PROLOGUE

4.4K 61 13
                                    

"I QUIT. I GIVE UP. I HATE MY LIFE.. BUT I LOVED HER."

Ang mga huling katagang narinig ko mula sa kuya ko..

Nakita ko ang mga patak ng luha nya.

Nakita ko ang mga patak at bakas ng kanyang dugo sa kama nya.

Nakita ko rin.. kung gaano kalungkot ang naging buhay niya nang hindi ko man lang napapansin.

At.. nakita ko rin kung gaano siya nagmahal.

--

Three years ago, I was 18 then, noong gabing iyon, alam kong hindi na okay ang lahat.

Alam kong may problema.

Gabi na akong nakauwi mula sa group project namin noon. Pagkarating ko sa bahay ay wala akong nadatnan sa kusina. Dati, pag-uwi ko.. Sasalubong sa akin sina Dad tapos yayayain akong kumain. Pero ngayon, ni pinggan wala nang nakahain sa lamesa.

Ilang buwan nang ganito ang pamilya namin simula nang mamatay si Mom. Ang dating masayang pamilya namin, nawala na.

Pag-uwi ko, nakasanayan ko nang huwag magdinner.

Didiretso na ako sa kwarto ko, magkukulong, maliligo, gagawin yung mga dapat kong gawin sa school tapos matutulog.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong. Like what I just said, maliligo lang ako tapos gagawin ko na yung mga assignments ko then matutulog na.

Pagkatapos kong maligo, I jumped on my bed. I plugged my earphones in and started playing my DS.

I was bothered. May naririnig akong parang nagdadabog at nagbabasag. May naririnig rin akong mga mahihinang sigaw ng iyak.

I removed my earphones from my ears and turned my DS off. Lumabas ako sa kwarto ko kasi nag-aalala ako baka ano nang nangyayari.

Nasa kabilang kwarto ang 7-year old sister ko na si Dennise. Naririnig ko rin syang umiiyak kaya nataranta ako.

Paglabas ko nang kwarto tumakbo sa akin si Dennise na umiiyak.

"Kuya!" niyakap niya ako habang umiiyak.

I knew there's something wrong. Tinuro ni Dennise yung kwarto ng Kuya Dayle namin. Ayaw tumigil sa pag-iyak ni Dennise. I don't know why.

Naglakad ako papalapit sa kwarto ni Kuya Dayle and yes, positive. Sa kwarto nya nanggagaling yung mga ingay.

For the past days, nagiging weird na ang kinikilos ni Kuya Dayle. Wala ni isa sa amin ang nakakaintindi sa kanya.

I knocked. "Kuya, what's happening?" Hindi sumagot si Kuya Dayle sa tanong ko kaya binuksan ko na yung pintuan.

And laking gulat ko nang makita ko ang kuya ko.. lying on his bed with blood stains on his bed.

Nangilabot ako sa nakita ko. Nanlaki yung mga mata ko. Anong nangyari sa kuya ko?

Napatingin ako sa may pader ng kwarto niya at nakita ko ang isang malaking "I QUIT" na nakasulat gamit ang dugo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makagalaw.

Lumapit ako sa kama ng kuya ko at nakita ko ang cuts sa wrist nya. Nangilabot akong muli nang makita ko ang cuts niya na parang inukitan niya ang balat niya gamit ang blade ng "I GIVE UP. I HATE MY LIFE. BUT I LOVED HER."

I called an ambulance. Dumating ang ambulance. We rushed kuya in the hospital..

"Daniel Bryle Lee, time of death, 1:21 am." 

Pagpasok ko sa emergency room, yun ang narinig ko. Dead on arrival daw ang kuya ko. I don't know what to do. Bakit nagkakaganito ang buhay namin?

Umuwi muna ako sa bahay para balikan si Dennise. Hindi ko parin akalaing nangyayari ang lahat ng ito. I never expected this to happen. Never.

Pumasok ako sa bahay at umakyat sa kwarto ng kuya ko. Tanging naririnig ko lang sa loob ng kwarto ng kuya ko ay ang malakas na pag-iyak ni Dennise at ang patak ng mga luha ko.

Nakita ko sa loob ng kwarto ng kuya ko ang mga basag na bote ng alak. Dati, hindi umiinom ang kuya ko. Nakita ko rin ang mga crumpled na papel.. Inalis ko sa pagka-crumple ang papel at nakita ko na grades pala ng kuya ko yun. Nagulat rin ako dahil nakita kong puro bagsak ang subjects nya. He's taking nursing, and sa pagkakaalam ko, he's a Dean's Lister. Bakit puro bagsak ang mga ito?

And.. under his comforter, may nakita akong photograph.

Photograph ng isang babae. Maybe, Kuya's girlfriend? Posible. Pero, could she be the reason kung bakit nagkaganito ang kuya ko?

Napaisip ako.. Then I heard a phone rang. Tumalikod ako at nakita ko sa side table ng kuya ko ang phone nya, ringing..

My Love calling..

But after a few seconds, na-end ang call. So, this girl in this picture could be her?

Just then umilaw uli ang phone ng kuya ko.

1 message received

Binuksan ko yung message. It was from "My Love" again.

"Dayle, ayoko na. Suko na ako. Break na tayo. I can't handle your childish thing. Sawang sawa na ako sayo Dayle. Sorry, but I don't love you anymore."

Nagulat ako sa binasa ko. I never knew na may girlfriend ang kuya ko. And is this girl in this picture the reason why my brother committed suicide?

I scrolled their conversation down and nabasa ko na they're having problems.

"I hate you. Wag ka nang magpapakita sa akin."

"I never loved you."

"Shut up, leave me alone."

"Intindihin mo naman sana ako, Dayle."

This girl. She's the reason. She killed my brother.

--

Hindi ako papayag na hindi magsuffer ang babaeng ito. She killed my brother, my bestfriend, my second father.. and I can't forgive her.

Pinapangako ko, Kuya.. Ipaghihiganti kita. I'll make sure I'll make her life worse than your life. I'll make her life miserable, and I'll make her cry until she dies. I'll tear her into pieces. A sweet revenge.

I am Darren Lee, and it's my mission to make her cry.

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon