Chapter 27

11.2K 385 47
                                    

"Good morning, sweetheart."

Halos mapatalon sa gulat si Karylle ng maramdaman yung kamay na pumatong sa may likod nya. She turned her head at napahinga ng malalim to see na si Vice lang pala yun.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Vice habang nakangiti sa dalaga.

Nasa lobby sila ng hotel dahil doon pinapunta si Karylle to meet up with Vice.

"Well, they dragged me out of the breakfast buffet table dahil ready ka na daw."

"Hindi ka nakakain ng breakfast?" worried na tanong ni Vice.

"Exactly, I'm so hungry, kasalanan mo 'to eh!" may pagka childish na sabi ni Karylle sabay pout.

Tumawa si Vice bago nilagay in a headlock yung ulo ni Karylle, "Vice, parang sira 'to, ang tagal kong kinulot yang buhok ko para sa'yo tas guguluhin mo lang." Karylle said playfully at inayos ulit yung buhok nya.

Tiningnan sya ni Vice from head to toe at huminga ng malalim, "And I must say you look beautiful as usual." he said with a wink.

"Yeah, yeah... Whatever..." sabi ni Karylle sarcastically bago sila tumawa ng sabay ni Vice.

"Hayyyy kawawa naman pala ang baby ko hindi pa nakakakain," Vice said at hinaplos ang buhok ni Karylle, "Dito ka lang, akong bahala."he placed a kiss on her head bago iniwan si Karylle.

"Vice?!" nagtaka na lang si Karylle ng tumakbo si Vice papasok sa dining room. Tumingin sya sa crew na nag fi-film sa kanila at nag shrug.

Vice was back in about 2 minutes, may dala itong bacon bagel na nasa paper plate at isang sachet ng orange juice.

"Happy ka na?" inabot ni Vice yung food kay Karylle at tinuro yung pinto palabas ng hotel.

"Thank you!!!" Karylle said in a high-pitched childish tone at binigla si Vice by giving him a quick peck on the cheek, "Thank you." Sabi nya ulit but more calmly this time.

"Kung ganun ang mangyayari everytime na bibigyan kita ng pagkain, tataba ka sa dami ng pagkain na dadalin ko sa'yo."

Karylle chuckled bago nya sinundan si Vice papunta sa limousine kung saan sila sasakay papunta sa date location nila.

//

"Guys, where's Karen?"

"What do you mean by where's Karen?" sagot naman ni Solenn sa kadarating lang sa private lounge ng mga girls na si Iza.

"Take a seat ladies, I have an announcement."

Echoes of "Hello Billy" and "Hi Billy" filled the room habang nag siupuan ang mga ito around the U-shaped sofa.

"Karen has been kicked out of the show."

Nagtinginan sina Toni at Iza na parang nag uusap ang mga nila, napansin naman ito ni Angel kaya siniko nito si Toni na katabi nya at tinaas ang kilay, as if to ask "Do you know anything about this?"

Halos hindi naman pinagtuunan ng pansin ni Toni si Angel at yumuko na lang dahil na rin sa guilt na nararamdaman nya ngayon. Alam nyang she shouldn't feel bad dahil what she and Iza did was the right thing, yet mabigat parin sa pakiramdam yung nangyari.

"Why did she get kicked out?"

Billy was straight with the answers, "She was caught bringing a man to her room last night."

"Oh shit." sabi ni Georgina na natawa at nakipag high five pa kay Liz.

"Alam ba ni Vice to?" tanong naman ni Marian na kanina pa tahimik. All eyes went to her dahil alam naman ng lahat ng sya ang pinaka close kay Karen.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon