Chapter 10

86 22 2
                                    

A/N: I dedicate this chapter to @xeviliciousX & @yesha682

"Hoy.. may problema ba?"

"Bakit?" Wala pa rin sa sariling tumingin siya kay Brayann.

"Sabi ko kumain ka na. Sabayan mo na ko." Anito. Nakita niya kung saan pumunta ang mata nito pagkatapos magsalita.

Sa kamay niyang nakatapat sa dibdib.

"Bastos." Pasigaw niyang sabi sabay talikod para itago ang mukhang namumula.

Pagdating sa University ay saglit siyang nagpakita sa tambayan ng kanilang barkada. Ilang araw na din kasi siyang di nakikita ng mga kaibigan.

"Oh Vange buti naman at nagpakita ka na?" Ani Analinn.

"Oo nga. May nabalitaan kami na nangyari sayo kahapon ah. Kumusta yung crush mo?" Panunukso ni Aylin.

Naku, alam niya na kung sino ang salarin kung bakit nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya. Ang napakabait niyang bestfriend na si Janey.

"Atleast may nakapagpalambot na dyan kay Vange." Ani Vanessa.

"Wow, grabe kung magkwentuhan parang wala lang ako dito, ah."

"Haha.." tawanan ang mga ito at nagpeace sign sa kanya.

Natigil ang usapan ng mga ito tungkol sa kanya ng dumating si Kenneth. Galing ito sa conference sa Cebu. Nagkumustahan sila.

Nang malapit ng magumpisa ang klase niya ay nagpaalam na siya sa mga ito.

Alas- 10 nang makatanggap siya ng tawag. Hindi niya kilala ang number pero sinagot niya. "Puntahan mo ako dito sa cafe. Ngayon na."

Saka naputol ang tawag.
Ha? Asar 'yun ah. Sino ba siya? Bakit niya ako uutusang puntahan siya. Saka hindi man lang bumati. Karakarakang nagsalita. Naiinis niyang pagkausap sa sarili.

Lunch time ay sumabay siya sa mga kaibigan na kumain ng lunch sa canteen ng University dahil wala si Janey. Hindi niya ito mahagilap.

"Grabe yung away ni Kenneth at Julianne buti ngayon naging okay na sila. At mukhang mas naging close pa sila." Ani Leizil.

"Paano naman kasi si Julianne na nga ang nagmamalasakit kay Kenneth nagalit pa siya at kinampihan niya pa ang girlfriend niyang malandi." Mataray na sabi ni Jessica. "Ay sorry ex pala."

"Nabulag na kasi. Di ba nga love is blind."

"Tama. Kaya dapat sa ngayon pag- aaral muna natin ang dapat na priority natin. Sabi nga prevention is better than cure. Saka na 'yang love, love na 'yan" Aniya.

"Aper tayo dyan. Kaya yang mga boys dedma muna sila. Kahit.." napatigil sa pagsasalita si Bernie at ngangang nakatingin sa bandang likuran niya.

"Hoy, anong nangyari. Isara mo nga 'yang bibig mo tutulo na ang laway. Ewww." Aniya at winave ang kamay sa harap nito.

Hindi siya pinansin nito. Maging si Leziel at Jessica ay nakanganga din. "Pwede bang bawiin ko yung sinabi ko. Ang gwapo hindi dapat pinapalampas 'yan." Ani Bernie.

Nagtatakang tumingin na siya sa likuran niya. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan ng makita kung sino ang nasa harap niya.

"Bakit hindi ka pumunta sa coffee shop kanina?" Salubong ang kilay na tanong nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya bago sumagot.
So. Ito pala ang tumawag sa kanya.

"Aba malay ko bang ikaw pala 'yun. Hindi ka naman kasi nagpakilala."

"Oh, ako pa pala ang may kasalanan. Hindi mo ba nakilala ang boses ko?" Sarkastiko nitong tanong.

"Hindi." Aniya. Ano bang problema ng lalaking ito? Nagsusungit na naman.

Lumapit ito sa kanya. As in malapit na malapit.

Narinig niya ang sabay- sabay na pagsinghap ng mga kaibigan.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Sabay tulak dito palayo. Kaso nahawakan nito ang kamay niya.

"To remind you that you should be at my side." Pinagsalikop nito ang kamay nila.

"Excuse us please, may kailangan lang kaming pagusapan." At hinila siya nito palayo sa mga kaibigan bago pa man siya makapalag.

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon