Chapter 2

3.4K 90 0
                                    

Jema's POV

Nagising ako ng maga ang mata. Hayssss, mahal na talaga kita kahit hindi pa kita nakikilala. And besides dun sa nerd na Deannang yun, ewan ko palaging mainit ulo ko dun. Wala siya ginagawa saken pero nag iinit ulo ko sa kanya. Ewan ko, basta! Siguro kasi pangit siya, yuckkk!

"Jema, gising kana pala. Tawag ka pala ng dad mo sa office niya" sabi ni Ella. Siya ang bestfriend ko, nakatira siya dito kasi isa siya sa mga yaya namin dito. Hanggang sa naging kaibigan ko na siya.

"Sige, sabihin mo papunta nako bibihis lang"

Naglalakad na akong papunta sa office ni Daddy. Nang nasa harap nako ng office ni Dad, binuksan ko na ito at napatingin na si Daddy sa nagbukas ng pintuan.

"Oh! You're my beautiful daughter" sabi ni Daddy.

"Dad naman. At pinapunta niyo po ako rito?" may pagtatakang tanong ko kay Daddy.

"Uuwi na mga kapatid mo dito bukas, and I want you na sunduin mo sila sa airport"

"Really Daddd!?" May pagka-excited kong tanong. Dahil ang mga kapatid ko ang mga kadamay ko sa lahat ng bagay. Si mafe ang bunso, ako ang medyo gitna sa kanila kasi si ate jovi ang pinakamatanda sa amin.

"Yes. And we have a deal, if meron kang maipapakilala sa kanilang girlfriend mo" oo alam ni dad, at mga kapatid ko ang gusto ko ay babae and si mom alam niya na rin kaso busy lang talaga siya sa pag-manage ng school.

"Dad naman, alam mo namang wala ako niyan sa ngayon eh!" pagmamaktol kong sabi. Nakakainis, saan ako maghahanap ng girlfriend.

"And ok. Sabihin ko sa mga kapatid mo na i-cancel na ang pag uwi dito bukas dahil wala ka pang girlfriend" akmang tatawagan ni Dad si ate jovi. Pero pinigilan ko.

"No Dad! Ok, bukas may ipapakilala ako sa kanila. Haysss"

"Ok, my baby girl. Yan ang deal. You can go to your class na" nakangiting sabi ni Dad.

Saan ako maghahanap ng taong ipapakilala ko kila Dad, mom at lalo na kila Mafe at ate Jovi. Haysss, nang may bumangga sa akin! Ang init na nga ng ulo ko, ganto pa mangyayari sa akin.

"S-sorry Je-jema" Natatakot na sabi ni Deannang Nerd.

"Sorry!? Yan na lang ba magagawa mo ah!!" nako, nag iinit na naman ang ulo ko dito. Sobrang sakit kasi ng pagbangga sakin nitong nerd na to. "Bugbugin niyo nga yan!" sigaw ko sa mga lalaking nandito. Akmang lalapit na sila kay Deanna para pagsusuntukin. Nang may------------"Ano na naman yan Ms, Galanza?" tanong sakin ni Bea. "Bitawan niyo nga yang si Nerd. Nerd! Umalis kana dito, hindi ka bagay dito!" wtf!? Hindi pa ako nakakabawi!

"Bea!? Babawian ko pa yun! Ano ba yang nasa isip mo ah!?" sigaw ko.

"huwag mo na siyang pakielamanan Jema. Pumasok siya dito para mag aral, hindi para bullyhin mo!" sigaw niya rin sa akin. Hmmmmmm, ngumiti ako dito. May naisip akong gawin. Tama! Ito na lang!

"In one condition babe" sabi ko na lang. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. "Be my Girlfriend, sa isang buwan lang" nakangiti kong sabi dito.

"What!? No!" galit na sabi nito.

"Ok guguluhin ko pa rin ang buhay niya, sa ayaw at sa gusto mo!" natahimik siya, parang may pag aalala sa mata niya. Sigurado akong hindi sakin yung pag aalala. Kundi sa nerd na yun. Ano kayang meron bakit ganun na lang siya mag alala dun, hmmmm. Malalaman ko rin yan, pero sa ngayon need ko muna tong makumbinsi.

Akmang aalis na ako, nang "Ok, fine! You can be my girlfriend for 1 one month. But itigil mo na ang pagpapahirap mo kay Deanna, Jema. That's our Deal" napangiti ako sa sinabi nito. Haysss, may nahanap rin.

"Ok, marunong akong sumunod sa usapan. Text text na lang tayo my girlfriend. And I know you know my number, yun pa rin number ko" makahulugang sabi ko dito.

Umalis na siya, at mukhang aligaga. Anong nangyayari dito. Kaloka ahh. Titigilan na muna kita ngayon nerd ka, at sana lang hindi maglandas mundo natin. Baka masapak kita at hindi ko pa masunod ang usapan namin ni Bea.

Bea's POV

Bakit ka pumayag Beaaa! Arghhhhhhhhhhhh!

"Bro, what happened?" pag aalalang tanong ni Deanna. Dahil nakauwi nako dito sa bahay namin.

"Wa-wala bro, masakit lang ulo ko. Kakainom ko lang din ng gamot hehe" mukhang nakumbinsi ko naman.

"Bro, thankyou pala kanina. Baka nabugbog na naman ako kung hindi ka dumating" natatawang sabi pa nitong ugok kong kaibigan.

"are you stupid Bro!? Alangan hayaan kitang mabugbog na naman. Sinusundan na kita baka kasi mag krus na naman landas niyo ni Jema, kita mo namang mainit ulo nun sayo. Ayun tama nga ako. Baka kung natuloy ang bugbog sayo, baka pinaglalamayan kana. Hindi pa nga magaling yang mga sugat mo, bugbog uli!?" asar na sabi ko dito. Buti na lang napigilan kong patulan si Jema kasi yun gusto nitong ugok kong kaibigan na kunyari hindi kami magkakilala. Ewan ko ba kung ano gusto mangyari nito sa bahay niya. Lagi na lang kasi sumusunod kay Jema. Oo, lagi siyang sumusunod kay Jema kasi baka kung ano raw mangyari na naman dito, tulad dati. Naaawa nako sa kaibigan ko. Haysssss.

Nang humiga nako, naisip kong bakit ako pumayag sa desisyon ni Jema? Hayssss, pagnalaman to ni Deanna, sigurado akong mag aaway kami nito. Sobrang mahal kasi nito si Jema, kahit ganun yun sa kaniya. Wala akong gusto kay Jema, napilitan lang ako para tigilan na si Deanna. Haysss, ano tong pinasok kong gulo....















































































































Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon