Chapter 20

13.3K 385 59
                                    

The rest of the group date went well, wala namang mga girls na nag question pa sa desisyon ni Vice na puntahan sandali si Karylle sa hospital. Alam ni Vice na sya ang malalagot kay Lyle pero mas malalagot si Lyle sa kanya for keeping this supposed to be secret from him. Tanging si Vhong lang ang nag question sa sudden na pagkawala nya, pero he waited until all the girls went off to their next date destination.

"She must be really special no, brad?" sabi ni Vhong habang nakatayo sa harap ng kotse ni Vice.

"Sino?" clueless na tanong ni Vice habang nag se-seatbelt para sundan na yung ride ng mga babae to their next date destination.

"Etong Karylle na 'to... Parang gusto ko tong makilala ha." Vhong wiggled his brows suggestively but Vice brushed it off with a smile.

"Responsibilidad ko bawa't isa sa kanila, kaya tama lang na dalawin ko sya."

"Pero during a group date?" Vhong smirked, pushing the subject further, "Iba na yan brad."

"Ibang tao na rin naman ako, kaya nga naghahanap na ako ng mapapang asawa ngayon, diba?" Vice started the engine of his car and put on his shades.

"Totoo nga naman..." Vhong shrugged dahil may point nga naman yung kaibigan nya, "Pero brad, mag ingat ka sa ilang babae ha... Yung mga akala mong mabait, may baho din talaga...Pero mas mag ingat ka sa mga gusto lang sumikat, yung mga for show lang talaga ang kinikilos."

"Don't worry, bukas na bukas ang mga mata ko." sagot naman ni Vice bago sya tuluyang nag drive off paalis.

"Bukas na bukas daw mga mata eh naka shades naman?" iniiling ang ulong sabi ni Vhong habang pinapanood makalayo si Vice.

//

"Karylle ha, narinig mo naman mga bilin ng doctor." sabi ni Angel na inaalalayan si Karylle paakyat sa kwarto nito. Georgina went to the kitchen para ikuha ng pitsil ng tubig na isusunod nya na lang.

Angel even assisted her to bed which Karylle found was a little OA kaya naman natatawa syang pinapaalis si Angel.

"Okay na ako, promise, wag nyo na akong itratong parang baby." She said while tucking herself on the bed.

Georgina entered the room and placed the jug of water on her bedside table, "Karylle, I got your water, take sips every now and then ha."

"Yes. Thank you. You girls can go now. I'm fine."

"Are you sure?" pag confirm na tanong ni Georgina.

"You heard the doctor naman diba? My water levels are fine, and itong fever ko, mawawala na din toh."

"Fine! But in... 3 hours time, gigising ka to eat and then take your meds, okay?" paalala ni Angel habang binuhusan ng tubig yung baso para ready na to for Karylle to drink out of.

Karylle gave them a forced grin at tinuro yung pinto palabas ng kwarto, "I promise, matutulog lang ako... Don't worry kaya ko to."

"Pagaling ka na ng masarap na ulit pagkain namin ha." sabi ni Georgina giving her a wink before she walked out of the room with Angel.

//

Bago mag alas onse ng gabi, nakauwi na yung mga girls na kasama sa group date this week. Kahit na nabitin sila sa oras nila with Vice during the music video shoot, bumuwi naman si Vice sa cocktail party dahil dinala sila nito sa isang VIP lounge with all the food and drinks they can get. Natuwa din sila dahil bumalik na kahit papano yung Vice na positive ang aura at hindi na yung masungit na Bachelor na nakita nila the past few days.

He spent equal amounts of time with the girls and he had to admit na mas lalong nagulo ang isip nya, dahil lahat naman ng natitirang girls ay may pinapatunayan din talaga. None of them tried to get with him, all they did was have a friendly, getting to know you type of conversations, which Vice really enjoyed.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon