Chapter 6

3.3K 90 0
                                    

Jema's POV

Kailangan na muna namin ni Bea magpanggap na mag-girlfriend talaga dahil kapag nalaman ito ni Ate Jovi, uuwi sila sa US. Hindi ko na sila kayang umalis pa, lalo na si Mafe. Si Mafe ang pinaka-close ko sa kanila ni ate jovi kaso nga nag away kami nito. Gusto ko na magtanong kay mafe kung sino ang savior ko kaso wala ito dito sa bahay. Alam na pala niya? Bakit hindi niya sinasabi? Close kaya sila? Hayssss, gusto ko na makita savior ko. Para siya na ipakilala ko kay ate. Kahit ipakasal pa kami nito, papayag na agad ako. Sana lang mahal rin ako nito talaga. Sana hindi siya magsawang iligtas ako. Madali lang naman gawan ng paraan yung kay Bea, once na ibalita ko kay ate na wala na kami. Madali lang magdahilan kay ate, buti na lang kilala ako ni ate na playgirl (dati nung wala pa sa buhay ko si savior) first time ko kasi makaramdam ng ganito. Ganito pala magmahal kaya nagbago ako para sa savior ko. Ganun ko kamahal ang savior ko. Bea is my type, but not my love. At sisiguraduhin kong si Savior lang ang laman nitong puso ko.

Habang iniisip ko ang savior ko, biglang pumasok sa isip ko si Deanna. Yung pagsalo niya sa akin. Bakit kaya tumibok ng malakas ang puso ko kay Deanna kanina? Ang alam ko talaga tumitibok lang ang puso ko, kapag hawak o nasa bisig ako ng savior ko. Bakit kay bea nung hinalikan niya ako, kahit type ko siya wala akong naramdaman as in parang wala nga lang sakin yun eh. Argghhhhhhh! Baka kinabahan lang ako kala ko kasi babagsak na ako ng tuluyan sa floor, oo yun nga siguro! Arghhhhh. Kapag naaalala ko yung nerd na yun, nag iinit talaga ulo ko. Pasalamat siya nasalo niya ako kung hindi, baka napabugbog ko na yun at hindi ako makasunod sa deal namin ni Bea. But I always try my best to control myself. Kaya iniirapan ko na lang siya.

*sounds of text*

From: Girlfriend ko
(We need to talk Jema. Go here,
please. Importante to)

Ano naman kaya pag uusapan namin nun?

To: Girlfriend ko
(Ok)

Dali dali akong pumunta sa bahay nila Bea. Bago ako bumaba ng sasakyan, may nakita akong babae na palabas. Siguro yun yung kaibigan ni Bea na nakatira din dyan. Mukhang papi rin kahit nakatalikod. Pagkaalis nung babae, ay agad akong nag-door bell sa bahay nila Bea.

"Ma'am Jema, nandyan na po pala kayo. Kanina kapa po inaantay ni Ma'am Bea. Nag away po ba kayo?"
Tanong ng yaya nila Bea.

"Hindi po, bakit po?" tanong ko

"Umiiyak po kasi si maam Bea kanina pa. Tapos bigla po dumating si maam sachi, nag away rin po kasi sila. Kaya parang mas lalong umiyak si maam bea" nagtaka ako, sachi ba yung pangalan ng kaibigan niya? Ang cute ng name ah? Bakit kaya umiiyak si Bea?

Puntahan mo na lang, para malaman mo gaga. Shut up author!

"ah, eh sige po. Puntahan ko na po si bea. Ako na po bahala manang. Huwag po kayo mag alala"

Agad akong pumunta sa kwarto ni Bea, at dun ko ngang nakita na umiiyak siya. Tumingin siya sa nagbukas ng pinto, kaya kita ko na kung gaano ka-maga ang mata nito dahil sa iyak. Ano bang nangyayari bea?

"ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Gusto mo ipagbukas na lang natin yung usap?" sunod sunod kong tanong kay bea.

"no, no, please. We need to talk right now" sabi niya habang huminga ng malalim. Bigla akong kinabahan.

"A-ano b-ba ang pag uusapan?"

"Jema, itigil na natin ang deal na to" gulat ko naman siyang tinignan.

"B-bakit? Wala pang isang buwan, bea. Please, I need you" pagmamakaawa ko

"Ayoko na masaktan kaibigan ko. Hindi ko siya kayang mawala"ang gulo! Anong kinalaman ng kaibigan niya dito?

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon