Chapter 11: Complicated

540 16 5
                                    

Chapter 11: Complicated

[Terrence's POV]

"HA?!"

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko nang sabihin ni Darren sa phone na ikakasal na si Alysson.

"Ahahaha! Joke lang dude. Photoshoot. Sa beach. Mawawala ako one week. Ang problema lang, bumubuntot si Erin sa akin. Baka anong isipin nun. Tsaka diba sabi ko sa kanya bakla si Alysson? Baka magalit pa sa akin si Alysson kapag nalaman niyang siniraan ko siya. Dudeee! Tulungan mo ako!"

Eh? Tungkol dun sa sinabi ni Darren kay Erin na "transgendered" si Alysson.. Err? Patawa diba?

"Anong gusto mong gawin ko? Ikukulong sa hawla si Erin para di makawala?!"

"Maiwan ka nalang diyan! Bantayan mo siya!"

"Ayoko nga! Naiinis yun sa akin eh!"

Andito ngayon si Brenz, nasa isang bar kami habang si Darren naman kasama niya si Mikko. Isasama daw niya si Mikko sa beach, may isa pa daw siyang misyon eh, misyon nila ni Alysson pero ayaw niyang sabihin kung ano.

Inagaw ni Brenz yung cellphone ko at kinausap si Darren.

"Darren bro! Ako nalang sasama kay Erin."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Brenz, once in a blue moon lang siyang nagvovolunteer na tumulong lalo na't this week busy sila ng banda niya dahil sa isang concert for a cause. Eh bakit siya nagprisinta?

"Okay okay bye bro! Make a move! Hahaha!" binaba na ni Brenz yung phone.

"Ano daw?"

"Sasamahan ko si Erin. Ikaw maiwan ka pa rin. Bahala ka sa buhay mo for one week."

"Eh?!"

"Ah, kawawa.. Lonely!" binelatan naman ako ni Brenz kaya binatukan ko siya.

"Lonely lonely ka diyan! Lonelyhin mo mukha mo!"

Bigla namang may lumapit na babae sa aming kulot, maputi, makinis, matangkad, naka red na dress pero mukhang hindi maarte.

"Hi!" nginitian at kinawayan kami nung babae. She looks familiar..

"K-kei?" napatingin naman ako kay Brenz nung sinabi niya yun. 

KEI?!

KEI RAVENA?!

"Yes, Brenz Castello! Wee! Long time no see!"

SI KEI RAVENA?!

"And you.. IKAW?!!" bigla namang napatingin sa akin yung babae.. si Kei at mukhang kakainin ako ng buhay. Naalala nyo pa yung kwinento ko sa inyong nangyari nung Mr. and Ms. Campus? Ah ha ha ha.. masasapak kita mamaya tadhana. =_____=

Sinikuan naman ako ni Brenz at binulungan, "Hmmm, parang alam ko na anong gagawin mo all week.." and he smirked.

--

[Alysson's POV]

"Is everything set?" sabi ni Cheetah, isa sa crew ng Victorian Models Inc habang chinecheck yung gamit sa van.

Ngayon na flight namin papuntang Palawan for a photoshoot. Beach wedding ang theme.

"Yes Miss Cheetah"

"Aly," nabigla naman ako nang may kamay na naglanding sa isa kong balikat

"Ay anak ng chowchow!"

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon