Chapter 5: Closer
[Alysson's POV] 1 o'clock in the morning na akong nakauwi sa bahay, kanina kasi may photoshoot ako for a perfume brand.
Pagpasok ko sa bahay, nakapatay na lahat ng ilaw maliban sa ilaw sa kusina. Pumasok ako sa kusina at nakita ko dun yung isang piece of blueberry cream cake at may nakaipit na note sa may ilalim ng platito.
"Ate, thank you sa gift. Hihintayin kita hanggang dumating ka. Pero sorry Ate kung makakatulog ako. Pero itatry ko promise! -Caleb"
Nakakatuwa talaga si Caleb, natanggal lahat ng pagod ko. Birthday kasi ni Caleb ngayon, pero hindi ako nakapunta sa simple party dito kanina sa bahay dahil sa photoshoot, pero nagpadala naman ako ng regalo para kay Caleb.
Simula nung naging model ako, naging busy na ako, nawalan din ako ng time para makibonding sa mga kapatid ko. Wala sina Mama at Papa ngayon, naka out of town sila. Si Papa, dahil nga direktor siya, may ginagawa silang indie film sa Basilan, sinamahan naman siya ni Mama dun. Ang nasa bahay lang niyan si Kuya Allen at Caleb.
Apat kaming magkakapatid, and panganay sa amin, si Kuya Allen, 24 years old na, veterinarian siya. Kung hindi ko pa naikukwento, nagtayo si Kuya Allen ng parang orphanage para sa mga aso. Napaka pet lover niya talaga kaya pati aso niya pinangalan niya sa girlfriend niya, si Vienna. Lagi lang nakatambay sa bahay si Kuya, kung aalis man siya, dadalaw lang siya sa clinic niya at bibisita sa pet orphanage, kaya siya na rin ang nagbabantay kay Caleb.
Si Caleb naman yung bunso namin, 8 years old, makulit pero cute. Ako ang pangatlo sa aming magkakapatid pero 14 years ang tanda ko kay Caleb. Sabi ni Mama, nung bago daw pinanganak si Caleb, nagLQ sila ni Papa kaya matagal bago ako nasundan.
Pangalawa sa amin, si Ate Julienne. Ang tagal na nga niyang hindi nagpaparamdam eh, buti online nakakausap namin siya. Nasa States kasi siya ngayon, 3 years ago lumipad siya papuntang Colorado dahil sa isang mabigat na desisyon. Kaclose ko si Ate Julienne, halos parehas kami sa lahat ng bagay, likes and dislikes. Law student si Ate Julienne, sobrang talino niya, proud ang buong pamilya sa kanya. Kaya lang, hindi niya natapos ang Law nung lumipad siyang papuntang Colorado.
Namimiss ko na nga si Ate Julienne eh, nakakamiss na may kabonding na babaeng kapatid. Ang kulit kasi ni Kuya Allen at Caleb eh, pero carry ko naman. Kinain ko yung blueberry cream cake na tinira sa akin nina Kuya at Caleb. Nagmini party sila kanina dito sa bahay.. Si Kuya Allen, yung girlfriend niya, si Ate Vienna, yung ibang kapitbahay at classmates ni Caleb, siyempre si Caleb. 8th birthday niya kanina, grabe, tumatanda na rin yung kapatid kong bunso.
Iniisip ko paano kaya kung tuluyan na siyang maging binata? Nakakamiss ang cute at makulit kong Caleb! Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit, naligo at naglinis ng katawan. 3 o'clock na ng madaling araw at mukhang ako nalang ang gising. Nang matapos akong maglinis ng katawan, lumabas ako ng kwarto ko para uminom ng gatas.
Bago ako matulog, nakaugalian ko nang uminom muna ng gatas at kumain ng tatlong oreos.. Lick, twist, dunk!
Paglabas ko ng kwarto ko, sinilip ko sa kwarto niya si Caleb.
"Belated happy birthday, Caleb." P
aglabas ko ng kwarto ni Caleb, nadaanan ko si Kuya Allen na palabas ng kwarto niya na may dalang laptop.
"Kuya, online ka pa?"
"May binibili akong bagong aso. Eto oh." pinakita ni Kuya Allen yung picture ng asong binibili niya online.
"Waaaah! Chowchow? Ang cute!"
"Kailangan ko nang ipareserve, bibilhin ko bukas."
![](https://img.wattpad.com/cover/2131637-288-k272647.jpg)
BINABASA MO ANG
Mission: Make Her Cry
RomanceMission: Make Her Cry (Written by BLUE of thetwosomes) One night, Darren saw his brother lying in his bed with cuts on his left wrist. And beside his brother's bed is a picture of a girl, a girl that Darren believes to be the one who broke his broth...