Chapter 29

3.1K 77 2
                                    

Donna's POV

Ngayon ako pupunta sa bahay nila mafe to prove something. Ang swerte nung girlfriend ng ate niya, si ate Deanna. I want to know her more. I think she's good and very strict when it comes to her best friend and to her girlfriend. So, now I understand why ate Deanna is important to mafe's family. I want to know what sacrifices she did to mafe's family. I want to be her best friend too.

Papunta na ako kila mafe ngayon. I hope I'm ready. Malapit na ako kila mafe. Nararamdaman niyo ba yung nararamdaman ko? When it comes to your someone, parang ayaw mo na mawala to. Iisipin mo na sana siya na lang hanggang dulo. Ayan yung nararamdaman ko kay mafe ngayon. First time ko makaramdam ng gantong feeling. Haysss.

Masyado na pala mahaba ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala ako kila mafe. "Hi po ate, san po si mafe?" tanong ko, kasi si ate deanna nagbukas. Swerte sila sa isat isa ng gf niya. "Ah, may pinuntahan lang. Pumasok kana para magsimula na ang pagpapatunay mo sa sarili mo" bigla akong kinabahan sa sinabi ni ate deanna. "Upo kana dyan. Tayong dalawa lang, kasi si tito nasa company kasama si ate jovi. Si love naman at si mafe pumunta sa mall. Napaaga ka kasi ng dating" kaming dalawa lang? Mukhang seryoso si ate deanna huhu mafe saan kana? Nakakatakot bestfriend mo. "Ano na po yung dapat kong gawin para patunayan ko na mahal ko si mafe?" tanong ko. Naglakas nako ng loob magtanong huhu. "Wala. Ayoko naman magalit sa akin si mafe kapag pinahirapan kita. Pero may plano sana ako kaso alam kong hindi mo kakayanin. Pero isa lang masasabi ko sayo, kapag sinaktan mo si mafe lagot ka sakin. Kahit saan ka magtago mahahanap at mahahanap kita" sabi nito na may pagbabanta. "Naintindihan ko naman po kayo. Pero ipapangako ko po sa inyo na hindi ko iiwan at sasaktan physically si mafe, pero yung saktan emotionally? Hindi ko po mapapangako yun kasi po kapag nagmahal ka hindi mo maiiwasan na masaktan talaga" sabi ko na lang. "Ok, tanggap kana sa pamilyang Galanza at Wong. I'm Wong kasi hehe" lah!? Tumawa siya? Whoooo! Tanggap nako sa pamilya nilaaa. "Talaga po?! Salamat ate deanna. Makakaasa po kayo na aalagaan ko si Mafe" sabi ko habang yakap yakap siya. "Nako! Aasahan ko talaga yan. Isa lang sasabihin ko sayo. Even may mga pagsubok na dumaan sa inyo, harapin niyo yan ng sabay. Mas malakas ang totoong pagmamahal kesa sa problema hahaha. Btw, Deanna na lang o kaya deanns, parte kana naman ng pamilyang to" whooooo! Ang saya kooo! "Salamat deanna! Yung daddy pa ni Mafe" sabi ko rito at lumungkot ako. "Sus! Huwag mona alalahanin si tito. Kapag ayos daw sakin, edi ayos na rin sa kanya. Alam naman niyang hindi ko hahayaang mapunta sa maling tao si mafe eh" napayakap muli ako kay deanna. Ang saya koo whooo! Tanggap na kami ng pamilya ni mafeeee!

"Ehem!" bigla akong humiwalay sa pagkayakap kay deanna dahil may umubo sa bandang pintuan. "Oh, love. Si Donna kanina pa narito, saan si mafe?" tanong ni deanna rito. "Ah, nasa labas lang. Donna sundan mo nga dun, napakabagal talaga" inis na sabi ni ate jema. Whooo! Susundan ko nga baby ko. "Sige po ate jema" sabi ko at lumabas ako na masaya.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Jema's POV

"oyy deanna! Bat may pagyakap dun?" pagsusungit ko rito. "Love naman, pati ba naman manliligaw ni mafe pagseselosan mo? Alam mo namang ikaw ang mahal ko diba?" sabi ni deanna at niyakap ako. Ewan ko, kasi nainis ako yun ba naman ang bumungad sa akin. "tse! Umalis kana nga!" inis kong bulyaw kay deanna. Ewan ko bigla kasi uminit ulo ko sa nakita ko. May tiwala ako kay deanna pero nararamdaman niya ba yung feeling na takot akong mawala uli si deanna? Kaya nga ayaw kong dumidikit yan sa iba eh. "Ano na naman to jema? Nasasakal ako sa ginagawa mo. Mga kaibigan ko pinapaiwas mo na sa akin. Pati ba naman manliligaw ni mafe na kinikilala ko para sa bestfriend ko ayaw mo pa" padabog nitong sabi. Wow! Nasasakal na pala siysa! "nasasakal kana? Tangi*a deanna! Ayokong mawala ka lang! Mahal kita eh!" sigaw kong sabi. "mahal moko? Gag* ka pala eh, dapat pagkatiwalaan mo ako. Lahat na ginawa ko para sayo Jema para lang mapatunayan ko sayo na ikaw lang talaga pero hindi pa ba sapat ah!?" sigaw nito at umalis na. Napaluhod na lamang ako sa sakit. Ang sakit, kasalanan ko to bakit ba kasi ako may insecurity sa sarili huhuhuhu. Gusto ko man habulin si deanna pero wala na, nakaalis na siya.

Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon