Chapter 19

3.4K 87 6
                                    

Day 5

Mafe's POV

Panglimang araw namin dito sa lugar na pinuntahan namin. Sulit din ang bonding. Masaya ako kasi first time lang namin magbonding tapos kasama pa yung bestfriend ko diba? Kaya sobrang saya ko. Itong 1 week na to ang pinakamagandang memories na nabuo namin.

Masaya ako kasi mahal na ni ate si deanna kaso natatakot siyang masaktan niya uli si deanns. Hindi pa raw kasi siya sure kung talagang mahal niya pa rin yung savior niya, basta alam lang niya raw may puwang pa to sa puso niya. Paano kaya kapag nalaman ni ate jema na si deanna yung savior niya? Yung taong sinaktan niya ng physical and emotional.

Si Deanna naman, mahal na mahal niya pa rin si ate jema. Inaantay lang niya si Ate jema na mahalin siya bilang isang Deanna Wong, hindi bilang savior nito. Una pa lang, alam ko kung ano ang pinagdaanan na sakit ni deanna. Halos mamatay na nga yan kakaligtas kay ate dati, kaya sobrang laki ang pasasalamat ko dyan kay deanna. Simula nung maging bestfriend ko siya, lagi na rin niya ako inaalagaan at prinoprotektahan. Haysss, ang swerte ng mga Galanza sa bestfriend ko.

Ito ako ngayon, babangon na. Kasi baka nasa baba na si ate jovi pero bago bumaba dadaan muna ako sa kwarto nila ate Jema para gisingin sila. Papunta na ako sa kwarto nila. Pagkarating ko, kumatok na ako.

"Deanns? Ate Jema? Kakain na tayo!" sigaw ko sa harap ng kwarto nila pero walang sumasagot. Sisigaw pa sana ako ng buksan ni deanna ang pinto. "Aber! Bakit hindi ka sumasagot?" pagrereklamo ko rito. Pero nilagay niya ang daliri niya sa bibig mo, para manahimik ako. "Huwag ka maingay. Tulog pa si Jema. Tayong tatlo muna nila ate Jovi kumain. Dadalhan ko na lang siya ng pagkain sa taas" sabi niya at lumabas na siya sa kwarto nila at ni-lock ito. Pagkababa namin, nakita agad namin si ate jovi na nagliligpit na ng makakain namin. "Oh! Deanna at mafe, tara kain na! Saan si jema? Tawagin niyo na" sabi ni ate jovi. "Ate jovi, dadalhan ko na lang po ng pagkain si jema sa taas. Tulog pa po kasi siya, ayoko naman po gisingin kasi madaling araw na rin po kami bumalik sa kwarto at natulog" sabi naman nitong bestie ko. "Alagang alaga si ate ah? Ayaw mahirapan. Swerte naman ni ate" sabi ko rito at tumawa lang sakin. Aba! Tatawa lang!

Natapos naman kaming kumain ng tahimik lang. Wala kasi ako sa mood mangulit ngayon dahil may hang over pa ako, baka mamaya na ako mang asar hehehehe. Umakyat na ako sa kwarto ko. Haysss, mamayang 2 pm daw gagala kami sa lugar na to. Mamimili ng mga pasalubong si ate jovi. Kaya maglalaro muna ako sa cp ko. 8 am pa lang naman.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Deanna's POV

Papunta na ako sa kwarto namin at dala dala ko ang pagkain ni Jema, may dala rin akong gamot kasi alam kong sasakit ulo nito ni Jema. Pagpasok ko sa kwarto, gising na si Jema at mukhang masakit nga ang ulo.

"Masakit ulo mo?" tanong ko rito

"Oo eh, bakit ba kasi ako uminom ng marami kagabi" sabi nito habang nakakunot ang noo, siguro masakit talaga ulo nito.

"Oh, kain kana. Kumain na kami. Kainin mo yan para makainom ka ng gamot sa sakit ng ulo"

"Bakit hindi moko ginising kumain na pala kayo?" sabi ni jema sakin.

"Alam kong pagod kapa. So, hinayaan muna kitang matulog" sabi ko rito at ngumiti. Nakita kong namula to, ewan ko baka imagine ko lang.

Natapos kumain si Jema na tahimik lang kami sa kwarto. Nagulat ako ng sumigaw si jema, "Fuck!" mura nito. Pagkatingin ko sa kanya, umiwas siya ng tingin. Ano problema nito? Ahh, alam ko na. Baka naalala yung kiss namin kagabi. Haysss, sabi ko na nga ba hindi niya maaalala yun eh. Baka nga wala lang sa kanya yun eh. Siguro nga niloloko lang ako ni mafe sa binulong niya.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon