Chapter 6: Second Move

785 19 4
                                    

Chapter 6: Second Move

[Darren's POV]

"Mukhang tulog ka na, haha, so ako nanalo. I'll call you my Alyloves. Nitenite. :D"

Ang lakas ng tawa ko habang tinatayp ang mga katagang yan kagabi. Alyloves? HAHAHA! Ayos si Mikko no? Siya ang nagpayo sa akin na dapat bolahin ko si Alysson at dapat may term of endearment ako sa kanya.

Nakakatawa nga, hindi ako komportable sa ginagawa ko, gusto ko na siya mapaiyak! Gusto ko na siyang magdusa! Pero nasa Level 1 palang ako kumbaga.

"Bro, dapat sweet ka sa kanya, be gentleman, pakita mo gusto mo sya.. at gusto mo siyang maging friend."

Eh pag nakikita ko siya gusto ko siyang sapakin eh. Pero how rude of me. Sweet revenge nga diba? Hindi brutal. I respect girls, I just don't know how to love.

Oyy! Anong iniisip niyo? Hindi ako bakla! Hindi ako bakla! Pinaglihi lang talaga ako sa bato kaya pusong bato ako, and I'm enjoying to be a stone-hearted man. Hindi nagmamahal, hindi nasasaktan.

Mukhang tinulugan ako netong Alysson na 'to ah.

Tinignan ko ang alarm clock ko at magfo-4 o'clock na ng madaling araw.. Hindi ako makatulog.

Arggh!

"Good night, Darren."

Bakit ba ako hindi makatulog? Bakit hindi matanggal sa isip ko yung pag "Good night" at paghalik niya sa akin? Ginagawa naman sa akin ng ibang girls yun ah?

Ah! Lightbulb! Alam ko na, baka nandiri lang talaga ako sa kanya! Yung mga marumi nyang mga labi dumampi sa napakakinis kong pisngi?!

Siguro yun nga.

Kahit na naligo na ako, pumasok uli ako sa banyo at naghilamos. Halos maubos ko ang sabon at makalahati ko ang bago kong facial wash sa paghuhugas ko ng mukha.

Yuck! Baka anong epekto sa akin ng bruhang yun kaya hindi ako makatulog.

Argggh! Darren! Matulog ka na..

(After 30 minutes..)

Argggh! Ano ba! Bakit pagulong gulong ako dito?!! Ano ba 'to?!!

Hindi ko maiwasang tignan yung phone ko para icheck kung may message si..

Si Alysson?

Bakit naman ako nag-eexpect na replyan niya diba? No, I am not falling for her! Wala sa dikyunaryo ko ang salitang LOVE.

ARRRGH! Baka masarap lang talaga siyang pagtripan. -_____-"

--

*ringgggggg*

"Uh.."

 Nagising ako dahil may phone call ako. The heck.. Inaantok pa ako eh!!!!

Ms. Raine Gonzales calling..

Si Miss Raine? Ang aga aga ano kaya kailangan niya?

"Hello, Ma'am?" hindi ko man maimulat ang mga mata ko at inaantok pa talaga ang boses ko..

"Are you still sleeping? 10 o'clock na ah."

"Huh?" tinignan ko ang orasan at oo nga 10 o'clock na! Naku po, napasarap yata ang tulog ko.

"Ahh, sorry Ma'am!"

"It's okay. Uhmm, ano.. Darren.."

"Yes Ma'am?"

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon