Chapter 33

2.9K 81 0
                                    

Mafe's POV

Ano na naman tong sinasabi ni Donna? "Anong alam mo donna?" tanong ko rito. "Yung tungkol kay Deanna at ate Jema" seryoso nitong salita. Ano ba pinagsasabi nito? "Huh? Nababaliw na naman tong si Babe" sabi ko rito at kinurot ang pisngi, pagkatingin ko seryoso ang mukha nito. "Hindi nag-cheat si Deanna!" sigaw ni donna, kaya nagulat ako. What!? Seryoso ba siya?!

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Donna's POV

Sorry deanna, kailangan ko na sabihin ang totoo kay Mafe. Hindi ko na kasi kayang makita kang nasasaktan deanna."Listen mafe" sabi ko rito. Nakita kong paiyak na to. "Nung nagpaalam ako na mauna pumasok sa bahay niyo nun, nakarinig ako ng sigawan, so tinignan ko kung sino. Si Deanna at Ate jema. And may isang lalaki. Sinapak ni deanns yung lalaki. Wala akong clue kung bakit sinapak, nang biglang sumigaw si ate jema na parang bigyan siya ng chance. Aayusin niya raw keme keme. So yun, napag alaman ko na ex pala ni ate jema yung nasa bahay niyo nun at habang sila pa ni deanna, sila uli nung ex niya, nagulat ako nung inako niya ang kasalanan ni ate jema. Kaya nung nagkita kami tinanong ko siya, ang sabi niya "Gusto kong ma-hate ni mafe. Baka kasi isipin ni Jema na ako na lang palagi ang pinagtatanggol ni Mafe. Mahal ko silang dalawa, kaya sana masaya sila" Mahabang kwento ko rito. At umiiyak na nga ito. "B-bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi pala deserve ni bes na saktan ko siya. Imbis ako magtanggol sa kanya, ako pa yung nanakita sa kanya" iyak na sabi ni mafe. "Kasi yan gusto niya. Nagpaubaya siya para hindi mo maging hate si ate jema kasi magkapatid kayo. Now you know ano kahalagahan ng pagkakaibigan? Diba sabi ko nga sayo, ikaw ang mas nakakakilala kay deanna kasi matagal na kayong magkaibigan" sabi ko rito. Iyak pa rin ito ng iyak.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Mafe's POV

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko para saktan ang totoo kong kaibigan! "tahan na, mamaya magkikita kami sama ka" sabi nito sa akin. Buti na lang may donna na laging nandito para sa akin. "Promise ah? Sama ako ah?" pagmamakaawa ko. "Oo, babe" pagsang ayon nito.

"Ok kana babe?" may pag aalalang tanong sa akin ni donna. " Oo, may tanong ako sayo babe" sabi ko rito. "Ano yun?" kunot noo nitong tanong. "Matagal na kayo close ni Deanna? And friend na rin ba kayo?" tanong ko rito. Natawa na lang to kaya sinamaan ko siya ng tingin, nakakainis eh. "Hahaha, huwag kang magselos sa akin babe ah. Bestfriend ko na rin kasi bestfriend mo. Kapag kailangan niya ng kaibigan, ako yung nandyan sa kanya kaya palagi akong umaalis diba pero iba dinadahilan ko kasi ayaw mong makipag usap kay deanna. Sana huwag kang magalit babe" sabi nito. Swerte talaga ako duto. Haysss. I love her so much. Hindi pa kami nag i love you sa isat isa kasi masyado pa maaga. Ang sabi ko, sasabihin lang namin yung salitang yun kapag 1st anniversary na pero ipaparamdam pa rin namin na mahal na mahal namin ang isat isa. "Hindi ako magagalit. Kay deanna ka naman pumupunta at hindi sa iba. Salamat kasi lagi kang nandyan kay bes, na dapat ako gumagawa nun" Malungkot kong sabi rito. Magsasalita pa sana si Donna kaso biglang bumaba si Ate Jema.

"M-mafe, s-samahan mo ako kay B-bea. Nakikipaghiwalay na siya sa akin" iyak na sabi ni ate jema. "Ate, hindi ko alam bahay nila ate bea, sorry. Tahan na. Ate-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita ito, "Kung ayaw mo sumamasa akin, ako na lang!" sigaw nito akmang aalis na ito pero hinawakan ko ang kamay ni ate. "Ate, sasamahan kita. Hanapin natin si ate bea" sabi ko rito.

Nagda-drive na si donna. Ako naman, nandito sa likod sinamahan ko si ate jema. Bakit hindi na lang si deanna, naalala mo? Nakakainis eh. Pinagtanggol kita ate, kala ko kasi si deanna nagcheat. Pero ikaw pala, bakit mo nagawa yun? Kala ko ba mahal na mahal mo si deanna? Ako nasasaktan ate eh, kasi sinaktan ko si deanna kahit hindi siya yung may kasalanan. Nagulat ako ng biglang huminto si Donna, nakita no ring nagulat si ate. "Si deanna ba yun, mafe? Kasama si Bea" sabi ni donna. Nagulat kami ni donna na biglang lumabas si Jema at pinuntahan kung nasaan si bea at deanna. Kaya sinundan namin to ni donna.

Nagulat kami ng biglang sampalin ni Jema, si Deanna!? Wtf! Sumosobra kana sa pananakit sa kanya ate! "Ate! Ano na naman ba yang kalokohan na yan!" sigaw ko rito. Nakatingin ako kay Deanna pero parang wala lang sa kanya yung sampal. "Ano problema mo miss?" tanong ni deanna kay ate. "Nilalandi mo si Bea! Kala ko mabait ka! Malandi ka pala! Kaya siguro nakikipagbreak si bea sa akin dahil sayo!" sigaw ni ate rito. Napatingin ako kay deanna na parang walang alam na nakipagbreak si bea kay ate. Ako na sana sisigaw kay ate jema pero biglang nagsalita si Bea.  "Jema, mag usap nga tayo dun. Guys, dyan muna kayo ah" sabi ni Bea at biglang hinila si ate palabas ng resto dahil nakakahiya na nga dun. "Ahm, Dons and m-mafe. Kain muna kayo, nag order kami ni bea. Satin na lang muna tong food. Oorder na lang uli yun si bea" nauutal na sabi ni deanna. "Sus! Kahit hindi mo sabihin, kakainin ko talaga yan!" sigaw ni donna at natawa si deanna. Mukhang komportable na nga sila sa isat isa. "Ah, sorry m-mafe. Aalis na lang muna ako. Baka kasi--------" hindi ko na siya pinatapos magsalita. Dahil akmang aalis na ito."Dito ka muna. Mag-explain ka sakin" sabi ko rito kaya napaupo uli siya. "Sinabi na sakin ni Donna. Deanna, sorry. Dapat ako yung laging nandyan para sayo pero ako pa yung nanakit sayo. Sorr------" hindi ko na natapos dahil sumabat na si deanna. Iyak na uli ako ng iyak rito. Niyakap lang ako ni donna. Nagulat ako ng hinawakan naman ni deanna ang kamay ko. "Alam mo na pala. Madaldal talaga to si dons eh hahaha. Ok lang mafe. Yun nga gusto ko mangyari eh. Yung maramdaman ni jema na siya na yung ipinagtatanggol mo. Hindi ako nagalit sayo at plano ko yun na ako yung sisihin ng lahat kesa si Jema. Kaya hindi ka dapat magsorry" sabi ni deanna. Biglang akong tumayo at niyakap ito. "Salamat bes, salamat" sabi ko rito at umiiyak pa rin ako. "Huwag ka nga umiyak. Ang pangit mo na mafe! Baka ma-turn off sayo si donna HAHAHAHA" imbis na magdrama ako, nainis lang ako. Sinamaan ko ng tingin si deanna at donna na tawa ng tawa. Napatigil sila ng nakita nilang ang sama ko tumingin. "Hep hep! Bes! Huwag ganyan kakabati lang natin eh!" bigla akong napatawa sa kakyutan ni deanna. Namiss ko to eh.

"Mafe! Donna! Sundan niyo si Jema!" sigaw ni Bea. "No! Mafe at donna. Sa ngayon lang, please gusto ko damayan si Jema" sigaw ni deanns. At tumakbo na ito para hanapin si ate jema. Alam kong hindi papabayaan ni deanna si ate. May tiwala ako kay deanna.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

SORRY GUYS KUNG LATE! NAWALAN NG ILAW SA AMIN, SIMULA 9 AM. NGAYON LANG NAGKAROON. HI SA MGA TAGA-MAKATI NA READERS KO NA NAWALAN NG ILAW!

PATI WIFI NAMIN NAWALAN NG SIGNAL, KALA KO PA NAMAN ILAW LANG. NAKI WIFI LANG AKO GUYS. ANTAYIN KO LANG PO YUNG SIGNAL. ANTAYIN NIYO PO MAMAYA YUNG IBA KONG UPDATE. SORRY GUYSS.

ITO NA PO UPDATE KO!








































Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon