Chapter 5

3.4K 78 1
                                    

Deanna's POV

Ito na naman. May pasok na naman kasi lunes na. Hayssss. Tumayo na ako sa aking higaan at ginawa na ang aking daily routine. Sinuot ko naman ang jejemon kong style. Siguro pumasok na si Bea, tuwing monday kasi maaga pasok nun. Nag-drive na ako papasok sa school.

"Ito na naman tong pangit na to"

"Hayss, kailan kaya aabsent tong pangit na to"

"Pakamatay kana, walang pangit dito"

Naririnig kong sabi ng mga tao, hayss sanay na ako sa kanila.

Habang naglalakad ako may nabunggo na naman ako. At muntik na itong matumba kaya nasalo ko ito. -------Jema!? Lumakas ang tibok ng puso ko. Tinulak ako nito at umalis agad. Himala hindi ako pinabugbog.
Ang ganda niya talaga.

Jema's POV

Bakit ganun ang naramdaman ko nung sinalo ako ni Deanna? Lumakas ang tibok ng puso koo. Argjhhhjjhj, ayokoo! Mali ito! Bakit dun pa sa nerd na yun. At lumalakas lang naman tibol ng puso ko kapag nandyan yung savior ko. Siguro kasi akala ko matutumba ako, yun nga.

Hindi ko na lang yun, pinansin. Pinigilan ko ang sarili ko. Marunong ako tumupad sa usapan namin ni Bea.

Deanna's POV

haysss, natapos din ang boring na klase namin. Lumabas agad ako. Pagkalabas ko, nakita ko si Jema. Mukhang pauwi na ito. Susundan ko ito baka kung ano na naman ang mangyari dito.

"B-bat kasama niya si Bea papunta sa bahay nila?" bulong ko sa sarili ko. Nagsisinungaling kaya sa akin si Bea? Dyan kaya siya pumunta nung linggo? Bea, bakit?

"ang sakit pala, sarili mong kaibigan na halos turing mo na kapatid yung magtatraydor sayo" bulong ko sa sarili ko.

Alam kong papasok pa uli si Jema kasi may isa pa kaming klase at kaklase ko siya duon. Kaya nauna na akong pumasok bago pa nila ako makita.

Magbabanyo sana ako, kaso pagbukas ko. Naghahalikan si Jema at Bea. What a view.

"S-sorry po" bigla kong sara ng pinto at tumakbo. Nakita ko pang hahabulin sana ako ni Jema kaso narinig kong sabi nito, "Hayaan mo yun, si nerd lang yun" ang sakit. Ang sakit pala kapag nalaman mong tinatraydor ka ng kaibigan mo na halos kapatid ko na rin.

Nandito ako sa kalsada umiiyak. Umuulan na rin. Kaya basang basa na ako sa ulan.

Bigla kong naramdaman na hindi na ako binabagsakan ng ulan, pagtingin ko O__O. Gulat ako

"Ate, tama na" pagtahan nito sa akin.

"M-mafe?" niyakap ko siya agad.

"Oo, nandito ako ate. Tara dun tayo sa tambayan natin. Walang tao at hindi tayo mahahanap doon" sabi ni mafe.

"Ate, magbihis ka muna. Alam kong may dala kang damit dyan. Alisin mo muna yang damit mong pang-jejemon HAHAHAHAHA" oo, alam ni mafe na hindi ako ganito. Kilala na nga ako nito. Kaibigan ko rin siya kaso, secret bestfriend ko lang. Kasi kapatid siya ni Jema at ayaw kong malaman no Jema ito.

"Oo na, buti umuwi kana rito?" tanong ko

"umuwi na kami kasi may pinakilala ng girlfriend si ate" bigla niyang tinakpan ang bibig niya ng marealize niya yung sinabi niya.

"B-bat hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Ate naman, ayoko magkwento sayo ng ganun. Ayokong masaktan ka, kaibigan kita. Alam mong sayo ako boto diba? Bakit hindi kana kasi magpakilala kay Ate na ikaw savior niya? Edi sana, kayo na" oo, alam ni mafe na ako ang savior ng ate niya. Nakita niya ako at hinabol. Hanggang sa maging magkaibigan na kami.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon