yeheey..nakapag update din ng story ko na 'to. ito lang ang bukod tangi sa mga gawa ko ang may maraming reads and vote..sooo much appreciated ko na ito..
Please Read, Vote and Comment..please..
I dedicate this story sa mga ka-sister and brother ko sa the feast..
"Besty, nawala lang ako ng isang araw ang dami na agad nangyari sa lovelife mo." Ani Janey nang magkita sila sa first subject nila sa araw na 'yun.
"Lovelife ka dyan. Ano bang nangyari sayo at nawala ka?"
"Dumating kasi kuya ko kaya um- absent muna ako. Pero huwag mong ibahin ang usapan. Ano yung nabalitaan kung kayo na ni Brayann?" Kinikilig nitong tanong.
"Naniwala ka naman. Puro kalukuhan lang ang Brayann na 'yan. Kapag natapos na ang deal namin hindi na magko- cross ang landas namin kaya matatahimik na rin ako."
"Anong deal?" Kunot noong tanong ng kaibigan.
"Di ba nga ako sinisisi niya kung bakit siya napilayan kaya ako ang mag- aalaga sa kanya hanggang sa gumaling siya."
"Grabe ang swerte mo naman."
Dumating na ang professor nila kaya tumigil na sila sa pagkukwentuhan.
Pagkatapos ng kanilang klase ay lumabas na siya para kunin sana ang ibang gamit sa locker para makapunta siya sa library dahil vacant period nila. Hindi siya natuloy pumunta ng library nang makatanggap ng tawag kay Brayann at pinapupunta siya sa cafeteria.
"Anong kailangan mo?" Masungit niyang tanong. Kasama nito sa table ang mga kaibigan.
"Ang sungit 'Pre. Laos na ata ang charm mo." Tumatawang sabi ni Carlo. Tiningnan niya ito ng masama.
"Parang kumikirot na naman kasi ang paa ko." Anito at umaktong masakit ang paa.
Mabilis niya tiningnan ang paa nito. "Baka naman kasi pinuwersa mo ang paa mo. Yung gamot ba uminom ka na?" Tumango ito.
"Gusto mo pumunta tayo ngayon sa clinic?" Tanong niya.
"Huwag na. Baka mamaya mawala din ito." Tinaas niya ang injured nitong paa sa isa pang upuan.
"Yan ang sabi ng doktor para hindi mamaga ang paa niya." Sagot niya sa mga kaibigan nitong parang nagtatanong kung bakit niya ginawa iyon.
"Ang galing naman pala pare ng nurse mo. Sigurado ka bang hindi ka pa magaling?" Ani Readden. Binatukan ito ni Carlo.
"Ang daldal mo talaga."
"Vange maupo ka dito." Ani Brayann at hinila ang upuan sa isang side nito. "Kumain ka na."
"Ah huwag na. May gagawin pa ako eh."
"No. I insist. Hindi ka makakaalis dito hangga't di ka kumakain." Para hindi na humaba ang usapan ay sumunod na siya dito. Wala siyang panalo sa kakulitan nito. Sa ilang araw niyang nakakasama ito ay ito ang palaging nananalo sa kanilang argumento.
"Alam niyo ba ang bali- balita? Nagkakagulo daw ang grupo ng Bantayan Knights..tsk..tsk.." ani Carlo. Napakunot- noo siya habang kumakain at pasimpleng nakikinig sa usapan ng mga ito.
"Mismong founder ng grupo ang nagkakaproblema." Ani Carlo.
"Di ba member ka din ng Bantayan Knights?" Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ni Jonathan.
"Sorry.." hinging paumanhin nito. Nabulunan kasi siya at inubo dahil sa gulat.
"Nakakagulat ka naman kasi para kang estatwang biglang nagsalita."iiling- iling si Carlo.
" Oo kasama nga ako sa grupo nila. Pero paano niyo naman nasabing nagkakagulo." Hindi na siya nasagot ng mga ito dahil pare- pareho na silang napatingin sa magkaparehang pumasok sa loob ng cafeteria. Nakita niya si Kenneth habang nakikipaglandian sa isang babaeng hindi niya kilala. Samantalang ang alam ng lahat ang girlfriend nito ay ang kaibigan at kagrupong si Julianne. Isa sa mga founder ng Bantayan Knights. Napakuyom siya ng kamao sa lantarang panloloko ni Kenneth sa kaibigan. Kaya naman pala nagkakagulo. Eh paniguradong maghuhurumentado si Arvin at ibang mga kaibigan sa ginagawa ni Kenneth kay Jia.
"Saan ka pupunta?" Pagpigil ni Brayann sa akma niyang pagtayo.
"Kakausapin ko lang ang mga manlolokong yun."
"Hindi tamang makisali ka sa kanila." Pagpigil nito.
"Ang hindi tama ay ang lantaran nilang panloloko sa kaibigan ko." Galit siyang tumayo at nagmartsa papunta sa dalawang manloloko. Pero hindi pa siya nakakalayo kina Brayann ay nakarinig siya ng lagabog. Paglingon ay nakita niya si Braynn na nahulog sa upuan. Mabilis siyang lumapit dito. "Ano bang ginagawa mo?"
Tinulungan siya ng mga kaibigan nitong alalayan itong tumayo at iupo ulit sa upuan.
Paglingon niya sa banda kung saan nakapwesto kanina sina Kenneth ay wala na ang mga ito.
"Ginawa mo ba yun para pigilan ako?" Baling niya kay Brayann.
"Ayoko lang na makipagaway ka." Nakayukong sagot nito. Napabuntonghininga siya.
"Siya ba 'yun? Like ewww."
"Paano naman siya magugustuhan ni Brayann. Look how she dress. Manang.."
"Yeah right. Baka ginayuma niya si Brayann kaya nagkakagusto sa kanya."
Ilan lamang yun sa mga naririnig niyang bulong- bulongan sa University simula ng madikit ang kanyang pangalan kay Brayann. Hindi niya na lang pinagtutuunan ng pansin ang mga ito. Pumapasok siya araw-araw na tila walang naririnig.
Pero hindi niya alam na higit pa sa pagpaparinig ang gagawin ng mga babaeng may gusto kay Brayann. Habang naglalakad siya papunta sa susunod niyang klase ay "Hoy babaeng mangkukulam layuan mo ang Brayann namin." Sigaw sa kanya ng bagong dating na babae. Aba't sino kaya sa'min ang mukhang mangkukulam? Sa kapal ng make- up niya... Pero hindi na lang siya kumibo.
Apat ang mga ito. Yung nasa gitna ang sumigaw sa kanya. Nakakaamoy siya ng gulo. Kung dati ay puro parinig lang, ngayon ay mukhang iba ang mangyayari. Hindi niya na lang sana papatulan ang mga ito ng humarang sa daraanan niya ang apat na babae at pinalibutan siya.
"Ayoko ng gulo. Padaanin niyo ako."malumanay niyang sagot.
"Layuan mo muna ang Brayann ko." Nakataas ang kilay na sabi ng babaeng poste.
"Paano kung ayaw ko?" Nang-iinis niyang tanong. Grabeng mga babaeng 'to. Pinapag-aral ng mga magulang tapos puro kalandian inaatupag. Kaylan pa nila naging pag-aari si Brayann?
"Aba lumalaban.." Anang isa namang babae. Umakmang susugurin na siya ng mga ito ng may sumigaw at napatigil ang mga ito sa binabalak.
"Anong kaguluhan ito?" Lumapit sa kanya si Jia.
Ang kaninang matatapang na mukha habang kausap siya ay biglang nagsi-amo sa pagharap ng mga ito kay Jia. "Hindi niyo ba siya kilala? Isa siya sa miyembro ng Bantayan Knights.Oras na kantiin niyo pa kahit dulo ng daliri niya mananagot kayo sa BK." Sabay- sabay na napasinghap ang mga babae at mabilis na umalis.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jia
"Oo. Salamat."
"Ano ka ba? Wala 'yun. Magkaibigan tayo. Sige mauna na ako." Paalam nito.
Sinundan niya ito ng tingin. Ang akala niya sa mga inlove ay blooming at kumikislap ang mata pero bakit di niya 'yun makita kay Jia. Dahil ba sa ito lang ang nagmamahal kay Kenneth? Hay.. ayokong mangyari sa akin ang pinagdadaanan ni Jia. Kaya dapat lang na umiwas ako. Prevention is better than cure. Pagpapaalala niya sa sarili.

BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...