil sa mga dugo na nasa mukha ko ngayon. Wala akong naramdaman na sakit. Sanay na akong ginagawa niya sakin to. Kung hindi ko lang talaga siya ano, nako baka ipabugbog ko rin siya kaso hindi ko kaya.

"Gawin mo lahat, saktan moko pero hindi kita kayang saktan" mahina kong sabi at bigla na lang nandilim ang aking paningin.










Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon