Chapter 7

177 55 7
                                    

Evangeline's POV:

Napakunot- noo siya dahil sa biglaang pagbabago ng attitude ni Brayann. Parang bigla siyang nagsungit. Hmmp bahala nga siya sa buhay niya. Aniya sa sarili. Eh ikaw naman kasi may patakbo- takbo pang nalalaman. Pakipot ka pa. Kontra ng kabila niyang isip.

"Alagaan mo ako hanggang sa gumaling ako." Napanganga siya sa sunod na sinabi nito. Tiningnan niya ito sa mata para tiyakin kung nagbibiro lang ba ito. Pero seryoso nitong sinalubong ang tingin niya. "Ako? Bakit ako?" Di makapaniwalang tinuro niya pa ang sarili. Nakita niyang sabay na tumawa ang kaibigan ni Brayann. Na Jonathan at Readden ata ang pangalan.

"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako napilayan." Nakaingos nitong turan. Napahagalpak na ng tawa ang dalawang lalaki. "Bro para kang batang inagawan ng ice cream." Ani Readden. Tiningnan lang ito ng masama ni Brayann. Tinaas nito ang kamay. "Buti pa mauna na kami." Sabay ng lumabas ang dalawa.

Nagpa- panic niyang sinundan ng tingin ang dalawa. Bago tumingin kay Brayann. "Bakit mo sila hinayaang umalis. Sino na maghahatid sayo?" Di niya maintindihan ang lalaking ito. Kanina ang bait- bait tapos ngayon ang sungit naman.

"Ikaw." Balewalang sagot nito.

"Pero..."

Maraming thank you sa patuloy na nagbabasa o mga nagbabasa ng story ko na ito. Pasensya po sa tagalog ko.

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon