Man of my dreams?
Sabi nila may mga taong dumarating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan.
Anong gagawin mo?
A: Sasalubungin mo ng powerhug!
B: Iilagan mo ang pana ni kupido?(ziggzag run pa;-))
C: Ipamigay mo ang taong 'yun.
D. None of the above.
"Lalabas kang ganyan ang suot mo?" Kunot- noong tanong ng kanyang pinsang si Violet. Natigil siya sa pagpihit ng seradura palabas.
Sa isang condominium unit sila nakatira na pag- aari ng kapatid nitong engineer. Ang Bantayan Conduminium. Oh sosyal di ba? Nasa probinsya siya pero nakatira sa condominium.
Nakikitira siya sa mga ito dahil nasa Manila ang kaniyang mga magulang. Taga- Manila kasi ang tatay niya at ang ina niya ang taga Bicol. Magkapatid ang ina nila ni Violet.
Pinagmasdan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
"Bakit may masama ba sa suot ko?" Napaka big deal talaga dito ang pagsuot niya ng saya..este mahahabang damit. Saya kasi tawag nito sa mga damit niyang may mahahabang manggas, oversized din sa kanya at nakasara sa may neckline.
"My God Ate Vange. daming makakakita sayo sa labas, noh." Angal pa nito.
Totoo ang sinasabi nitong maraming tao sa labas dahil karamihan sa mga nakatira/ nangungupahan din doon ay mga estudyanteng katulad nila ni Violet.
Ngunit siya ang taong walang pakialam sa sasabihin ng iba.
Itong pinsan niya lang ang masyadong concious sa sarili. Pati siya ay madalas pagsabihan sa klase ng kanyang isinusuot. Parang ito pa ang mas nakakatanda sa kanya.(Batukan ko kaya ito..hehe..joke lang po. Mahal ko iyang pinsan ko kahit may pagkamakulit).
"Ineng diyan lang po ako sa ibaba sa convenience store pupunta at hindi ako papasok kaya okey lang na nakapambahay ako."
"Paano kung nandyan na pala sa labas ang man of your dreams? Turn off 'yan ate."
"Naku, tigil- tigilan mo ako sa man of your dreams na 'yan. Naniniwala akong di pa siya darating ngayong araw at sa mga susunod na araw hanggat wala pa akong trabaho dahil busy pa iyon sa pagkalkal ng lupa sa mars." Pilosopong sagot niya at umalis na para matigil na ito sa pangungulit. Hindi naman sa man hater siya. Ayaw niya lang magboyfriend ng wala pa sa tamang panahon. Darating tayo dyan.
Medyo matagal na siyang naghihintay sa pagbukas ng elevator ngunit di pa rin nabukas isa man sa tatlong elevator. Pagtingin niya sa oras ay saka niya lang naalala na uwian ng mga estudyante kaya medyo matagal ang mga elevator.
Nagdecide siyang bumalik nalang sa unit at pahupain muna ang paglabas ng mga kapwa estudyante tutal mamaya pa naman ang susunod niyang pasok.
Ngunit di niya na natuloy dahil bumukas na ang nasa gitnang elevator.
Nagtaka pa siya ng tila slow motion ang pagbukas ng elevator.Hindi kaya may sira ang elevator na 'to? Naku huwag naman sana takot ako sa madilim. Grrrrr..
Nang tuluyang bumukas ang elevator ay parang namatanda naman siya.
Nakasalubong niya ng tingin ang isang lalaking may singkit at maiitim na mata. May kahabaan ang buhok at nakasuot ng jersey na kulay green. Matangkad ito na may machong katawan.
By the look of it alam niyang varsity player ito ng kanilang eskwelahan.
Dahil sa pagtingin niya dito ay di niya napansing natagalan na pala siya sa labas ng elevator. Nagulat siya ng marinig ang mataray na boses ng isang babae. "Papasok ka ba o matutulala na lang d'yan?" Naramdaman niyang namula ang kanyang pisngi dahil sa hiya. Nakayukong pumasok siya sa loob ng elevator.
Ang taray mo 'teh. Nasa likuran niya ang babaeng nagtaray. Dedma lang siya. Charr.
Napasulyap siya sa kanan niya. Nanigas siya ng makitang nakatingin din ito sa kanya.(weee assuming? Hindi ba dahil siksikan sa elevator at wala itong ibang magalawan.)
Pasimple niyang inayos ang buhok at suot na damit. "Paano kung nandyan na pala sa labas ang man of your dreams? Turn off 'yan ate." Bigla niyang naalala ang sinabi ng pinsan. Naku, erase erase the bad thoughts. Ilang taon na ba siyang nagtagumpay na huwag pansinin ang mga nararamdaman basta tungkol sa usaping puso? Matagal na. Kaya sure siyang wala lang ang nararamdaman niyang 'to. Kahit parang tila ang daming naghahabolang daga sa dibdib niya. Saka lang siya nakahinga ng maayos nang bumukas ang elevator sa 3rd floor at lumabas na ito. Nakita niya ang apelyido nitong 'Lim' na nakasulat sa likuran ng jersey na suot nito.
Habol niya pa rin ang paghinga hanggang sa makarating sa Love Convinience store.
Nang aasar ba ang lugar na 'to? Sa dami ng pangalan love pa talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/24243413-288-k245092.jpg)
BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...