Chapter 4: Breakeven
[Erin's POV]
"Waiiiiiit! Stop! Darren!"
Habang takbo ako nang takbo hindi ko mapigilang mapaiyak. Kahit tignan na ako ng lahat ng tao.. Kahit na akalain nilang baliw ako. Gusto kong sumigaw na..
"OO, BALIW AKO! BALIW NA BALIW AKO KAY DARREN LEE! BALIW NA BALIW AKO SA LALAKENG HINDI NAMAN AKO MAMAHALIN KAHIT KAILAN! TANGA AKO, TANGA!"
Masakit. </3 Sobrang masakit.
Hinintay ko siya ng halos walong oras tapos ganun ganun nalang?
Hindi ba niya ako iniisip? Girlfriend niya ako diba? Diba dapat he cares?
Never kong inexpect sa buong buhay ko ang maghabol ng kotse dahil sa isang lalake.
Siguro, ganun ko na nga kamahal yung Darren na 'yun.
Wala akong magawa kundi umiyak.. Umiyak nang umiyak. Sobrang sakit. At makita mo pa siyang may kasamang babae?
Alam ko naman na hindi niya ako gusto, pero sana man lang 'wag siyang makipaglandian sa harapan ko.
Naglakad ako papunta sa isang bridge. Wala nang tao dun. Ano nang gagawin ko? Broken na broken na ako.
Ito na yung moment na feel ko nang mamatay. Ang sakit sakit eh. Buong buhay ko minahal ko si Darren. Buong buhay ko hindi ko siya kinalimutan. Siya lang ang buhay ko. Si Darren lang.
Tumayo ako sa gitna ng bridge. Anong gagawin ko? Tatalon ba ako? Pero ayoko namang pag namatay ako mamamarinade muna ako sa ilog ng basura. Kadiri yun. >.<
Pinunasan ko ang mga luha ko. Gusto ko nang ibuhos lahat lahat.
"DARREN LEE! MAHAL NA MAHAL KITA! BAKIT HINDI MO BA AKO MAGUSTUHAN? ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO? GINAGAWA KO NAMAN LAHAT LAHAT PARA MAPANSIN MO AH? BUONG BUHAY KO GINUGOL KO PARA SA 'YO. TAPOS SASAKTAN MO LANG AKO NG GANITO? TANGA NA KUNG TANGA, PERO WALA KANG MAGAGAWA.. MAHAL TALAGA KITA!"
Wala akong pakialam kung magising ko lahat ng natutulog, wala akong pakialam kung makornihan ang iba.
Pagkatapos kong isigaw yun.. Parang gumaan ang pakiramdam ko.
Pero masakit pa rin.
Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Gusto kong sipain si Darren Lee. Gusto ko siyang sabunutan, sampalin, batukan, suntukin.. Gusto ko siya naman ang makaranas nito!
Masakit kasi talaga.. Sobra..
"Hindi ka dapat umiiyak.." mula sa likuran ko, may nag-abot ng panyo.
Si Terrence pala.
Si Terrence na laging buntot nang buntot sa akin bata palang kami. Si Terrence na panira sa lahat ng moment namin ni Darren. Si Terrence na number 1 frenemy ko. Si Terrence na kinaiinisan ko. Pero..
Siya si Terrence.. ang nag-iisang taong nandyan kapag kailangan ko ng kausap at shoulder to cry on.
"T-terrence!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako sa iyak na napayakap ako nang mahigpit kay Terrence.
"Shh.. Wag mo na siyang iyakan.."
Hindi tinanggal ni Terrence ang pagkayakap ko sa kanya. Tulad ng dati, kahit yung suot niya mapuno na ng luha, sipon, laway at kulangot, ayos lang sa kanya. Kahit ilang minuto, oras o araw ko siyang iyakan, ayos lang sa kanya. Kung sanang ikaw nalang si Darren..
BINABASA MO ANG
Mission: Make Her Cry
RomanceMission: Make Her Cry (Written by BLUE of thetwosomes) One night, Darren saw his brother lying in his bed with cuts on his left wrist. And beside his brother's bed is a picture of a girl, a girl that Darren believes to be the one who broke his broth...