Dapat lang na umiwas na siya kay Brayann. Sapat ng dahilan ang nangyari kahapon para iwasan niya ito. At isa pang dahilan ay ang hindi niya maintindihang nangyayari sa kanya sa tuwing nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang hindi mataranta. Tutal okey naman na ito. Kaya na nito ang sarili. Baka siya na ang hindi maging maayos pagkatapos nitong gumaling kapag hindi pa siya ngayon umiwas.
Maghapon lang siyang nagkulong sa condo at hindi lumabas. Hindi rin siya pumasok. Na ayaw niya ng maulit pa. She won't let her guard down again. After this day she will focus again on her study.
"Himala ata. Nandito ka kahit may pasok ka." Puna ni Violet.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa panonood.
"In love ka na noh?" Tinitigan siya nito.
"Tumigil ka nga. Anong inlove? Wala ako niyan. Baka sa love convenience store meron."
"Haha. Nakakatawa. Pero sure akong inlove ka dahil.. una may pimples ka, pangalawa nagbublush ka, pangatlo natutulala ka, pangapat umabsent ka, panglima..."
"Oo na. Manahimik ka na dyan."
"Ahhhhh... kanino? Saan? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Malakas nitong tili habang nagtatanong.
"Dahan dahan naman. Isa lang ang bibig ko. Kanino? Syempre secret ko yun. Saan? Secret pa rin. Bakit ngayon mo lang nalaman? Syempre secret nga eh walang nakakaalam."
"Naman eh." Naasar nitong sagot at iniwan siya. Tatawatawang pinagpatuloy niya ang panonood ng anime. Biglang nawala ang ngiti niya ng makita ang mukha ni Brayann sa pinapanood.
"My gulay naman..umalis ka na sa utak ko.."malakas niya sabi sa sarili.
Nawalan na siya nang ganang manood. Makatulog na nga lang. Pagpikit niya ang nakangiting mukha pa rin ni Brayann ang nakikita niya. Naasar na tumayo siya at tinawagan si Weng.
"Weng sige sasama na ko sainyo." Baka naman mawala na ang kakaiba niyang nararamdaman kapag naglibang siya.
"Talaga? Buti naman. Sige hintayin ka namin ha."excited na turan ni Rowena sa kabilang linya.
Pagkatapos ng tawag ay naisipan niya namang mag- ayos ng gamit niya.
Naisipan niyang tingnan ang photo album nila ng pamilya niya na palagi niyang dala. "Si Papa talaga. Ayaw man lang ngumiti." Aniya habang tinitingnan ang picture nila nung nagouting silang buong pamilya at iba pang picture sa bawat okasyon.
Takot siya sa ama dahil sa pagiging estrikto nito lalo na ng hindi magsipagtapos ang mga kapatid. Pero wala siyang hinanakit dito kahit na nagiging unfair na ito sa kanya. Kita kasi sa trato nito sa kanila na mas pinapaburan nito ang mga nakakatanda niyang kapatid. Atleast nandyan ang ina na sumusuporta sa kanya.
Hindi rin siya sumusuko na balang araw mapapansin siya ng ama.
Napalingon siya sa nagri- ring na cellphone.
Ang pangalan ni Brayann ang nakaflash sa screen. Hindi niya iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit.
Tumunog ang message alert tone ng cellphone niya.
From: Brayann
Nasaan ka? Bakit hnd mo sinasagot tawag ko. Txtbk ASAP.Hindi niya rin pinansin ang text message nito.
"Friend kaloka ka. Nasaan ka ba?" Sumisigaw na sabi ni Janey ng sagutin niya ang tawag nito.
Nilayo niya muna ang aparato sa teynga niya bago ito sinagot. "Bakit ba?"
"Alam mo bang ang kulit- kulit ni Brayann sa kakatanong kung nasaan ka? Wala naman akong ideya kung bakit hindi ka pumasok kaya hindi ko rin siya masagot kung nasaan ka." Ani Janey.
"Huwag mo na lang siyang pansinin." Sagot niya. "Siya nga pala pupunta ang BK mamaya sa Bubbles. Gusto mo bang sumama?" Ang Bubbles ang paboritong tambayan ng mga estudyanteng gustong gumimik.
"Anong himala meron ngayon at pumayag kang pumunta sa Bubbles?"
"Wala naman. Gusto ko lang pagbigyan ang barkada.""'Yan ba talaga ang reason mo?"
"Oo. Bakit may iba pa bang rason?"
"O dahil may iniiwasan ka? Ano bang nangyari sainyo ni Brayann?""Wala. Okey na si Brayann kaya wala ng dahilan para bantayan ko pa siya."
Pagdating ng gabi...
Ilan na sa mga kaibigan ang nasa Bubbles pagdating nila ni Janey.
"Wala pa ba si Jia?" Tanong niya sa mga ito.
"Wala pa. Hinihintay pa ata si Kenneth." Nakasimangot na sagot ni Weng. "Talagang siya pa ang pinaghintay ng lalaking 'yun."
"Oo nga. Ang sama- sama na talaga ng ugali ng lalaking 'yun. Simula ng.." natigilan sa pagsasalita si Annalin.
"Nakakapagtaka nga si Jia at hindi pa nagwawala sa ginagawa sa kanya ni Kenneth. Ay pag- ibig nga naman kapag tumama sa puso ng babae." Iiling- iling na sabi naman ni Aylin. "Kung yung dati niya pang ugali yun. Naku hindi oobra ang lalaking 'yun." Naalala niya kung paanong katakutan si Jia sa isang salita lang nito ng mga babaeng humarang sa kanya nung isang araw."Tama na nga yan. Wala tayong ideya sa nangyayari kaya hayaan na lang natin sila." Ani Wilfredo.
"Ang sabihin mo kumakampi ka pa kay Kenneth. Koo.. kayo talagang mga lalaki." Ani Annalin at piningot ang teynga ng boyfriend.
Nagtawanan sila.
"Nasaan na ba ang ibang mga boys? At pinagkakaisahan na ako dito." Nagpalinga- linga ito. "Oh ayan na pala sila."Dumating na ang iba nilang kaibigan. Si Jean na malapit ng ikasal ay kasama ang boyfriend.
"Hoy babae, hindi ba makakasama sayo ang pagpunta mo dito?" Ani Janey. Malapit din sa mga ito ang bestfriend kahit hindi ito kabilang sa grupo. Transferee kasi ito. Siya kasi kahit hindi talaga taga Bicol ay doon naman siya nag- aral simula grade school. tuwing bakasyon ang uwi niya sa kanila.
"Hindi yan. Tsaka saglit lang kami dito."
"Guys final na ha. Sa bakasyon imbitado kayo lahat sa kasal namin." Ani Vicente ang nobyo ni Jean.
Dumating din si Arvin at Vanessa. "Wala pa ba si Jia?" Tanong ni Arvin.
"Papunta na raw. Katext ko siya ngayon." Sagot ni Weng.Nagpalinga- linga siya dahil may nararamdaman siyang parang may nakatingin sa kanya.
Di nga siya nagkamali. Nakasalubong niya ng tingin si Brayann. Matiim itong nakatingin sa kanya. Sa tabi nito ang mga kaibigang masayang nagkukwentuhan. Nag- iwas siya ng tingin.
Pilit siyang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan para iwaglit sa isip si Brayann.
"Ikaw Vange kumusta ang lovelife mo? Balita namin kayo na daw ni Brayann." Nanunuksong tanong ni Vanessa.
"Hindi totoo 'yun. Nagkaatraso lang ako sa kanya kaya kami nagkasama." Tigas siya sa pagtanggi."Hmmm.. napakamanhid talaga nitong bestfriend ko. Gumagawa na nga ng paraan yung tao para mapansin mo tapos didedmahin mo lang."
"Bakit sinabi ko bang magpapansin siya?"
"Napakasungit mo talaga. Sige ka pagtinamaan ka ng pana ni Kupido sapol ka." Ani Janey.
"Magaling akong umilag."
"Talaga lang ha." Pamisteryosong turan ni Janey.
May lumapit sa kanila.
"Mam excuse me. May nagpapabigay po." Anang waiter at may inabot sa kanyang isang tangkay ng bulaklak. Tuksuhan ng mga kaibigan ang nangibabaw sa buong Bubbles."Magaling palang umilag, ah."
"Tulips for the lady." Panunukso ni Joey. Isa sa mga kaibigan nila na kasama sa gabing iyon. Ginaya nito ang linya ng isang sikat na aktor sa isang commercial.
"Kuya mukhang nagkakamali kayo ng binibigyan. Hindi 'yan para sa'kin."
"Pero..."anang waiter sabay kamot sa batok. "Kayo lang po ang tanging babae ditong nakita kong nakasuot ng pangmatanda." Napasinghap ang mga kaibigan pero ilang segundo lang ay nagtawanan na. "Sabi po ni Bossing ibigay ko ito sa babae niya. Hindi nga ako makapaniwala ng ituro ka niya na sayo ko ito ibibigay sa gwapo niyang iyon pero nung sinabi niyang sa nakadamit pangmanang ay sigurado na akong ikaw.."Inawat niya ang waiter na tila gripo ang bibig na nang mabuksan ay sunod-sunod ng lumabas ang tubig. "Anong sabi niya? Sinong ma- manang?" Di makapaniwalang tiningnan niya ang sarili. Naalala niya si Violet. Sabagay kahit pala ang pinsan ay manang ang tingin sa suot niya. Napakibit- balikat siya. Will her disguise have work. Atleast nagtagumpay naman siya. Pero teka.. Ouch..Bakit parang masakit pa ring marinig iyon mula sa ibang tao? Ang panlalait sa klase ng pananamit niya. Pero bakit parang mas masakit na galing iyon mismo kay Brayann. "Kuyang waiter pasabi sa lalaking nagpapabigay niyan." Aniya sabay turo sa bulaklak. "Hindi tumatanggap ng bulaklak si manang. Pasabi rin sa kanyang hindi niya ako babae." Matamis siyang ngumiti sabay talikod sa waiter at hinarap ang mga kaibigan.
Please Read, Vote & Comment po..hehe
I wanna hear from you guys..:-):-):-):-)☆☆★
![](https://img.wattpad.com/cover/24243413-288-k245092.jpg)
BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...