Chapter 21

3.3K 82 5
                                    

Day 7

Jema's POV

Huling araw na namin dito. Nandito kami ngayon sa sala, kumain na kami ng tanghalian. Na-late kasi kami pare parehong nagising, kaya tanghalian na kami kumain. "Oy ate jema! Ano iniisip mo dyan!" sabi at tumingin sa akin si mafe ng nakakaloko. Oo, nag usap na kami kanina ni mafe. Naintindihan ko naman talaga siya. Kasalanan ko naman kaya nasasaktan si deanna. "Wala, mang aasar ka na naman" sabi ko rito at inirapan siya. "Ate jovi, mafe bike tayo mamaya nila jema. Masaya, as in. Ililibot namin kayo ni jema mamaya sa napuntahan namin. Last na natin today kaya dapat memorable" sabi ni deanna kila ate jovi at mafe. "ay! Nagdate kayo kahapon? Teka! Marunong ba yan magbike si ate?" pang aasar na naman nitong kapatid kong baliw. Kaya inirapan ko ito. "Mafe, wala ka ng pake dun. Busy kasi mayo mag ml kahapon tsaka tinuruan ko si jema magbike kahapon, ang bilis niya kaya matuto" sabi ni deanna kay mafe at tumingin sa akin ito sabay ngumiti. Kaya nginitian ko rin ito pabalik. Ang cute talaga ni deanna. "Sige, deanna mamaya mga 2 bike tayo. Mga 9 ng gabi pa naman alis natin" sabi ni ate jovi kay deanna.

Matapos ang usapan na magbike kami, umakyat muna kami ni deanna sa kwarto. Ewan ko, parang iba si deanna ngayon. Sobrang sweet niya sa akin ngayon. Hayss, lalo akong nahuhulog kay deanna. Sa loob ng isang linggo, sobrang memorable talaga. Nagpapahinga muna kami ni deanna. Si deanna natutulog muna. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Sobrang maamo ang mukha ni deanna.

<fast forward>

Naka-rent na kami ng bike, inaalalayan na naman ako ni deanna. Ang sweet ng mga gestures niya. "Ayaw mo ba magbike jema? Nauna na sila mafe oh, gusto mo huwag na tayo magbike?"may pag aalala na tanong ni deanna sa akin. Parang sobrang perfect niya kapag siya naging gf mo arghhhh! "Ah, hindi. Tara na, sorry may naalala lang kasi ako"sabi ko rito at akmang sasampa na pero na out of balance ako at mukhang tutumba na ako, pero bumagsak ako sa mga bisig ni deanna.

Lub dub lub dub lub dub lub dub

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lapit sa akin ni deanna. "Ok ka lang? Sure ka?" tanong nito sa akin at kita sa mga mata niya na nag aalala siya. "Oo, deanna tara na" sabi ko rito. Inalalayan niya na akong makasampa sa bike. Nagsimula na kami at nakita na namin si mafe at ate jovi. Nagpipicture sila habang kami naman ni deanna nag iikot ikot muna dito. Ang saya ko at ng puso ko dahil kasama ko ang taong mahal ko. Pag uwi namim sa manila, hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Aamin na ako sa kanya. "Jema, picture naman tayo. Labas mo cp mo!" masayang saad ni deanna. Kinuha ko agad ang aking cp at nagpicture picture kami kung saan kami pumunta. Pagkatapos namin pumunta at magsaya, binalikan na namin sila mafe. At ayun nakita namin dun sa isang restaurant, inaabangan kami. May 2 hours pa kami sa bike kaya kakain daw muna kami. Iniwan na muna namin ni deanna ang bike sa labas, wala namang mga tao na pakielamero dito kaya iniwan namin tsaka kita rin naman namin. "oh, mukhang masaya kayong dalawa ah" pang aasar na naman nitong mokong na to. "Deanna at jema, hindi talaga ako magsasawang sabihin sa inyo to. Bagay talaga kayo" natawa na lang kami sa sinabi ni ate jovi. Oo, bagay kami! Dapat kami lang! Hehe inangkin ko na si deanna kahit hindi pa sa akin.

Natapos na kaming kumain na sobrang ingay at asaran. Pauwi na kami ngayon sa condo, para mag ayos na ng gamit dahil 9 daw kami babyahe pabalik sa manila. Si deanna na raw mag aayos ng gamit ko, magpahinga na lang daw ako kaya ito nang aasar na naman si ate jovi at mafe. Ewan ko nakisabay na si ate jovi kay mafe sa pang aasar na yan. Hindi ako naaasar kasi kinikilig ako pero pinipigilan ko lang, lalo akong aasarin ng mga yun kapag nakitang namumula ako. Matapos nilang mag ayos ng mga gamit. Nilagay na namin sa likod ng kotse ang mga gamit namin. Goodbye sa lugar na to huhu. Salamat sa magagandang memories, I like it HAHSHSHSHA. Ito ang lugar na nagparealize sa akin na mahal ko si deanna, kaya hindi ko makakalimutan ang lugar na to. Pumasok na rin kami sa loob ng kotse para makabyahe na. Si ate jovi uli magdadrive. Magkatabi kami ni deanna sa likod ng sasakyan. Si mafe kasi sa harap katabi ni ate jovi.

Habang bumabyahe, nararamdaman ko na ang antok pero nakakahiya kay deanna na matulog ako. "Gusto mo matulog?" bulong na tanong sa akin ni deanna. Siguro nararamdaman na ni deanna na inaantok na ako. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang ulo ko at nilagay sa balikat niya, natutulog rin pala si mafe. Buti na lang baka kasi mang asar na naman. "Yan, tulog kana Jema" sabi nito. Napangiti na lamang ako sa mga kinikilos niya, sobrang sweet niya. "Salamat deanna" sabi ko rito.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Deanna's POV

huling araw ko na to para makasama si jema. Sobrang memorable nitong araw na ito. Nakarating na kami sa bahay nila jema, binuhat ko na lang ito para hindi na magising. Hayss, kailangan ko na magpaalam jema. Titigilan na kita, hindi na kita guguluhin pa. " I love you so much, jema" sabi ko rito at hinalikan ang noo niya.

"Mafe, ate jovi aalis na po ako" sabi ko sa kanila na nakahiga na rin sa sofa habang nag ml naman. Nung nagpaalam ako, nakita kong nalungkot si mafe. "Babalik rin ako mafe. Basta kay bea muna ako HAHAHSHA" sabi ko rito at niyakap siya, umiiyak si mafe sa balikat ko. "Hindi na kita kayang mawala deanns, balik ka ah! Dapat pagbalik mo si ate pa rin ah!" sabi nito habang umiiyak. "Hahaha , tama na yan. Oo pagbalik ko si jema pa rin pero hindi ko na siya guguluhin" sabi ko sabay tawa. Niyakap uli ako ni mafe, umiyak na naman siya. Kaya napaiyak na rin ako, hindi ko kasi kaya kapag ganito si mafe. "Mag iingat *sob* ka *sob* dun" nahihirapang sabi ni mafe pero naintindihan ko naman. "Ate jovi bye po" sabay yakap rin kay ate jovi, kita mo kay ate jovi na malungkot rin ito. "mag iingat ka deanna ah? Pagbalik mo jema pa rin ah?" natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. "bye! Laro na kayo! Baka matalo pa kayo hahahaha" sabi ko sabay lumabas na sa bahay nila jema. Mahirap sa akin na magtago na naman. Pero kailangan ko to para maiwasan ang sakit. Kasi last 2 days namin, naramdaman ko na naman kay jema na mahalaga ako sa kanya pero itatanggi na naman niya. Sobrang sakit kasi kapag ganun. Hanggang sa muli jema.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Mafe's POV

Hindi na namin tinuloy ni ate jovi ang laro. Pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto. Parehas kami malungkot dahil aalis si deanna, para lang hindi guluhin si ate jema. Si deanna kasi ang nasasaktan kapag yung kinikilos ni ate ay hindi tama. Ako naaawa kay deanns. Mahal na mahal niya si ate jema. Alam niyo naman na saksi ako sa mga sakit na pinagdaanan ni deanns. Sana pagbalik niya si ate jema pa rin. Alam niyo ba, dati nung sinabi ni ate jema na mahal niya si ate deanna hindi ako naniwala kasi sa mga action niya hindi halata tsaka nasasaktan niya si deanns that time. Pero nung last 2 days namin, dun ko na-feel, iba aura ni ate. Lagi na siyang nakangiti kapag kasama niya si deanna. Kapag silang dalawa lang parang wala silang pakielam kung may kasama sila. I know, mahal na mahal na ni ate si deanns. Parang nagmamahalan sila kung kumilos nung last 2 days namin sa bonding namin pero ang totoo naman na mahal na nila ang isat isa. Yung isa takot na naman ma-reject. Yung isa hindi pa sigurado sa feelings. Ang lakas kaya ng chemistry nila nung magkasama sila nung last 2 days, as in sobra. Kasi makikita mo talaga sa mata nila na mahal nila isat isa. Manhid lang sila pareho. Sana sa dulo maging kayo.













































Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon