Chapter 15

3.6K 86 5
                                    

Deanna's POV

Nagising ako ng maaga at hindi ako makatayo dahil may nakayakap sa akin. Pagtingin ko si Jema pala. Lumakas ang tibok ng puso ko. Parang libo libong kuryente ang dumapo sa katawan ko. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda niya talaga, mahal pa rin kita Jema. Matapos kong titigan si Jema, balak ko  ng gisingin siya. Kasi 6 na ng umaga, aalis ata kami mga 9 am.

"Jema, gising na" tapik ko sa pisngi ni Jema habang nakayakap pa rin to sa akin. Ang sarap naman ng tulog nito.

"Jema! Gising na!" sumigaw na ako. At nakita kong napadilat to. Nakita niyang nakayakap siya sa akin kaya bigla siyang napatayo HAHAHAHAHAHA. Ang cute ng reaksyon niya.

"S-sorry d-deanna, sige ligo muna ako ah" sabi nito sakin habang nakayuko, siguro nahihiya.

"Sige, tapos baba kana para kumain ng breakfast" sabi ko dito sa magandang to. Bumaba nako, nakita ko si mafe na nag aayos na ng mga plato at mga kakainin for breakfast.

"Oh, deanns upo kana. Pababa na si ate jovi, si ate?"

"Naliligo na, tapos bababa na rin siya pagkatapos" sabi ko kay mafe.

"Sige, pagnakababa na sila start na tayo kumain" sabi ni mafe sa akin. Tumango na lang ako at pumunta sa sofa nila Mafe. Nanood lang ako ng Tv, nang makita kong sabay na bumaba si Ate Jovi at Jema.

"Deanns, nandito na dalawa kong ate. Tara na! Kain na tayo!" sigaw ni mafee sa akin kaya lumapit na ako dun. Nakita kong tumingin si jema sa akin at iniwas din agad yun. Siguro nahihiya sa pagyakap niya sakin.

Nagsisimula na kaming kumain. Magkatabi kami ni Jema, si mafe at ate jovi naman ang magkatabi. "Bagay talaga kayo" nagulat ako sa sinabi ni ate jovi. Si mafe naman natawa lang, mapang asar talaga tong mokong na to, kundi ko lang to bestfriend ehh arghh! "Ate naman, ang aga aga binubugaw mo na naman ako" aray! Hindi niya talaga ako magugustuhan? Ok lang, alam ko naman na haysss. Nagkibit balikat na lamang si ate jovi. Nakita ni mafe na nalungkot at nasaktan ako sa sinabi ni Jema, kaya nag iba siya agad ng topic. "Ate, ano oras kana nakauwi kagabi?" pag iiba ng topic ni mafe. Hindi ko tinitignan si Jema dahil baka mas lalo akong masaktan. Hindi nako aasa sa kanya. "Mga 12:30 ata, tinapos ko na lahat ang dapat tapusin. Kasi 1 week tayo dun, medyo matagal din para enjoy lang diba? Para wala akong iisipin na gawain" mahabang sagot ni ate jovi. "Ano to? Ms. Universe? Tinanong ko lang kung anong oras, ang dami ng sinabi" natawa kaming lahat sa sinabi ni mafe. Kaya batok ang naabot ni mafe HHAHAHAHAHA. mapang asar kasi talaga yan si mafe.

Natapos ang breakfast namin na puro kulitan pero hindi ko pa rin tinitignan si Jema.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Jema's POV

Parang kanina pa ako iniiwasan nito ni Deanna? Nailang ba siya sa pagyakap ko sa kanya? Tulog ako nun, kaya hindi ko alam. Si Deanna at ate Jovi ay lumabas na. Aantayin na lang daw kami sa labas. Ang bagal kasi ni Mafe kumilos, nagpaantay pa sa akin. Tatanungin ko nga to kung bakit iniiwasan ako ni Deanna. Hindi nga makatingin sa akin eh.

Yun lumabas din si mafe.

"Mafe? Bakit hindi ako pinapansin ni Deanna? Kahit tingin wala eh" sabi ko kaya napahinto ito sa ginagawa niya dahil sa tinanong ko.

"Hanggang ngayon pala ate manhid ka HAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa mafe!? Nakakainis to.

"Bakit nga!?" sigaw ko rito.

"Nasaktan yun. Gusto mo siya pero yang bibig mo hindi mo mapigilan kaloka ka ah. Hindi mo pa rin gets? Mahal kapa rin nun, ayoko lang siya pangunahan. Pero dahil makulit ka, sinabi ko na sayo. Kaya yang bunganga mo hindi mo mapigilan, susuko na yun sayo. Kilala ko yam si Deanns, kaya huwag mo abusuhin ate, kalerki to!" sabi nito sa akin. Nasaktan ko na naman siya? Ah alam ko na! Yung sinabi ko kay ate jovi na binubugaw na naman niya ako kay deana. Bakit ko nga ba nasabi yun!? Arghhhh! Teka!? Mahal pa rin ako ni deanna? Parang tumalbog talbog naman ang puso ko sa sobrang saya. Gusto ko siya, pero hindi pa ako ready.

Nagulat kaming dalawa ni mafe nang pumasok si Deanna. "Oh, gulat na gulat kayo? Gandang gwapo ko ba? Mamaya niyo nako tignan, namamadali na si ate jovi, swimming na swimming na eh" sabi nito habang natatawa. Parang slowmo yung pagtawa niya. Ang ganda niya talaga. "Kapal mo talaga deanns, labas nako. Sabay na kayo labas ni Jema, nagtatampo yan sayo" agad nanlaki mata ko sa sinabi ni mafe. Bwiset talaga to! Babatukan ko sana kaso tumakbo na. "oh, bat ka nagtatampo? Sorry na kung ano man yun, tara na. Nag aantay na kasi si ate jovi" sabi ni deanna sa akin, loko kasi talaga to si mafe eh."Nagbibiro lang yun si Mafe, sige tara na" sabi ko sabay naglakad na kami palabas. Pagbukas ni deanna ng kotse nasa harap pareho si mafe, at ate jovi kasi siya yung magdadrive. Kaya no choice magkatabi kami ni deanna sa likod. Tinignan ko si mafe ng masama, natawa lang ito. Pag ito talaga nahalata ni deanna, sasampalin ko to hanggang sa mawala ang mukha, syempre joke lang love ko pa rin yan kahit ganyan yan.

Malayo pa kami sa destination namin. Tahimik lang kami sa loob, si mafe tulog. Si deanna din tulog. Nakakaramdam din ako ng antok kaya pumikit ako kaso may naramdaman akong ulo na pumatong sa balikat ko. Parang nawala yung antok ko dun! Yan na naman yung kuryente, dumaloy na naman sa katawan ko. Kaya napagdesisyunan kong huwag na matulog. Dun na lang sa pupuntahan namin ako matutulog. Nakita ko sa mirror na nakatingin sa amin si ate jovi. Kaya nakita niyang napatingin ako, "Jema, hindi ako magsasawang sabihin sayo na bagay kayo. Kasi totoo naman talaga. Wala ba talaga siya pag asa sayo jema?" tanong ni ate, nako baka magising tong mga to. Hindi ko alam ang maisasagot ko pero "Wala po talaga ate" yan ang lumabas sa bibig ko. Ewan ko, bakit yun. Napabuntong hininga na lamang si ate jovi sa sinagot ko. Alam kong napamahal na rin siya kay deanna. Madali naman talagang mahalin si deanna. Una hate ko to, pero siya pala ang magugustuhan ko bukod sa savior ko.


➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Deanna's POV

Nagising ako na nakapatong ako sa balikat ng isang babaeng tandang tanda ko ang amoy. Alam kong si Jema to. Kaya inalis ko na ang ulo ko sa balikat ni Jema, baka nangangalay na. Alam kong napatingin to sa akin kaya tinignan ko rin siya. Tulog rin pala si Mafe. Nakita ko sa mata nito na parang antok na antok na. Hindi ba siya nakatulog dahil nakalagay ulo ko sa balikat niya? Nakakakonsensiya naman. "Ate jovi, matagal pa po ba tayo?" tanong ko kay ate jovi. "Oo, trapik kasi Deanna. Siguro mga 2 hours pa tayo makakapunta dun sa destination natin" sabi ni ate jovi kaya tumango na lang ako dito. "Jema, ilagay mo ulo mo sa balikat ko. Matulog kana, alam kong antok kana. Kita ko sa mata mo eh. Gigisingin na lang kita kapag nandun na tayo" sabi ko kay Jema. "s-sure k-ka?" paninigurado sa akin ni Jema. "Oo, patong mo na ulo mo" agad naman niyang pinatong ulo niya sa balikat ko. Naramdaman kong nakatulog na agad si Jema. Antok na antok na nga ito. "Ate jovi, sobrang mahal ko to" kinausap ko si ate jovi. "Alam ko, balikan mo deanna. I want you for her" haysss kumg pwede lang sana balikan kaso "Kaso ate, hindi niya ako mahal, napilitan lang siya sagutin ako" malungkot kong tugon. "Matututo ka rin niyang mahalin deanna. Hindi ka naman mahirap mahalin eh. Mahal mo dapat pinaglalaban mo" napatahimik ako sa sinabi ni ate jovi. Kailangan ko nga ba siya ipaglaban? Kaya ko na naman ba masaktan if ever i-reject na naman niya ako? Kailangan ko tong pag isipan ng mabuti.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon