Chapter 1: Sweet Revenge

1.4K 44 5
                                    

Chapter 1: Sweet Revenge

[Darren's POV]

It's been 3 years since nagsuicide si Kuya Dayle. At hindi ko pa natatapos yung mission ko nahanapin yung mysterious girl sa photo na pinaghihinalaan kong dahilan bakit nagpakamatay si Kuya.

Tinapos ko lang ang college ko and now I'm ready for my mission.

Hahanapin ko na ang babae sa photograph na sumira sa buhay ng kuya ko. Na sumira sa buhay namin.

Para sa akin, hindi lang kuya si Kuya Dayle, dahil nga 2 years lang ang tanda nya sa akin, parang bestfriend ko na rin sya. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at pinagsasabihan ng sikreto o problema. Sa kanya ko nabubuhos ang lahat ng kadramahan ko. Siya lang kasi ang nakakaintindi kapag ganon. Yung mga bestfriend ko? Dahil siguro hindi sila sanay na malungkot ako o.. "nagdadrama", naaartehan sila.

Si Kuya Dayle na rin yung parang father figure namin ni Dennise simula nang mamatay si Mom at hindi na umuuwi si Dad dahil sa pambababae niya. Yes, simula nung mamatay si Mom, hindi na kami inisip ni Dad.

Ngayon, si Kuya Dayle naman ang wala? Kami nalang dalawa ni Dennise ang magkasama.

21 years old na ako, professional architect, Architecture and Fine Arts grad. Pero heto ako ngayon, ginugugol ang buhay ko sa paghahanap ng isang babaeng hindi ko pa nakita, hindi ko man alam yung pangalan, hindi ko man alam kung buhay pa ba.. Basta ang alam ko lang, ginagawa ko 'to para sa kuya ko.

Mahirap kapag ikaw lang ang mag-isa sa buhay. Hindi naman talaga "mag-isa" kasi atleast, kasama ko si Dennise, pero mahirap lalo na pag hindi ka pa makahanap ng trabaho.

Nagpapadala naman si Dad ng allowance na P50,000 a month. Napagkakasya na naman namin ni Dennise yun. Nabibigay niya lahat ng pera, gamit, damit, gadgets, pagkain at kung anu-ano pa. Pero hindi niya marealize na hindi pera niya ang kailangan namin. Time niya ang kailangan namin ni Dennise ngayon. Lalo na't lumalaki na si Dennise at kailangan ko nang gawin ang misyon ko.

--

"Kuya, alis na ako." 

It's 7 o'clock in the morning and Dennise waved goodbye at me para pumasok sa school. Ang hirap pala pag ikaw yung nakakatanda. Ikaw nagluluto, ikaw ang naglilinis, ikaw yung nag-aalaga sa makulit mong kapatid. Para kay Dennise, gagawin ko lahat. Buti nga at hindi siya na trauma nung makita niya yung nangyari kay Kuya Dayle.

Nakikita ko kay Dennise si Kuya Dayle.. Misteryoso, tahimik, masiyahin, artistic, makulit. Parang ako din. Pero yung common characteristic talaga nila ni Kuya Dayle, parehas silang madaling sumuko. Ako nga lang yata yung positive thinker dito eh. Pero parehas rin silang masyadong paniwalang-paniwala sa love.

Ano nga ba ang love para sa akin?

Pag pinag-uusapan yung love, nakokornihan ako. Sa buong buhay ko, never pa akong nagka girlfriend kahit sinasabi ng mga kaibigan ko, ang mga babae na nga yung nanliligaw sa akin, ayoko pa.

"Love is just an illusion of a hopeless heart."

Yan ang love para sa akin. Just an illusion. Hindi ko nga alam kung totoo ba na true love exists. Hindi ko alam.

Noon, naniniwala ako dahil kina Mom at Dad. Alam ko gaano nila minahal ang isa't isa. Pero, nung nambabae na si Dad, naisip ko.. Kung mahal niya si Mom, uunahin niya kami bago ang mga babae niya. Iisipin niya kami. Kung nangungulila siya kay Mom, hindi ba niya naisip na kami na lang ang natitirang alaala niya kay Mom?

 Love? Hindi ko maintindihan bakit 'yan ang nakapatay sa kuya ko. Sus, laro lang naman iyan eh. I believe in love.. Love between friends, families, God.. pero between two opposite sexes? Naah, never mind. Wala akong balak na mainlove. Alam ko masasaktan lang ako if ever mainlove ako.   Hangga't hindi pa ako nakakapaghihiganti para sa kuya ko, hindi ako gagawa ng kung ano man na para lang sa sarili ko.. Lalo na ang mainlove. --   Paano ko gagawin ang mission ko? I think it's about time para simulan ko na.   Kinuha ko yung phone ko sa taas and I started dialling..  

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon