Chapter 13: Unexplainable
[Mikko's POV]
"Pare, paano ba mainlove?"
Nabulunan naman ako sa cheesecake na kinakain ko nang out of the blue ay nagtanong si Darren tungkol sa gaanong bagay.
"Bakit mo natanong?" *coughs*
"Kasi alam mo, these days I'm feeling really weird."
"Ha?"
"Kasi.." kumagat uli ako ng cheesecake habang nanunuod ng NBA sa TV. Feeling weird? Baka natotopak na 'tong kaibigan ko ah.
"Kuryente. Earthquake. Palpitation."
Lumapit ako kay Darren at dinampi ang likod ng palad ko sa noo niya..
At sinapok ko ang noo niya.
"Anong susunod? Unidentified flying object? Lumuwang ba yung turnilyo sa utak mo? Ge, hintayin mo ko diyan, kukuha akong screw driver."
Naglakad naman ako kunwari papasok sa kwarto ko kunwaring kukuha talaga ng screwdriver.
"Kuryente.. Tuwing hinahawakan niya ako parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.."
Natigil naman ako at napalingon kay Darren na naka salumbaba.
"Earthquake. Parang may earthquake lagi.. Yung nanginginig ka? Parang goosebumps pero.. Hmmm.. Iba sa feeling!"
"Tapos.."
Tinanggal naman niya yung kamay mula sa pagkakasalumbaba at humarap siya sa akin.
"Palpitation.. Tuwing lumalapit ako sa kanya.. Lumalakas ang tibok ng puso ko. Bumibilis din."
"Pare.."
"Tsaka alam mo ba Mikko, napapangiti niya ako lagi."
"Pare. You're...." sana naman hindi tama ang hinala ko na Darren is..
"I'm what?"
"You're the next avatar."
*BAM*
"Aray! Bakit mo ako sinapok ha Darren Lee?" inayos ko naman yung buhok ko na ginulo rin niya.
"Seryoso ako pare."
"Waaah! Wateber! Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang ganyan!"
"Anong avatar pinagsasabi mo ah?!"
"Eh sa mga nararamdaman mo pwede ka nang mag earth bending eh!"
"Siraulo!"
Hindi pwede.
Hindi pwede ang hinala ko..
NO.
Hindi pwedeng mainlove si Darren.
Not now.
--
[Alysson's POV]
"Good morning Alyloves."
This morning, yun yung unang text message na nabasa ko.. From Darrenloves. <3
It's been 2 days after naming magtrabaho sa Palawan.
Naging super saya naman at isang success din daw yung shoot namin.
Nakita na rin namin yung photos. Nakakagulat nga kasi parang professional model ang dating ni Darren.
BINABASA MO ANG
Mission: Make Her Cry
RomanceMission: Make Her Cry (Written by BLUE of thetwosomes) One night, Darren saw his brother lying in his bed with cuts on his left wrist. And beside his brother's bed is a picture of a girl, a girl that Darren believes to be the one who broke his broth...