Chapter 5

19.1K 428 69
                                    

Alas sais pa lang ay gising na si Karylle, normal na kasi sa kanya na magising ng maaga dahil sa tuwing ganitong oras sya lumalabas para mag jogging. Bumangon sya quietly to try and avoid waking up Anne. She took out her exercise clothes at dumiretso sa banyo para makapag hilamos at makapag palit.

Sinuot nya yung black shorts nya and her green exercise top. She also tied her hair into a messy bun para hindi ito mapunta sa mukha nya. Pagbaba nya ay nakita nya si Iza at Angel na nag s-stretching sa harap ng bahay.

"Morning," bati ni Karylle habang pababa ng hagdan.

"Oh good morning, Karylle." sabi din naman ni Angel at nag bigay ng sweet smile.

Napatingin naman si Iza sa watch nya at napakunot ang noo, "Why are you up so early?"

Karylle started doing star jumps, "Mag jojogging ako eh."

"Talaga? Sabay ka na sa'min."

"You jog?" tanong ni Iza na tiningnan si Angel then Karylle.

"I mean I try to run everyday, I like the fresh air.. Tsaka it helps me deal with stress..." Karylle said as a matter of factly.

"Halika na, sabay ka na sa'min ha? May fitness instructor tayo dito o." tinuro ni Angel si Iza at kumindat kay Karylle.

"Well, let's go?" sabi ni Karylle after finishing her quick stretches.

//

After their jog ay bumalik na sila sa mansion kung saan naabutan nilang gising na at nagluluto yung ibang girls. Nasa living room at nagkakape sina Georgina at Liz, while sila Solenn, Kaye, Toni, and Kris naman ay nasa kusina at nag b-breakfast ng either cereals, fruits and toast.

"Tulog pa si Anne?" tanong ni Karylle kila Georgina at Liz.

"I think so," reply ni Liz at uminom sa cup nya, "Hey, aren't you a chef? Can you cook us something for breakfast?"

Dahil sa sinabi ni Liz ay napataas naman ang kilay ni Karylle, kahit sina Angel at Iza ay nagulat sa sinabi ni Liz.

Nilunok naman bigla ni Liz yung iniinom nya at napatayo sabay lapit kay Karylle, "I didn't mean that to be offensive, no, sorry kung na-offend kita."

"She meant we just wanted to see how good of a cook you are, tsaka it will teach that Kris to stay out of the kitchen. Have you tried her omelette?" Georgina rolled her eyes.

"Paper tastes better.." sabi naman ni Solenn na kagagaling lang sa kusina at umiinom ng orange juice, "Good morning, saan kayo galing?"

"Nag jogging kami, may track field pala dyan nearby." sabi ni Iza

"Tara, kain muna tayo?" sabi naman ni Karylle na napahawak sa tiyan nyang kumukulo na sa gutom.

"Ikaw magluluto?" Liz smiled na para bang bata na napagbigyan ng magulang.

"Ang taas ng pressure ha." sagot na lang ni Karylle na natatawa habang naglalakad silang lahat papunta sa kitchen.

//

Nakatayo naman sina Marian at Karen sa may tuktok ng staircase na pinapanood yung mga girls na nagbobonding sa kusina. Pareho silang mukhang naiinis na naman sa nakikita.

"Tingnan mo sila, parang nasa slumber party lang diba?" Karen said at nag cross ng arms.

Marian smirked, "Hayaan mo na sila, sooner or later marerealize din nila na kalaban nila ang isa't isa no."

"Hay, nakakastress ang kashungahan nila eh." Napahawak si Karen sa ulo at inikot mga mata nya.

"Basta ako, nandito ako para kay Vice, at para lang kay Vice. Hindi ako nandito to make friends noh. May Friendster na ako para dun." Marian made her way downstairs at iniwan si Karen na nakatayo parin dun.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon