Chapter 15: Pain Inside

619 14 4
                                    

Chapter 15: Pain Inside

[Erin's POV]

Enebenemenyen! Hindi pa rin sumasagot si Darren. Nakapatay talaga phone nya. Haaaaay, masyado kasing busy babes ko eh. =____=

"Tama na nga!"

So what was that Terrence??? Hindi ko pa rin maintindihan kinikilos ni Terrence.. at ni Brenz. Parang naiilang sila sa akin. Haaaaay! Ano bang nangyari ha? I'm so young, so innocent! Walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Haaaaaaaaaaay!

"Ate, asan yung dalawa mong boyfriend?"

Lumingon sa akin si Yshin habang inaayos ko yung buhok niya, siguro rinig na rinig niya ang mga buntong hininga ko. -_____- Kase naman yung dalawa eh.

"Boyfriend? Dalawa? Friends ko lang sila Yshin."

"Boyfriend mo eh!"

"Hindi nga sabi eh!"

"Boyfriend mo si Kuya Brenz at Kuya Terrence! Ayeeeee!"

Hindi ko nalang pinansin si Yshin. Bawal patulan ang bata, baka kasuhan akong child abuse. XD

"Ate, sino mas love mo, Kuya Brenz o Kuya Terrence?"

"Eh?"

Napaisip ako sa tinanong ni Yshin.

Not because BOYFRIEND ko sila or may special feelings ako sa kanila. Ahmmm.. ano lang.. ah..

BESTFRIEND. Masasabi kong may mga times na BESTFRIEND ang turing ko sa kanila.

Tsaka parehas silang nandyan kapag nagluluksa ako dahil kay Darren.

Yung isa ang bait lagi, wala pa siyang recorded na kasalanan sa akin. Si Brenz, ang knight in the shinning shimmering armor ko.

Yung isa bipolar, 50-50. May mga times ang bait bait, may times hindi mo magets, siguro baog siya. Si Terrence, ang knight in the kinalawang armor ko.

BASTA! My babe na ako! Si Darren, ang hari ng buhay ko. *u*

--

[Brenz's POV]

"Sige, ano?! Lalaban ka pa?!!" sinigod ko si Terrence at binigyan siya uli ng isa pang suntok.

Oo, nagsusuntukan kami.

Bakit?

Dahil kay Darren.

"Mahalaga rin naman sa akin si Erin! Pero nag-iisip ka ba ha Terrence?!!"

"Ano pang iisipin ko eh nung gabing yun kitang kita ko kung gaano nasaktan si Erin! Hindi naman si Darren ang nasaktan ah?! Bakit kasi hindi mo ko hayaang sabihin kay Erin ang lahat lahat ha?!!"

Nakasandal ngayon sa pader si Terrence habang duguan na ang gilid ng labi niya.

Gusto niyang sabihin ang lahat lahat kay Erin.

Hindi pwede, ang buhay naman ni Darren ang masisira kung gagawin niya yun.

Alam ko sa sarili ko, MAHAL NA MAHAL KO SI ERIN.

Naiintindihan ko kung mahalaga rin si Erin kay Terrence.

Pero nandito na naman ako para kay Erin. Hindi na niya kailangang umepal.

"Kaya kong alagaan si Erin."

"Ano Brenz?!! Oo, napapasaya mo siya! Pero kasinungalingan ang lahat! Ikaw din mismo sinasaktan mo siya, Brenz! Kung mahal mo siya, hindi mo siya hahayaang magdusa!"

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon