Chapter 27

3.4K 101 8
                                    

Jema's POV

Madaming araw na ang dumaan simula nung surpresahin ako ni Deanna. Hanggang ngayon lagi niya pa rin ako nililigawan kahit kami na. Sobrang sweet niya lang talaga sa akin. Habang ganun siya, lalo ko tuloy minamahal si Deanna. Sana hindi na to mawala sa akin. Sana ikaw na ang taong mamahalin ko hanggang dulo Deanna. "Ate, ano na naman iniisip mo dyan? Porket inlove ka" pang aasar na naman nito ni mafe. Kasi kumakain kami kasama si dad at ate jovi. Wala si Deanna kasi may inaayos daw sa office niya pero mamaya raw pupunta siya rito. "Alam mo mafe, trip moko. Wait nga lang, kailan kaba magkakaroon ng someone mafe?" tanong ko rito kay mafe. Nakikinig lang si dad at ate jovi sa amin. "Wala, inagaw mo si deanns sa akin" sabi nito. Kaya nabulunan ako, at napatingin sa kanya. Wth!? "Oyy ate! Makatingin ka naman. Joke lang yun. Actually crush ko si deanna kasi mabait siya. As in paghanga lang, hindi ko aagawin yun si bes sayo. Tsaka may manliligaw ako pero" sabi nito. Sumabat na si ate jovi kaya hindi na natapos ni mafe sasabihin niya. "Pero?" ate jovi. "Babae po kasi siya" sabi nito ni mafe. "Bakit ayaw mo ipakilala sa amin mafe? Baka mamaya hindi naman yan seryoso sayo kaya hindi mo pinapakilala sa amin?" tanong ni papa rito. "Ok lang po sayo yun dad? Babae manliligaw ko?" tanong ni mafe na halatang sobrang saya nito sa narinig niya. "Ofcourse anak! Si Jema, tinanggap ko. Tapos ikaw hindi? Unfair naman yun anak. Basta masaya lang kayo at hindi sinasaktan ng mga yan, ok sila sa akin" sabi ni dad. Kaya agad napayakap si mafe kay daddy. "Thankyou dad!" masayang sabi ni mafe. "Huwag ka muna mag-thankyou kay daddy, ipakilala mo na muna sa amin yan. Kikilalanin namin yan kung seryoso ba sayo yan. Alam ba ni deanna to? Nako baka pahirapan yan ng bestfriend mo. Alam mo namang ayaw ka ring masaktan nun" sabi ni ate jovi. Oo, tama si ate jovi. Sobrang mahalaga si mafe kay deanna, kaya sobrang mahal ko si Deanna dahil pati si mafe at ate jovi hindi niya pinapabayaan. Bihira na lang kasi yung ganung klaseng kasintahan diba? Sobrang saya ko kasi napunta sa akin ang isang Deanna Wong. "Hindi pa alam to ni deanns. Alam kong papahirapan ni deanns yun kasi ayaw niya akong masaktan. Dad, ate jovi at ate jema, I love her already pero paano kung sumuko siya agad sa akin if pahirapan nga siya ni Deanna?" tanong ni mafe sa amin. "Anak, isa lang ibig sabihin nun. Hindi ka niya mahal. If mahal ka nun, titiisin niya lahat para lang patunayan sa amin na mahal ka niya. If sumuko siya agad, hindi mo siya deserve anak" sabi ni daddy. Hayss, ang sweet ni dad. "Yes, tama si daddy mafe. Kailangan talagang gawin yun ng bestfriend mi. Kaya gusto ko yang si deanna, swerte ka at bestfriend mo ang tulad niya. Lalo na tong si Jema, mas swerte kasi girlfriend niya si deanna na sobrang protektahan ang taong mahalaga sa kanya. Naalala ko noon, halos napaaway na siya kaso may tumawa sakin kasi diba mataba ako? Halos sigawan niya yun at natakot ang babae. Kaya botong boto ako dun sa batang yun" masayang sabi ni ate jovi. Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa isang deanna wong diba? Haysss. "Totoo yan ate jovi, mas matindi nga sakin eh. Nasaksak na yun because of me" sabi ni mafe. Hindi natapos ni mafe ang sasabihin niya kasi bigla akong napasigaw. "What!?" sigaw ko dahil nagulat ako. Ganun ba talaga si deanna sa mga taong mahahalaga sa kanya? Parang sobrang swerte naman namin kasi may Deanna Wong kami. "Yes ate, totoo yun. Kasi yung kaklase ko napikon, hindi ko alam na may grupo pala yun, nagulat ako ng naglabas ng kutsilyo yung isang lalaki roon. Akmang sasaksakin ako, napapikit na lang ako at pinapakiramdaman ko kung may tatagos ba, pero wala. Kaya dumilat ako at nakita nong nakahandusay si deanns sa lapag" kwento ni mafe. Grabe si love, lalo ko siyang minamahal kasi sobrang mahal niya na rin ang taong mahahalaga sa akin. Hayssss.


➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Deanna's POV

Nandito ako sa office ngayon, nakakaurat kasi ang daming gawain. Pero minamadali ko na para makapunta ako kila Jema. "Deanna, bat ang bilis mo naman gawin lahat yan? Eh ako nga halos himatayin na rito hahaha" loko talaga to si bea. Oo, si bea. Kasama siya dito kasi may shares din si bea rito pero maliit lang, mas malaki ang akin. Hayss, kapagod nga naman kasi. "Need ko kasi matapos agad to bro. Pupunta ako kila jema, miss ko na siya eh" sabi ko. Narinig kong tumawa si bea. "Why are you laughing bro?" tanong ko rito. "Kasi naman bro, mahal na mahal mo lang talaga si Jema. Alam naba niyang magkaibigan?" tanong nito sa akin. "Actually bro hindi pa, soon baka sabihin ko na" sabi ko at ngumiti na lamang.

Nagliligpit na ako at pupunta na ako kila Jema. Sa wakas! Hayss kapagod eh.


➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Mafe's POV

Ang swerte ko sa pamilya ko kasi mayroon akong tulad nila. Lalo na sa bestfriend ko.

Habang nag iisip ako sa nangyari kanina, biglang may nagdoorbell bg pinto. Kaya agad ako tumayo para buksan ito. "Deanns, ikaw pala. Tara pasok. Wala si ate jema at ate jovi rito. Nag mall lang kasi nagpasama si ate jovi, may bibilhin ata dun" sabi ko rito. "Sige, ok lang. Antayin ko na lang" sabi nito. Sabihin ko na ba na may manliligaw ako? Ok, hinga ka muna. "Bes?" tawag ko rito. "Oh, bakit bes?" tanong nito. "May sasabihin sana ako" sabi ko habang kinakabahan pa rin. "May manliligaw ako and she's girl, since last month pa" sabi ko at nag iba ang timpla ng mukha ni deanna. "What!? Bat hindi mo sinasabi sa akin yan? Mafe naman, sana nakilala ko na siya!" sigaw nito, sabi ko na nga ba eh. "Mafe! Gusto ko siya makita. Bukas na bukas. Ipakilala mo siya amin dito sa bahay niyo. Lunch time, walang male-late" seryosong sabi nito. Bigla akong kinabahan. Magsasalita pa sana ako kaso biglang may nagdoorbell na naman.

"Oh, ate nandyan na si bes sa loob kani kanina pa" sabi ko rito. Kaya agad siyang pumasok para makita ito. Sobrang saya ko kasi nararamdaman kong nagmamahalan talaga sila ng totoo. Sana naman, hindi na sila maghiwalay pa. Sana malaman na ni ate ang katotohanan na siya ang savior nito.

<fast forward>

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni deanna. Bukas agad? Haysss, kailangan ko makausap ang babaeng yun. Pero mamaya na.

Sana kayanin niya nga ang pagsubok na maranasan niya kay bes. Kasi kung susuko siya, masasaktan talaga ako. Ngayon ko na-realize na totoo ang sinabi ni dad, if that person give up on you even wala pa siyang napapatunayan, hindi ka totoong mahal niyan. Sana katulad ng kaibigan ko tong babaeng to, si deanna kasi sobrang tagal nag suffer, pero hindi pa rin siya sumuko. At ayun ang totoong pagmamahal.



➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
HI GUYS! SORRY IF ETO LANG ANG UD KO, BUKAS NAMAN ULI KASI SOBRANG BUSY LANG TALAGA. SANA MAINTINDIHAN NIYO. MAY PASOK NA KASI, KAYA NAGKAKAROON NA NG GAWAIN.

ABANG ABANG BUKAS SA UD KO GUYS, UD KO AGAD PAGKAUWI KO GALING SCHOOL.

THANKYOU READERS!❤














































Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon