Chapter 9

90 19 1
                                        

"Anong oras na?  Bakit ngayon ka lang umuwi?" Naninitang salubong sa kanya ng pinsang si Violet. "Hahaha. Joke lang. Ang aga mo namang umuwi. Alas- 9 pa lang oh." Baliw talaga tong pinsan niya. Kanina nang tumawag siyang gagabihin na ng uwi ay di na siya pinagpaliwanag, magpakasaya na lang daw siya kung saan man siya pupunta.

Kinutusan ito ng kapatid. "Ikaw talaga. Itutulad mo pa sayo si Vange na gala."

"Dapat lang kuya para naman magmukha siyang normal. Eh bata pa siya ang tanda niya ng magisip. Paano na lang pagtanda niya isip ano na siya?. Alangan namang mag- isip bata siya."

"Sabagay may point ka dun. Hmmm, nagiisip ka na din pala. Bubwit." Anito at ginulo ang buhok ng kapatid.

"Ano ba kuya. Hoy hindi ako bubwit." Hinabol nito ang kapatid na tumakbo papunta sa kwarto.

Napabuntonghininga siya habang sinusundan ng tingin ang magkapatid. Sa totoo lang ay naiinggit siya sa samahan ng magkapatid dahil sila ng mga kapatid niya ay hindi ganun. Wala siyang maalalang nagbonding sila ng mga ito. Noong bata pa siya ay palagi ng busy ang ate at kuya niya sa pag-aaral. Hindi rin siya kinakausap ng mga ito dahil kung hindi pag- aaral ang inaatupag ay barkada naman ang kasama ng mga ito.

Malalim siyang bumuntonghininga para iwaglit ang mga malulungkot na alaala. Pumasok sa isip niya ang imahen ng isang lalaking kakakilala niya pa lang pero parang nakaglue na sa isip niya ang mukha nito. Kumusta na kaya siya ngayon. Nakahiga na ito ng iniwan niya. Sinigurado niya ring nasa tabi na nito ang mga bagay na sakaling kakailanganin nito. Naisip niyang maswerte pa rin siya dahil kasama niya ang mga pinsan samantalang ito ay walang kasama.

Kinabukasan ay gumising siya ng maaga at mabilis na nagayos para sa pagpasok. Maaga ang pasok niya ngayon. Pero dahil dadaan pa siya kay Brayann ay mas maaga siyang aalis para maasikaso niya muna ito. May nahiram din siyang saklay mula kay Arvin. Naaksidente kasi ito minsan sakay ng motor at gumamit ng saklay.

Nakailang doorbell muna siya bago may nagbukas ng pinto.

"Medyo um- okey ba yung paa mo ngayon?" Pagtingin niya dito ay nakatingin lang din ito sa kanya. "Hoy.. gising ka na ba?"

"Bumalik ka?"

"Syempre.. ayaw mo ba?"

"Oo. I- i mean gusto.." kandautal nitong sagot bago nilakihan ang bukas ng pinto at pinapasok siya. "Nagulat lang ako. Hindi ko akalaing babalikan mo pa ako."

"Nagsabi akong babalik di ba? Hindi ko sisirain yun."

"Sungit mo naman ki aga- aga."

"Oh ito." Inabot niya dito ang saklay.

"Ano 'yan?"

"Hello. Di mo alam kung ano ito? Saklay oh."

"Oo alam ko. Pero hindi ka na dapat bumili niyan dahil gagaling din naman ako."

"Sinong may sabing binili ko 'yan? Hiniram ko lang yan noh. O gamitin mo na. Ang arte."

"Bakit ba ang sungit mo?  Meron ka ba?"

"Tss. Kumain ka na dito dahil kailangan ko ng umalis. Maaga pa ang pasok ko. Teka ikaw ba makakapasok ngayon?"

"Oo naman. Mamaya pa ang klase ko. Pupunta dito ang mga kaibigan ko para sunduin ako kaya don't worry makikita mo pa ang kagwapuhan ko mamaya." Ngumisi ito sabay kindat.

Sa ginawa nito parang nagpatumbling tumbling ang puso niya. DIYOS KO. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Brayann Lim. Ikaw na.. ikaw na ang LIMan ng puso ko..hehehe..

A/N:

Haha..boompanes..that joke is from @amarylllis.. dedicated ko sayo girl ang chapter na 'to. Tnk u sa pagtyagang basahin ang story na ito.

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon