CHAPTER THIRTEEN

12.6K 181 4
                                    


LALO pang bumagsak ang pakiramdam ni Kiel nang malamang umalis na si Olive. Hindi na siya hinintay. Balak niyang tawagan ito at pabalikin subalit pinigilan niya ang sarili.

Alam niya, basang-basa niya sa mukha ng dalaga  ang bumadhang disgusto nang ipakilala niya si Natasha. Subalit ang tanong, bakit disgusto? And obviously she was not in her usual self. Nawala ang pagiging jolly and bubbly ni OIive.

Nagseselos ba ito? Parang oo na parang hindi . Hindi niya matiyak. Kung nagseselos ito, aba'y malamang na mapapatalon siya sa labis na saya.

Subalit sa isang banda, maaari rin na problemado ito sa ex-boyfriend nito. Posible iyon. Sumama na naman ang timplada niya nang maisip iyon. Kinalma niya ang sarili.

Naalala ni Kiel  ang sinabi sa kanya si Jopet tungkol sa naging kuwentuhan nito at ni Olive. Sinabi ng dalaga sa binatilyo na malabong mangyari na maging sila. At hayaan daw siya kung saan niya gusto at kung saan siya masaya. Kaya dapat din na maging masaya sina Jopet dahil magiging masaya siya kay Natasha.

Bakit kailangan sabihin ni Olive na malabong maging sila at hayaan na lang siya kung saan siya masaya?

Now he was really mad. Parang sasabog ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kanino siya mas nagagalit. Kung kay Olive o sa sarili.

Naalala pa niya noong gabing ihatid niya ang kaibigan. Ramdam niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Tita Purita. Naisip na niyang minasama nito ang pag-uwi nilang iyon sa ganoong oras. At masama talaga dahil pangalan niya ang nasaalang-alang nang dahil lang sa gusto ni Olive na makipagkita sa ex-boyfriend nito.

Nasasaktan siya ngunit nanaig pa rin sa kanya ang kagustuhang matulungan si Olive. Ayaw niyang mapagalitan ito ng ina. Pinagtakpan niya ang kaibigan. Kahit pa nga ang totoo ay bagsak na bagsak ang pakiramdam niya.

Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari nang gabing iyon. Umalis na siya at umuwi ng bahay. Hindi siya nakatulog sa kakaisip. Ngunit kahit wala pang tulog ay pumasok pa rin siya sa klase.Pagkatapos ng huling subject ay dumeretso na siya sa kanilang shop at doon na nagbabad.

Iniwasan niyang mag-text o tumawag kay Olive. At tila ganoon din ang dalaga. Ngunit sobra na niyang nami-miss si Olive

Napabuntong-hininga siya. Kailangan nilang mag-usap na magkaibigan.

Kinabukasan, nang puntahan ni Kiel si Olive sa klase nito sa second floor ng main building ay napatda siya sa nabungaran. Naudlot ang tangka niyang magtuloy-tuloy.

Sa labas ng classroom, nakita niyang nakatalikod sina Olive at Anthony, nakapaharap ang mga ito sa malawak na compound ng SVU at nag-uusap.

Sobrang lapit ng dalawa sa isa't isa. Magkadikit ang mga braso, nakatitig dito si Anthony habang si Olive ay nakatingin sa malayo.

Parang dinaklot ang puso niya sa nakita. Tila masinsinan ang pag-uusap ng dalawa, oblivious sa mga tao sa paligid.

Bagsak ang mga balikat na tumalikod na siya at nilisan ang lugar na iyon. Naalala niya ang text  message sa kanya ni Olive.

Okay lang na hindi na ako magpraktis. Bahala na. Hindi na rin importante sa akin na manalo sa Miss Valentine. Basta mairaos lang at matapos. Mas kailangan kong mag-concentrate sa pagre-review, nalalapit na naman ang finals.


ARAW ng grand finals. Hindi maatim ni Olive na biguin ang mga bagets. Nagpaalam siya sa kanyang nanay, nakiusap na payagan siya nitong manood ng show. At napahinuhod naman ang nanay niya.

Alam niyang nasopresa si Kiel nang sumulpot siya sa studio bagaman wala itong sinabi. Sabay-sabay silang nagtungo sa ABS-CBN.

Pansamantala muna niyang isinantabi ang anumang gap mayroon sila ni Kiel. Nakakahawa ang saya ng mga bata.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon