GANOON na lang ang tili ni Olive nang makita ang sandamakmak na ipis sa lababo. Napatakbo siya kay Kiel na nakatayo lang sa bukana ng kusina.
"Paalisin mo muna ang mga ipis!" bulyaw ni Olive kay Kiel.
"Paalisin? As if makukuha sa pakiusapan 'yang mga ipis. Ikaw na. Baka makuha mo sa diplomasya. Takot din ako sa ipis, 'noh?" nakairap na sagot ni Kiel habang tatawa-tawa. "'Di ko sila keri, noh?"
"'Yang laki ng katawan mong 'yan, takot sa ipis. Kaloka ka! Bading ka ata, eh."
"Ano naman ang kinalaman ng katawan ko? Eh, sa takot ako. Correction pala, nandidiri ako."
"Ikaw ang kadiri. Naatim mong maging ganito ang kitchen n'yo! Kamag-anak mo si Juan Tamad, ano! Alam mo lang kumain tapos itatambak mong pinagkainan mo. Ay ang tindi mo pala."'
"Hey, close ba tayo? Kung makasermon ka, ganoon-ganoon na lang. Basta, umpisahan mo nang hugasan. Kakainin ko na itong bigay mo."Inirapan ni Olive ang lalaki. "Tama. Kainin mo at bayaran mo. Ang libre lang itong paglilinis ko. Bayad sa danyos ko sa mukha mo."
Tatawa-tawa si Kiel at saka dinala sa living room ang picnic basket. Isa-isang inilabas ang laman. "Wow! Puro paborito ko. Lumpiang shanghai. Wow! Fried chicken. Naku, talagang biyaya ka ng langit sa akin, Olive! Okay na, kahit bangasin mo pa uli ang mukha ko. Sulit naman pala. Meant to be nga yata tayo."
"Anong meant to be ka dyan, ha? Huwag kang assuming at huwag kang magpa-fall dyan. Dahil hindi ako easy to get."
Ang lakas ng tawa ni Kiel, nagkandaubo-ubo pa tuloy sa katatawa. "Ang layo na agad ng narating ng isip mo, Lukring. Inisip mo na agad na type kita. Ang tindi mo pala."
"Nililiwanag ko lang. Kinaklaro. Kanina ka pa kasi ng meant to be ng meant to be dyan. Para kang sirang plaka."
"Ang ibig kong sabihin na meant to be ay meant to be friend. Wala akong close friend na girl, de ikaw na."
Humaba ang nguso ni Olive. "If I know, gagawin mo lang akong atsay. Hitsura mong 'yan, astang senyorito, may sakit na tamaritis. Hay, hindi na lang. May friends na ako at ayoko nang magdagdag pa. Tama na sila sa akin. Magulo kapag marami."
"Ang sama mo. The more the merrier, 'di ba? And please take note, hindi naman ako gan'on katamad. Busy lang talaga."
"O, siya, lamunin mo nang lahat 'yan para mahugasan na rin ang mga lalagyan. Hindi kasama sa babayaran mo ang mga lalagyan. Uuwi ko ang mga 'yan. Huwag sanang sumakit ang tiyan mo."
Humalakhak na naman si Kiel.
Nalukot ang mukha ni Olive nang makitang naroon pa rin ang mga ipis. "Wala ka bang Baygon o Raid man lang?" sigaw niya.
"Wala na yata. Hindi kasi nakapag-grocery si mommy bago umalis. Hindi ko mauubos ang mga ito. Hahatiin ko para may pagkain ako mamayang dinner."
"Bahala ka."
Kinuha ni Olive ang brush na may mahabang tangkay at ipinangpukpok sa mga ipis. Pero habang ginagawa iyon ay tili siya nang tili.
"Hoy! Tigilan mong katitili. Baka kung anong isipin ng neighborhood. Masisira ang reputasyon ko sa iyo, Lukring."
"Ikaw kaya rito!" Talagang ibinuhos ni Olive ang ngitngit sa mga ipis. Ubos. Kaya sinimulan na niyang hugasan ang mga plato, mangkok at chopstick. Hindi niya magawang bilisan dahil sa takot na mangabasag halatang mamahalin ang mga iyon.
Napansin na ni Olive kaninang pagpasok ng kabahayan ay mukhang may sinasabi sa buhay ang mga magulang ni Kiel. May kotseng Honda Civic sa garahe. May napakagandang hardin. Two-storey house na ang disenyo ay makikita sa mga architectural magazine. Kung sabagay, nakatirik iyon sa isang eksklusibong subdibisyon. Hindi kagaya nila ng kanyang nanay na maraming taon nang nangungupahan sa isang maliit na apartment malapit sa palengke ng Sta. Rosa, Laguna. Sa sala ay makikita ang de-kalidad na mga muwebles. May malaking LED flat screen TV na naka-mount sa wall.
BINABASA MO ANG
MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)
Romance"Kung tungkol kay Anthony... na sabi sa akin ni Ally ay nakita ka raw niya na parang lalapit sa stage pero bigla ka na lang tumalikod. Siguro nakita mo 'yong ginawa ni Anthony, niyakap niya ako at humalik pa. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yo...