Papa God please give me more ideas..hehe
Thank u kay @ms_damsel..friend na kami..
"Nasaan ang hustisya." Madamdaming turan ni Carlo. "Bakit ikaw palagi ang nilalapitan ng mga babae? Gwapo naman ako."
"Oo naman gwapo ka. Napakababaero mo nga lang." Singit ni Janey.
"Ouch! Masama bang mahalin ko sila lahat? Kung papayag ka mamahalin din kita." Kinindatan pa ng kaibigan si Janey. Na lalong namang ikinairita ng babae. Kung kanina ay madaldal ito. Ngayon ay parehong salubong ang kilay na nakatingin kay Carlo. "No thanks. Dahil hindi ikaw ang type ko."
"At sino naman ang malas na nagustuhan mo.?"
"Wala ka na dun. Friend tara na. Naalibadbaran na ako dito."
Hmmm.. my something fishy sa pagitan ni Carlo and Janey.Hehehe..
"Di na ba tayo magpapapicture?" Aniya kay Janey.
"Next time na lang Brayann." Lumabas na ito. Sumunod naman dito si Carlo. Nagtinginan silang magkakaibigan at sabay- sabay na nagsitawanan. Kahit si Jonathan na seryoso palagi ay tumawa.
"Di niya matanggap na may babaeng allergic sa kanya." Ani Jonathan iiling- iling. "Dinig ko ikaw ang gusto niya." Nanunuksong turan ni Readden.
Tiningnan lang ito ng masama ni Jonathan.
"Ahrrm..gumagabi na. Kailangan na ni Brayann magpahinga." Napatingin silang tatlo kay Evangeline. Akmang tatayo na siya ng pigilan siya nito. "Oops, dahan- dahan lang." Inalalayan siya nito sa pagtayo. "'Yung bilin ng doktor kanina kanino ko pwedeng sabihin?" Tiningnan nito ang dalawang kaibigan. Pero siya na ang sumagot bago pa makapagsalita ang dalawa. "No need. I can do it myself. I'll just ask the two of them to help me bring my motorbike at home." Sanay naman kasi siyang mag- isa. Wala siyang kasama sa condo dahil ayaw niya. Ang mga magulang naman ay madalas na wala dahil nasa Manila ang ilan sa negosyo ng pamilya.
Binigyan siya ni Evangeline ng di makapaniwalang tingin. "Hindi ka nga makalakad ng maayos tapos sasabihin mo pang kaya mo. Unless gusto mong tuluyan ka ng di makapaglaro ng basketball. At 'yan ang di ko mapapayagang mangyari. Hindi makakaya ng konsensya ko.." hindi niya na narinig iba pang sinabi nito dahil nagtagis ang mga bagang niya sa narinig. So naaawa lang pala ito sa kanya. Akala niya all the while ay concerned ito sa kanya. Tssk. This girl need to learn her lesson. He develishly smile at his friend before talking.
"Bakit hindi ka na lang kaya ang mag- alaga sa akin. Di ba ikaw ang may kasalanan kaya ako naaksidente?" Pasuplado niyang turan. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang kinakaawaan. Buong buhay niya ay yun na ang nararamdaman niya. Dahil palaging wala ang mga magulang. Kapag kailangan niya ang mga ito ay wala sila sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomantizmMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...