Chapter 4

3.4K 80 0
                                    

Umuwi ako sa bahay ng may takot dahil sa nangyari sa akin pero at may saya ring nadama dahil nakita ko na naman si savior. Napahiga na lamang ako sa kama ng may bumukas ng aking pinto-------------si mafe lang pala.

"ate, pwede ba dito muna ako? Na-miss kasi kita" paglalambing na sabi nito sa akin.

"oo naman, tara dito ka" pagkalapit niya niyakap ko siya agad.

"ate?" tawag nito sa akin habang yakap yakap ko pa rin.

"hmmm?"

"Mahal mo ba talaga yung girlfriend mo?" napatingin ako dito kaya bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya.

"Oo naman babygirl, bat mo natanong?"

"Ate, hindi ka talaga magaling magsinungaling because if your girlfriend is important to you, sasabihin mo sakin yun" haysss, kilala talaga ako nito. "And besides ate, nakalimutan mo na ba? Nagkekwento ka sakin kapag importante at mahal mo yun tao. Like your savior, right ate? And nagtaka ako, sinabi ni ate sakin uuwi na kami kasi may girlfriend kana. Kala ko hindi na kami uuwi, kasi diba ang mahal mo is yung savior mo?" oo, alam ni mafe yung tungkol sa savior ko. Actually, siya lang nakakaalam. And gusto niya na nga makita ito para daw makapagpasalamat ito sa savior ko kasi lagi siyang nandyan for me.

"haysss, ok. You know me well talaga. Yung ipapakilala ko bukas kay ate, is not my real girlfriend. Actually, pinilit ako ni Dad na may ipakilalang girlfriend kay ate, para naman daw makauwi na rin kayo. Wala akong nagawa, kasi miss ko na rin kayo, so I need to find the person na ipapakilala ko. Then yun na nga, naisip ko si bea but we have a deal about deanna. You know her right? Yung lagi kong pinapabugbog. She said, na papayag siya if titigilan ko na si deanna ipabugbog o bullyhin ko. So pumayag ako, then yun na" mahabang paliwanag ko rito.

"Haysss, kala ko talaga pinagpalit mo na yung savior mo ate eh. Alam mo namang dun ako boto diba? Sana makilala na natin siya. Ready dapat kayo sa sasabihin ni ate bukas, yung bunganga pa naman nun walang preno, dapat maging maingat kayo sa mga sasabihin niyo para hindi magtaka si ate" Paliwanag din nito.

"oo bunso. Actually kaya ako pumunta sa kanila para dun, para hindi magugulat si bea sa mga sasabihin ni ate"

"bakit kaya gustong gusto ni ate na magka girlfriend kana?" tanong sa akin ni mafe.

"siguro dahil matanda na nga ako, and need ko na ng fiance HAHAHAHAHAHA" sabi ko dito habang tumatawa.

"Loko ka talaga ate, tara tulog na tayo. Goodnight ate!" bati nito sa akin.

"Goodnight mafe!"

Haysss, goodluck sakin bukas. Goodluck din kay Bea.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Deanna's POV

Nagising ako ng maaga dahil naman sa nangyari kagabi. Nakita ko na naman si Jema, na mabait na tao. Kasi kapag ako, as in ako na walang takip ang mukha ang kaharap nito nagiging halimaw at ipapabugbog ako ng walang dahilan. Mahal ko siya, simula pa nung nakita ko siya tas sinungitan niya ako. Hanggang sa sinusundan ko na siya at laging nililigtas. Naalala ko pa nun, sinabi ni Jema mahal niya raw ako pero hindi ko ito nasagot agad dahil sobrang saya ko nun kahit halos mamatay nako nun kasi sinaksak ako ng taong tangkang patayin si Jema. Mamahalin niya pa rin kaya ako kapag nalaman niyang, ako ang nagliligtas sa kanya, yung taong hate na hate niyaaa hayyssss. Kagabi, may taong gusto na naman siyang saktan. Hayss, buti na lang nandun ako ng time na yun at pauwi na.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon