Chapter 34

3K 73 2
                                    

Deanna's POV

Agad kong hinanap si Jema. Agad ko siyang nakita sa park. Nakayakap ang mga kamay nito sa tuhod at nakapatong ang ulo nito sa tuhod. "Sorry, hindi ako babae ni bea. We're just friends. Hindi kami talo nun hahaha" sabi ko at nakita kong napatingin ito sa akin kaya agad kong hinawakan ang kamay nito, buti hindi niya tinanggal. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mga luha niya. "Hindi bagay sa isang magandang babae na umiiyak lang dito sa park. Gusto mo tulungan kita kay Bea?" tanong ko rito. Napatingin lang ito sa akin, "No, napagdesisyunan na namin yun. Pakiramdam ko kasi may mahal na iba yung puso ko. At nararamdaman ko yun sa isang tao" sabi ni Jema. So, wala nako pag asa? "Ah, huwag kana malungkot. Tara, timezone tayo para sumaya ka" yaya ko rito.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Matapos namin mag timezone hinatid ko na pauwi si Jema. "Salamat, deanna right? Sobra mo akong napasaya" napangiti ako sa sinabi ni Jema. Napasaya ko siya, whoooo!

"Tara nandito na tayo sa tapat niyo, ayun ata daddy mo inaantay kana palabas" lumabas ako para pagbuksan ng pinto si jema, at hinawakan ko ang kamay nito para alalayan siya. Nakita kong nakatingin ito sa akin, at nag iwas ito agad ng makita niyang patingin ako sa kanya.

"Wth daddy!" sigaw mi Jema. Dahil bigla akong sinuntok ng papa ni Jema. Nakita kong napalabas si Ate jovi, mafe at donna siguro dahil sa sigaw ni jema.

Agad akong nilapitan ni Mafe at donna para alalayan na tumayo. "Matapos mo lokohin si Jema, magpapakita ka uli rito?" sigaw ng tatay ni Jema. "Ano Mafe!? Kaibigan mo na naman yang Manloloko na yan!?" sigaw ni ate jovi kay mafe. Magsasalita sana si Mafe, kaso hinawakan ko ang kamay ni nito at parang nakuha naman niya agad. "Teka!? Anong niloko moko deanna?" tanong ni Jema at hinawakan ang ulo niya. Magsasalita sana ako pero biglang nawalan ng malay si Jema pero nasalo ko kaagad ito. "Ate!/Jema!" sigaw namin sa kay Jema at tinatapik ang pisngi nito.

"Ikaw! Umalis kana! Kasalanan mo to!" sigaw ni ate jovi sa akin. Wala akong ginawa kundi umalis na doon.

Nagdrive lang ako at pumunta ako sa lugar na paborito naming puntahan ni Jema. Umiyak lang ako ng umiyak doon.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Jema's POV

Isang lugar na napakaganda, mukhang surpresa ito. Nagulat ako ng makita ko ang aking sarili at si DEANNA!? PAANO!? Kitang kita ko kung gaano ako kasaya at si deanna. Ramdam na ramdam ko kung gaano namin kamahal ang isat isa. Lahat ng memories namin ni deanna, naalala ko na. Pati yung nagcheat ako sa kanya na alam ng pamilya ko na si deanna ang nagcheat. Si deanna, si deanna yung taong mahal ko at sinaktan ko ng ilang beses. Si bea, kaibigan niya? So it means yung sinabi ni Bea sa akin dati na may kaibigan siya na may gusto sa akin, si deanna kaya yun? Gusto kong bumalik uli sa akin si Deanna. Mahal ko siya. Babawi ako sa kanya.

"Gising na si Ate!" sigaw ni mafe. Agad naman akong nilapitan ni mafe, donna, ate jovi at daddy. "Jema, ok kana ba?" tanong ni daddy sa akin. "Saan si deanna?" tanong ko sa mga to. "Huwag mo na hanapin yun, hindi mo kilala yun" sabi ni ate jovi. "Mahal ko si deanna! Mahalaga siya sa buhay ko! Huwag na nga kayo magsinungaling! Oo, nakakaalala na ako" sigaw ko sa mga ito. Magsisinungaling pa eh. "Naalala mo na kung paano ka niya niloko?" tanong ni ate jovi kaya nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni ate jovi, wala namang alam. "Alam mo ate! Wala kang alam! Kasalanan ko! Ako ang nagcheat. Ano!? Hindi ka makapaniwala!? Oo ako. Tanga lang kayo kasi ako ang pinagtanggol niyo kahit hindi ko deserve yun. Kailangan ni deanna ng taong iintindihin siya pero hindi niyo pinagbigyan!" sigaw ko sa mga to. Nagulat si daddy at ate jovi sa sinabi ko. Pero si mafe at donna, mukhang may alam na. "Yes tito, nagsasabi ng totoo si ate jema. Nandun po ako nung nangyari ang scene na yun. Narinig at nakita ko ang lahat. Sobrang nasaktan po si deanna nun. Pero pinili niya pa ring ipagtakpan si jema dahil ayaw niyang i-hate niyo si Jema. Kinausap niya ako na huwag sabihin ang totoo. Pero kanina, sinabi ko kay mafe ang totoo kasi ayoko na rin makitang nahihirapan si deanna kahit wala siyang ginawa" pagpapaliwanag ni donna. May alam na pala to. "Please. Gusto ko si deanna. Gusto ko siya makita. Please donna, mafe, ate jovi at daddy. Huwag niyo muna ipaalam kay deanna na nakakaalala nako. Baka kasi umiwas sakin yun kapag nalaman niyang nakaalala na ako. Please guys" pagmamakaawa ko, nakita kong nag thumbs up silang lahat at mukhanh masaya talaga si donna at mafe sa naririnig nila. "Oo naman anak, alam mo naman na botong boto ako kay deanna. Sana ibawi mo naman kami kay deanna. Nasaktan ko siya kahit wala siyang ginagawa sayo. Pagmamahal lang ang ibinigay niya sayo, nasaktan ko pa" sabi ni daddy. "Tama si daddy Jema. Ibawi mo kami kay deanna. Kausapin ko ang doctor mo na kung pwede kana makalabas ng hospital at hanapin mo na yang taong mahal mo" sabi ni ate jovi. Agad kaming naggroup hug. Nag usap lang kami, at sobranh saya namin. Isa na lang ang kulang, ito ay si deanna.

.
.
.
.
.
<fast forward>
.
.
.
.

Pagkatapos sabihin ng doctor na pwede na akong makalabas ng hospital, agad akong nakaramdam ng saya. "Mafe, alam mo bang si deanna at bea magkaibigan" tanong ko rito. Napatingin ito sa akin "Actually oo ate. Magbestfriend sila. Nagtuturingan na magkapatid. Hindi lang masabi sayo ni deanna, pero alam ko sasabihin niya sayo yun pero nagkahiwalay lang kayo" sabi ni mafe. "So, yung sinasabi ni bea dati sa akin na may kaibigan siya na may gusto sa akin, si deanna yun?" tanong ko kay mafe. "Oo, matagal kana gusto ni ate deanna. At siya na magpapaliwanag niyan sayo kapag ok na kayo" sabi ni mafe.

<fast forward>

Pagkatapos namin mag usap ni mafe. Agad ko ng hinanap si Deanna. Pumunta ako sa lugar na lagi naming pinupuntahan.

Pagkaratin ko roon, hindi nga ako nagkakamali. Nandun si deanna. Mukhang umiiyak siya. Kaya agad ko itong nilapitan.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Ito na po ang chapter 34. Sorry kung na-late. Ngayon lang talaga nagkaroon ng signal.














































Bully meets her saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon