CHAPTER FIFTEEN

12K 142 2
                                    


DUMATING na ang pinakahihintay ng lahat, ang talent round. Sa naunang apat na kandidata, dalawa ang kumanta, isa ang um-acting at ang isa ay nagpamalas ng mga magic tricks. Maayos na nakatapos ang mga ito.

At si Olive na ang tinawag ng emcee, huminga  siya nang malalim sabay nag-sign of the cross  at pagkuwan ay pumuwesto na sa gitna ng stage.   Nakasuot siya ng white short-sleeved polo na may red necktie, black short-jumper, at  black high-heeled pumps naman sa kanyang  mga paa. Malakas na sigawan ang maririnig nang  magsimula ang tugtog. Bagaman ang ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang  dibdib ay sinikap niyang huwag magpapatalo sa nerbiyos.  At sinimulan na niyang sumayaw sa tugtog ng Spice girls na "Wannabe".

"Yo, I'll tell you what I want, I really really want... so tell me what you want, what you really, really want..."

"If you want my future forget my past...If you wanna get with me better make it fast, don't go wasting my precious time, get your act together we could be just fine."

Ang kanyang dance steps at moves  ay combination ng mga natutunan niya kay Kiel at sarili niyang ideya.

Nang matapos si Olive ay lalong lumakas ang sigawan at tilian. Humihingal na bumalik siya sa back stage. Tuluyan nang nawala ang kaba niya, lalo pa't  mahigpit na niyakap siya ng  kanyang nanay.

"Ang galing-galing naman ng anak ko."

"Uber sa galing ang performance mo, Olivia," sabi rin ng baklang stylist. "Infernez, may laban ka talaga, Day. Ang lakas ng dating mo."

Natawa na lamang siya. Hindi na niya inaasam na manalo. Magagaling  ang ibang mga kandidata. Ilang beses na niyang napanood ang mga ito habang nagre-rehearse sila. Isa pa, maaaring nagustuhan ng mga kapwa niya estudyante ang kanyang performance ngunit hindi siguro sa mga mga hurado.

Kontento na siya  na nagawa niya ang kanyang gusto, at saglit na lang ay matatapos na rin ang beauty pageant. 

Ano kayang masasabi ng lokong iyon sa sayaw ko? Okay kaya sa kanya o kaokray-okray?

Natapos na ang sampung kandidata sa pagmamalas ng talent. Ngayon ay nakahilera na sila, pawang mga nakangiti kahit pa kabadong-kabado na. Nalalapit na ang pag-anunsyo sa papasok sa Final 3..

"Miss Valentine Number 8, please step forward. Miss Valentine Number 2, please join us here. And now, lastly... you may step forward.... Miss Number... 5!"

God! Ako iyon... ako nga!

"Maraming salamat sa inyo mga binibini," wika ng guwapong  emcee sa anim na kandidatang hindi nakapasok sa finals. "Now, I can sense the tense from our three candidates as we are now begin the nerve cracking part of this competition, the Miss Valentine' question and answer round."

Lumapit ang matangkad at balingkinitang babae na hawak ang cyrstal bowl na may lamang mga papel. Nakasulat sa mga papel ang mga pangalan ng judge na magtatanong sa tatlong kandidata. Mayroon lamang silang twenty-five seconds para sumagot.

"So, ladies, good luck,"  nakangiting sabi ni Kayleb. "Now, we begin with Miss Number 2, Miss Phoebe Wu."

Bumunot ang kandidata ng papel sa bowl at ibinigay sa emcee. "Your judge is Dr. Pangan, dean of College of Education."

"Hi, Miss Wu. My question is... what makes you blush?" tanong ng may-edad na dean.

Malapad ang ngiting namilaylay sa mga labi ni Miss Wu. "Well, I blush whenever my boyfriend looked and stared at me as if I am goddess."

"Wow, very much inlove, huh? Thank you, Miss Wu."

Palakpakan. Tilian.

"And now Miss Candidate Number 8, Miss Leila Abad. Your judge is Miss Noemi Carandang, entertainment and fashion columnist of Yes Magazine."

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon