Chapter 17

3.5K 86 0
                                    

Day 3

Deanna's POV

Nandito na kami sa labas, magswiswimming kasi kami nila mafe, ate jovi at jema. Naalala ko na naman yung sinabi ko kay jema na mahal ko siya. Ewan ko bakit ko nasabi yun, pero totoo naman na mahal ko siya.

Miss ko na si Bea. Simula kasi ng pumunta kami dito, tinago ni ate jovi mga cp namin. Kasi bonding daw namin to kaya wala kaming choice. Kaya wala kaming connection ni bea, and nagpaalam naman ako kay bea. Baka kasi tumawag tas magtaka hindi ko sinasagot. Pagkauwi niya raw kwento daw ako kung ano na meron samin ni Jema dati. Haysss.

"Oy deanns! Nakatunganga ka dyan!? Nandun na si ate jovi at ate jema oh!" sabi sa akin ni Mafe. Lalim na pala ng iniisip ko."May iniisip lang mafe, tara na punta na tayo dun" naglakad na kami palapit kila jema. Ang ganda talaga ni Jema.

Nagswimming kami at nagkukulitan. Sobrang saya, hindi ko makakalimutan ang 1 week na pagsasama sama namin. Kasi pagkauwi namin sa manila, hindi na ako makakafocus sa kanila kasi kay Bea naman ako magfofocus kasi miss ko na rin yun. Kaya sinama ako ni ate jovi para daw makabonding din kami, kasi kinwento ko na yung kay bea. Kinwento niya rin yung pagpakilala ni jema kay bea sa kanila na deal lang daw yun. Nagulat nga si ate jovi na kaibigan ko daw pala yun at ako raw pala yung kinwento ni bea sa kanila na kasama raw niya sa bahay.

"Deanns, iniisip mo naman masyado si ate jema" agad naman binatukan ni jema si mafe, HAHAHAHAHAHA makulit kang mafe ka ah. "Uyy! Inaano ba kita ate!?" sigaw na tanong ni mafe kay jema. "Dinamay mo na naman pangalan ko" sabi nito. "Sus, gus----" hindi na natuloy sasabihin ni mafe kasi sinakal na ni jema agad ito, kaya natawa kami ni ate jovi sa kanilang dalawa. "Subukan mong ituloy, masasakal talaga kita ng hindi kana makakahinga" sabay bitaw niya kay mafe. Si mafe naman tumingin naman ng masama sakin nung nakita niyang tinatawanan ko siya. Ayun tinalsikan ako ng tubig, kasi nandito pa rin kami, nagswiswimming habang nag aasaran. Tinalsikan ko rin siya ng tubig at lumangoy palayo sa kanya kaya hindi na niya ako natamaan.

Nagkulitan lang kami sa tubigan, sobrang saya. "Ang sayaa" sabi nito ni mafe habang kumakain, kumakain na kasi kami ng tanghalian. "Mali ka ata ng nabanggit mafe, dapat ata ang sasabihin mo "ang sarap" pang aasar ko kay mafe kaya sinamaan ako ng tingin nito. "Nako, huwag moko simulan mang asar deanns, tatadyakan kita dyan" natawa naman sila jema at ate jovi kasi nagbabangayan na naman kami nito ni mafe. Haysss bakit ko nga ba naging kaibigan to? Dahil kay jema. Arghhhhh! Shut up mind. "Oh, bakit nakakunot na ang noo mo deanns?" tanong ni mafe kaya agad akong tinignan ni jema at ate jovi. "Ah, wala. Ano gagawin natin tapos nito?" pag iiba ko ng topic sa kanila. "Ano ba gusto niyo gawin?" tanong ni ate jovi kay jema at mafe, at sakin. "Ate, pahinga muna tayo ngayon" suggest ni mafe. Kanina pa hindi nagsasalita si jema ah. "Agree, bukas na uli, kanina naman nakapagswimming tayo" pagsang ayon ko kay Mafe.

Pumunta kami sa kanya kanya naming room. Humiga na ako dun, tumabi rin si jema sa akin. "Deanna?" tawag ni jema sa akin. "Bakit jema?" tanong ko rito. "Antok kaba?" tanong nito sa akin. "Hindi naman, pagod lang. Bakit? Hindi kaba antok?" sunod sunod kong tanong dito. "Hindi ako inaantok eh. Kwentuhan naman tayo. Nakahiga naman tayo, habang nagpapahinga. Ok lang kung ayaw mo" napangiti ako sa sinabi ni Jema. Yess! Makakausap ko siya ng matagalan. "Sige, kwentuhan tayo. Ano ba gusto mo malaman sa akin?" tanong ko dito at humarap ako sakanya, nakaharap pala siya sa akin kaya nagulat ito sa akin nung humarap ako pero nagsalita naman siya, "Bakit ka nagpaka nerd? Ayos ka naman pala kapag hindi nerd?" tanong nito sa akin. "Ayoko kasi ng magulo. Ayoko yung maingay. Actually ayoko magyabang, pero kasi dati sa school namin pinagkakaguluhan ako. Ang daming admirer. Pero wala ni isa akong nagustuhan. Naaasar lang ako. Tapos nagsimula magcollege, nag ateneo ako. Then, napag isipan kong magpaka nerd, siguro wala ng hahabol o wala ng manggugulo sa akin kapag nagpakanerd ako, yun yung nasa isip ko. Pero mali ako, kasi may nanggugulo pa sa akin. Pero hindi na sa paraan na hahabulin ako. Yung paraan na sasaktan ako, and ikaw yun" napahinto muna ako. Nakita kong napayuko si jema. Alam kong nagi-guilty to sa mga ginawa niya sa akin noon. "S-sorry sa nagawa ko noon Deanna, hindi mo deserve yung ganong trato" malungkot na saad ni Jema sa akin "Ok lang sakin yun. Basta makita kita ok lang" pagpapatuloy ko. Nakita kong napatingin siya sa akin, mukhang naguluhan sa sinabi ko. "Oo jema, matagal na kita gusto. Highschool pa lang ako, mahal na kita. Magulo diba? Yung dahilan nito kung paano kita nakilala dati, sa susunod ko na i-kwento ah" sabi ko at nakita kong nagulat siya. "Aabangan ko yang paliwanag mo kung paano moko nagustuhan at nakilala dati pa lang. Stalker pala kita dati ah" sabi nito at nagsmirk HAHAHAHAHA. ang cute niya lang talaga. "Sa ganda mong yan, sino ba naman ang hindi mahuhulog diba?" sabi ko dito. Nakita kong namula ito, o feeling ko lang?

Nagkwentuhan pa kami ng marami ni jema. Mas nakilala ko na siya ngayon, kung ano paborito at ayaw niya. First time, first time namin mag usap ng ganito kaseryoso, yung walang sungitan. "Salamat sa pagkwekwento deanna!" sabi nito habang nakangiti. "Always welcome" sabi ko. Magkaharap pa rin kami, nakatingin lang kami sa isat isa. Napawi naman ang mata namin sa nagbukas ng pinto. "Oh! Grabe titigan ah. Kakain na, gabi na!" bago pa namin batuhin si mafe ng unan, tumakbo na agad. Epal talaga to si mafe. Teka!? Gabi na? Ganun pala kami katagal mag usap ni Jema. "J-jema tara na, kain na tayo" sabi ko rito. "Tara na, mapang asar talaga si mafe" sabi ni jema. Tumawa na lang ako.

Pagkababa namin ni jema, nadatnan namin si Mafe at ate jovi na nag aayos ng mga plato. Kaya agad na namin silang tinulungan para makakain at makatulog na kami "Ang sarap naman nito ate jovi" sabi ko. Kasi ang sarap ng menudo ni ate jovi. "Nagluto na lang ako kasi puro tayo bili sa restaurant" sabi ni ate jovi. Natapos kaming kumain ng tahimik lang, for the first time HAHAHAHAHA. nililigpit na namin yung pinagkainan namin at sabi ni ate jovi ipapahugas niya na lang sa mga tao rito at babayaran niya na lang ito. "First time natin kumain ng payapa ah" sabi ni Jema. Kaya tinarayan siya ni mafe. Ano meron kay mafe? Ang sungit ngayon. "Bat ganyan mukha mo mafe? Tahimik ka ngayon ah? Kanina lang nung nagswimming tayo ang ingay ingay mo" sabi ko rito. Sumabat naman bigla si ate jovi. "Kaya ganyan yan kasi nung pagkatawag sa inyo sa kwarto niyo, nadapa. Tapos nauntog dito sa lamesa nung kinuha niya yung kutsara sa ilalim" natawa ako sa sinabi ni ate jovi. "Anong tinatawa tawa mo ah!" sabi nito, mataray na HAHAHAHAHA. "ang tanga mo naman kasi mafe" natatawa ko pang sabi kaya natawa na rin si jema at ate jovi. "Arghhhh! Bahala nga kayo, matutulog na ako. Mag iipon ako ng lakas para makabawi ako sa inyo, aasarin ko kayo bleee" sabay takbo nito palayo. Mukhang wrong move deanna. Magaling mang asar yun eh.

Tinignan ko ang orasan ko, 9 na pala ng gabi. Kasi nagpahangin pa kami rito. Niyaya ko na si jema umakyat sa kwarto namin.

"Jema, goodnight" sabi ko pagkahiga ko sa kama ko kasi antok na talaga ako. "Goodnight deanna" sabi sakin ni jema. Kaya natulog ako ng may ngiti sa aking nga labi, nakasama ko ng matagal si jema tapos nakakwentuhan ko pa siya. Ang saya whooo!

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Jema's POV

Ang saya ng araw na to. Nakilala ko ng puspusan si deanna dahil sa kwentuhan namin kanina. Mahal niya na pala ako dati pa, bakit ayaw niya pa sabihin kung paano niya ako nakilala? Baka nahihiya pa? Baka nga. Aantayin ko yung time na magkwekwento na siya kung paano niya ako nakilala dati pa.

Hindi pa ako antok pero tong katabi ko tulog na tulog na. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko mapagmasdan ang mukha niya. Sana antayin moko, sana makaya mo. Aayusin ko lang yung sa savior ko kasi ayoko rin yun masaktan, malaki utang na loob ko sa savior ko basta SANA makaantay ka kahit hindi mo alam na gusto na kita.

Isa lang masasabi ko sayo deanna, I'm already inlove with you.

Hanggang sa makaramdam na ako ng antok, pumikit ako pero si deanna nasa isip ko kaya matutulog ako ng may ngiti sa labi.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon