Chapter 4

210 72 9
                                        

I dedicate this chapter to the 3 wonderful girls:

Janey Jane Simbulan thanks girl pinagamit mo name mo.

Iamjonquil thank you sa pgsupport ng story ko.

Imthegeeclef salamat sa advice na ipagpatuloy ko itong story..

Antukin.

"Miss teka lang." Narinig niyang tawag ni Brayann pero di niya ito pinansin.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglabas ng gym.

Nakakahiya. Sa lahat ng pwedeng makakitang natutulog siya bakit ito pa?

"Miss... sandali.." tuloy- tuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya ito pinansin na patuloy lang din sa pagsunod sa kanya.

Booogsss. Shit. Napatigil siya at napalingon dahil sa ingay na narinig at pagdaing. Aray. Narinig niyang mahinang turan nito. Nakaupo na ito ngayon sa damuhan.

Dahil sa nakitang sakit na rumehistro sa mukha nito ay nakaramdam siya ng pag- aalala. Nakita niya sa tabi nito ang isang mahabang kahoy. Sa tingin niya ay napatid ito doon.

"Okey ka lang ba?" Lumapit na siya dito.

"Oo. Wala ito." Sinubukan nitong tumayo. Nakangiwi ito habang pinipilit makatayo.

Nakatayo nga ito ngunit hindi naman maiapak ng maayos ang kanang paa.

"Hindi ka okey. Kailangan mong pumunta ng clinic." Mukhang magrereklamo pa ito kaya hindi niya na ito hinintay na makatanggi. Kinuha niya ang kanang braso nito at isinampay sa balikat niya. Saka ito inakay papuntang clinic.

Hingal kabayo na ata siya ng makarating sila sa clinic. Paano namang hindi eh katangkad at laki ng katawan ng inaakay niyang tao. Pagdating nila ay agad silang sinalubong ng nurse. May binigay itong papel at pina- fill up- an ang form sa kanya. Saka pinapasok si Brayann.

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong dahil sumunod ito sa loob.

Hindi niya malaman kung ano isusulat sa form.

Name of patient: Brayann Lim

Age:

Mukhang pangalan lang nito ang alam niya. Abala pa siya sa pagbasa ng form nang may marinig siya sigaw. Mabilis siyang napatayo at pumasok sa pinasukang pinto ni Brayann kanina.

"Dok, a- anong nangyari?" Aniya sa nakaputing lalaki.

Ngumiti ito sa kanya. "Masyadong matigas kasi ang ulo ng boyfriend mo, hija."

"Ho? Hindi ko po siya.."

"Ayaw papigil sinabihan kung huwag munang ilakad ang paa." Hindi nito pinansin ang sinasabi niya. Nakita niyang nakabenda ang paa nito na maaaring pangsuporta sa paa nito.

"Eh, baka daw kasi iwan mo siya." Sabi ng nakangiting nurse. Parang nanunukso pa si ate nurse. Tiningnan nito si Brayann. "Oh kita mo na? Di naman siya umalis." Tumawa ito at ang doktor.

"Hija,na- sprain ang boyfriend mo though there's nothing to worry about. Pero bawal munang gamitin ang kanang paa niya. Siguro mga 3- 4 days magiging okey na siya. Basta sundin mo lang Mr. Lim ang bilin ko. Bawal mapagod ang paa. As much as possible gumamit ka ng saklay para di mo madiin ang paa mo sa paglalakad. May irereseta rin akong gamot para sa pamamaga ng ankle mo." Tumingin ang doktor sa kanya. "Sa umaga pwede niyong icold compress ang paa niya. Maybe every 1- 2 hours. Tapos sa gabi kapag matutulog na siya lagyan mo ng mga dalawang unan ang ilalim ng paa niya para ma-elevate ito at mabawasan ang pamamaga. Sige maiwan ko na kayo." at naiwan silang dalawa.

"Kumusta paa mo?"

"Ahm.. Sorry." Sabay nilang pagsasalita.

Napangiti siya. "Bakit ikaw pa ang nagso- sorry? Napilay ka na nga. Ako dapat ang magsorry." Bakit pakiramdan niya ay napalagay agad ang loob niya dito?

"No. It's not your fault. I was the one who run after you."

"Oo nga pala. Bakit ka naman kasi humabol? May utang ba ako?" Pabirong turan niya.

"Meron." Seryoso nitong sagot. Nakatitig din ito.

"Ha?" Napanganga siya sa gulat. Kakakilala niya pa lang dito imposibleng may utang siya. Isa pa wala siyang pinagkakautangan.

"Nasa iyo pa kasi ang puso ko."

Laglag ang panga niya sa punch line nito.

Malalaos sina Vice Ganda kung katulad ng banat ni Brayann ang mga banat ng mga ito. Hehe..Boom panes..

"Hehehe.. patawa ka naman." Pinilit niyang magmukhang natatawa sa joke nito. "Hehehe..."

Napatigil siya dahil nakatingin na pala ito.

"I like you." Sabi nito.

"Ha?"

"Sabi ko gusto kita." Biglang di siya mapakali sa sinabi nito. Talagang inulit pa nito, nagbingi- bingihan na nga siya.

"I like you, because your so kind not to tell me that my joke is.. you know..halos lahat ng kakilala ko sasabihin 'korni mo..'" ah 'yun lang pala reason niya. Bakit anong akala mo? Nagandahan sayo. Hmmmp. Kastigo niya sa sarili.

"Ah di ko rin akalaing marunong ka ng mga pick-up lines." Kung titingnan kasi ito ay parang seryoso itong tao.

"But kidding aside, di pa ako sayo nakakahingi ng sorry ng matamaan kita ng bola kaninang umaga. Sorry." Ngumiti ito. Taktee naman. 'Bat ang gwapo niya. Ehhhh. Di niya mapigilang lihim na kiligin.

"Di ko alam kung paano kita mahahanap para makapagsorry. Kaya natuwa ako ng makita kita kanina sa gym." Ah magsosorry lang pala ito kaya siya sinundan. Pero pakiramdam niya ay pulang- pula na naman ang kanyang mukha ng maalalang nakatulog siya sa panonood ng basketball. At nahuli pa siya nito.

"Okey ka lang ba?" Nakakunot- noo ito ng tingnan niya. "Namumula mukha mo."

"Oo. Okey lang ako."

May sasabihin pa sana ito ngunit di natuloy dahil pumasok ulit ang nurse at binigay sa kanila ang form na hindi niya nafill-up an.

Kinuha ito ni Brayann at mabilis na nagfill-up. Binalik nito sa nurse ang form nang matapos.

Pagkalabas ng nurse ay siya namang pasok ng kaibigan.

"Friend anong nangyari?" Tiningnan nito buong katawan niya.

"Ano ka ba? Nakakahiya ka. Hindi ako ang nasaktan, siya." Sabay turo kay Brayann na nakaupo.

"Ano nagawa mo ba 'yung sinabi ko?" Tiningnan nito si Brayann at binaliwala ang tanong niya.

"Ang gwapo mo naman." Kinikilig ito.

"Hoy, umayos ka. Nakakahiya." Siya ang nahihiya sa ginagawa nito. Tiningnan niya si Brayann.

Parang nahihiya pang tumawa ito sa kanila.

"Hi! I'm Janey Jane. Short for Hooneyy. I can be your honey."  Ayy wala na. Umariba na ang kaibigan niya. Napaface palm na lang siya.

Thank you sa mga nagbabasa ng story kung ito. Salamat din sa nag- incourage sakin na ituloy ko ang story na ito. Di lang po agad ako nakapag ud dahil this past few days ay medyo di maganda pakiramdam ko. Not on my health condition. Sabihin na nating dahil sa isang tao na nakabantay sa bawat galaw ko. Ang hirap po ng ganun. Konting mali. Lagot ako. Hehehe..

Ayaw ko po magsulat ng masama loob ko. Sana mapasaya kayo ng kwento ko.. thank u soooo much...

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon