Chapter 10

3.5K 73 1
                                    

Deanna's POV

Bumaba nako at umalis nako sa kwarto ni Jema. First time ko yung nangyari sa amin ni Jema. Ewan ko kung saan nanggaling yung mga ginawa ko kay jema. Bakit ba kasi hindi ko napigilan sarili koo. Ang tanga tanga mo talaga deanna!

"Oh, deanna. Bakit ang gulo ng buhok mo at pawis na pawis ka?" tanong sa akin ni ate jovi, kakarating lang pala nila.

"A-ate J-jovi, kamusta po?"

"Ok lang, salamat sa share deanna. Ok na ang company, magkasama na ang company natin" nakita mo talaga masaya si ate jovi dito.

"Anak, ako daddy ni jema. Salamat sa share ah? Ikaw na bahala kay jema ah? Mahalin mo siya ng totoo ah?" pasasalamat at pakikiusap ng daddy ni jema.

"O-opo"

Napansin ko namang tahimik si mafe at tumingin sa ng "magpaliwanag-ka-look" arghhhh! Ano ipapaliwanag ko dito?

"Ah, ate hatid ko na po si deanna sa bahay nila ah" paalam ni mafe sa kapatid niya.

"Sige, deanna ingat kayo ah" sabi ni ate jovi

"Ingat ka anak, deanna" sabi ng daddy ni jema

"Opo, tito at ate jovi"

Hinila nako ni mafe sa loob ng sasakyan niya. At umandar na, tumingin ito sa akin na parang may gusto itanong.

"Ano itatanong mo? Kanina kapa tumitingin mafe" walang gana kong tanong kay mafe.

"ano nangyare? Maayos kang umakyat kay ate ah? Bakit gulo gulo buhok mo at gusot gusot na yang t shirt mo? Huwag mong sabihin sinabunutan ka ni ate? Nako malalagot na sakin yun, sabi ko tigilan niya na kaka-bugbog sayo eh. Ok ka lang ba? May masakit ba?" sunod sunod na sabi ni mafe na halos hindi mapakali.

"Easy lang mafe,  HAHAHAHAHAHA. Mukha bang binugbog ako? May sugat ba ako? Diba wala? Haysss, kulit mo talaga" sabi ko dito.

"Eh ano ngang nangyari?" pangungulit nito sa akin.

"m-may n-nangyare sa a-amin ng ate m-mo mafe" nakita kong nagulat siya kaya napahinto niya sa gilid yung kotse.

"What!? Bumalik na naman si ate sa dati!?" anong ibig sabihin niyang bumalik sa dati? Pero nakita ko sa mata nito na parang may galit.

"What do you mean, mafe?"

"Deanna, playgirl si ate dati. Laging nasa bar at may kahalikan mapa babae man o lalaki. Pero nagbago yun nung lagi mo na siya nililigtas, kasi nainlove sayo si ate bilang Savior ah, hindi ikaw talaga. Bat ka naman pumayag mangyari yun deanna. Masasaktan ka lang deanna, alam mong ayokong makita na masaktan ka" kaya mahal ko to si mafe eh.

"Ako nauna, pero tinigil ko na kasi nadala lang ako kasi sa suot niya. Tapos nung tinigil ko si jema naman ang humila sakin. Ewan ko bat niya ginawa yun" nakita kong galit na si mafe, pero alam kong hindi sakin, kay Jema.

"kakausapin ko siya, malapit na tayo para makapagpahinga kana" cold na sabi ni mafe.

"Mafe sorry kung ginawa ko yun sa kapatid mo, sorry. Huwag kang magalit please"napabuntong hininga siya sa nasabi ko.

"ate deanna, hindi ako galit sayo ok? Kay ate ako galit, mukhang bumabalik na naman sa dati. Ayoko kasing masaktan ka, pinapahalagahan kita deanns, because you're my one and only bestfriend here" sabi ni mafe.

Nandito na kami sa tapat ng condo ko.

"Mafe, pasok nako. Sana huwag kayo mag away ng ate mo" sabi ko

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon