Chapter 3: Let The Games Begin (First Move)

1K 28 5
                                    

Chapter 3: Let The Games Begin (First Move)

"Yes, I am closer to her.."

I checked my phone and may e-mail na galing sa Victorian Models Inc. It says there na dapat nasa Makati na ako around 5:30pm and ang model nga ay si Alysson Marquez.

Kagabi napag-isip isip ko na ang theme ay magiging ILLUSION. I want that photoshoot to be enchanted, mystical and wicked. They're selling perfume naman at bagay sa model ang mystical theme, mukha siyang witch eh.

--

Dumeretso na ako sa Makati para pumunta sa studio kung saan magaganap ang photoshoot.

Nakarating ako dun ng 5 o'clock. Too early, pero kailangan ko pang i-set yung studio.

Before pumunta dito, bumili ako ng isang bouquet ng blue roses, ibibigay ko kay Alysson Marquez, para magawa ko na ang second move: be her friend. Blue roses look elegant, the color, the smell.. Hindi nga bagay sa kanya eh, black roses ang bagay ka kanya. Better pa, yung bulaklak na pampatay!

Pumunta ako sa isang room kung saan nagtatrabaho ang mga men behind the camera. Wala pang masyadong tao dun.. Photographer and director palang. Unang una kong hinanap.. Siyempre si wicked Alysson Marquez.

Dumeretso ako sa backstage at nakita ko ang isang room na nakalagay "Model: ALY MARQUEZ", yun siguro ang dressing room niya.

Nasa tapat na ako ng pinto, kakatok na sana ako nang narinig kong tumutunog ang phone ko.

*ring*

I picked my phone at nakita ko na isang unregister number ang tumatawag. Who is this?

I answered the phone and..

"DARREN!" Sumakit ang tenga ko na parang malalaglag ang eardrum ko. Isang nakakairitang tili mula sa kabilang linya ang narinig ko.

"Ah? Please, sino 'to?"

"Babe! Si Erin 'to."

Okay. I knew it. Sino pa bang may ganoong nakakairitang boses, napaka rare. Daig pa yung mga sounds sa gubat.

"Oh.. B-babe?" Nandidiri ako kapag tinatawag ko siyang "Babe" parang nanginginig ang buong katawan ko, pero no choice, makikiride nalang ako sa babaeng ito at hayaan nalang siya with her childish stuff.

"Babe! Namiss na kita!" W-what? Missed me? Just 3 hours ago kasama ko siya? Ayos 'tong babaeng 'to ah.

"Ah.. Eh. Ah, namiss din kita."

"Nasaan ka niyan, babe?"

"Nasa work, Erin.. este babe."

"Oh my, babe, wag kang magpapapagod okay? Gusto mo puntahan kita diyan?"

"Ah! Wag na, wag na. Busy ako and bawal ang hayop dito."

"Ha? Hayop?"

"NO! I mean.. Bawal ang mahal ko dito. Hehe."

"Aww, you're so sweet! Ingat ka ha? Wag kang mambababae. Siguraduhin mong wala kang babae. Na ako lang ang babae sa buhay mo. Kuha mo?"

"Ah, sige."

"Sige, ayokong maistorbo ka. Bye, babe.. I lo-----"

Hindi ko na kaya! Nandidiri na talaga ako! Kaya hindi ko na siya pinatapos at inend ko ang call. Nakakawala sa mood ang babaeng yun. Hindi ko alam kung nakakatulong siya or nakakasira pa sa misyon ko.

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon