Chapter 2

340 89 9
                                        

Disaster.

"Weird." napakamot na lang siya sa kanyang ulo habang sinusundan ng tingin ang babaeng basta na lang tumalikod. Di sinasadyang natamaan niya ito ng bola dahil sa paghaharotan nila ng kaibigan at kateammate sa basketball na si Carlo.

"Pare, anong nangyari?" Salubong na tanong sa kanya ng isa pa niyang kaibigan na si Jonathan. Pagbalik niya sa mga ito.

"Hanep talaga sa lakas ang sex appeal mo pare. Biruin mo kahit tinamaan mo ng bola si manang hindi sayo nagalit." Sabi ni Readden

"Manang? Sinong manang?" kunot noong tanong niya. Nang maiisip niya ang suot na mahabang manggas at maluwag na damit ng babaeng tinamaan ng bola. Binatukan niya ang kaibigan. "Mukhang nasaktan talaga siya, nakita ko kasing napaluha siya. Help me find her." Aniya sa kaibigan.

"Ha, bakit?" tanong sa kanya ni Carlo.

I need to apologize to her. Nagtinginan sa kanya ang mga kaibigan na tila hindi makapaniwala.

"Pare are you sure?" Sabay- sabay pang tanong ng mga ito.

Seryoso niya ring tiningnan ang mga kaibigan. Na sabay- sabay ding nagsi oo ng makitang seryso siya sa kanyang tinuran.

"Bilib na talaga ako sa kabaitan mo pare." nailing na sabi ni Carlo.

"Yeah, you will also apologize to her." laglag ang panga ng kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabi.

Hinihingal na siya ng makarating sa loob ng cr. Lakad takbo ang ginawa niya nang makaharap ulit ang lalaking ilang araw ng gumugulo sa kanyang isipan. Napaluha pa nga siya. Hindi dahil sa tama ng bola kundi sa inis sa sarili ng marealize kung gaano siya maapektuhan ng di pa kilalang lalaki.

"Anong nangyari sayo?" napatalon siya sa gulat. Paglingon niya ay nakita niya ang kaibigang si Janey Jane Simbulan. Nakakunot- noo ito. Hindi niya namalayang nasa likuran niya na pala ito.

"Wala naman." Kaibigan niya na ito simula pa ng high school sila. Nang magtransfer ito sa eskwelahan nila. At ngayong college na sila ay parehong course din ang kinuha nila. BS in Entrepreneurship. Sa ngayon ay 2nd year college na sila.

"Sigurado ka?" bakas sa mukha nito ang pagdududa.

"Oo naman. Bakit?"

"Tinatawag kasi kita kanina di mo ko pinansin."

"Ah ganoon ba? Sorry di lang siguro kita narinig."

"Naku friend, halata ka. Alam kung may gumugulo diyan sa isip mo. Sabihin mo na."

Napabuntong hininga siya. Kaibigan niya nga ito. Wala siyang maitatago dito.

"Kuwan kasi.. ano.. si ano.. kasi.." di niya malaman kung anong tamang salita ang sasabihin dito tungkol sa problema niyang pangpuso.

"Friend relax. Okey. Ako 'to. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Hindi kita huhusgahan." Anito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mata.

Dahil sa sinabi nito ay napangiti siya.

"Ikaw talaga. Salamat ha." at niyakap niya ito. Ito ang nakakaalam kung paano siya kumilos lalo na sa harap ng ama. De- numero. Kaya hindi siya sana'y magpakita ng emosyon sa ibang tao.

"So ano na? Kwento ka na at huwag mong kakalimutan ang tungkol sainyo ni Brayann Lim."

Nagulat siya ng marinig ang apelyidong Lim

"Brayann?"

"Oo 'yung kausap mo kanina."

"Kilala mo siya?"

"Friend ano ka ba? Sikat na sikat kaya siya dito. Teka don't tell me di mo siya kilala?"

Umiling siya. Nanlaki ang mga mata nito.

"Eh, bakit magkausap kayo kanina?"

"Hindi kami nag- uusap. Humingi lang siya ng sorry dahil tinamaan niya ko ng bola."

"Grabe ang bait niya talaga. Tapos ano?" Kinikilig nitong tanong.

"Wala tinalikuran ko lang siya."

"What? Bakit ginawa mo 'yun?"

"Eh kinabahan ako."

"Naku sayang dapat nagpacute ka sa kanya."

"Sira." Pabirong hinila niya ang buhok nito.

"Teka 'bat ka naman kinabahan? Siguro crush mo siya noh? Umamin kna, oyy."

"Hindi noh."

"Hindi daw eh bakit ka namumula?"

"Ano mainit, oo tama mainit dito. Halika na nga, male- late na tayo." Hindi niya na 'to hinintay na mkasagot, hinila niya na ito palabas ng cr.

"Vange..."

Naririnig niyang mahinang tawag ni Janey.

Hanggang sa klase ay nangungulit ito. Pilit siyang pinapaaming may gusto kay Brayann.

"Ano ka ba, huwag kang maingay. Baka mapagalitan tayo ni Sir." Mahinang sagot niya.

"Hayaan mo siya. Napakaboring ng subject nya noh." Nakairap nitong sagot. Ayaw na ayaw kasi nito sa subject nilang Philosophy of Man. Boring na subject daw at boring pa ang kanilang professor.( sshhh, huwag niyo siyang isumbong readers ha.)

Makalipas pa ang ilang minuto ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang kanilang klase. Mabilis siyang tumayo para takasan ang kaibigan sa pangungulit. Naisip niyang huwag na munang sabihin dito ang nararamdaman niya kay Brayann. Total maging siya ay di rin sigurado kung ano talaga ang kanyang nararamdaman.

"Besty! Wait naman. May lakad lang.. nagmamadali?" kwela nitong turan ng maabutan siya.

Nginitian niya ito. "Hoy, tigilan mo ako sa ngiti mong yan." Ayun dito kapag nangiti daw siya sa ganung paraan ay halatang may gagawin siyang kalokohan. Kita daw iyon sa pagkislap ng mata niya. Hehe meron nga tatakbuhan niya ito. Ano pa't naging player siya ng track 'n field, kung mabagal siyang tumakbo.

"Hep." naramdaman niya ang higpit ng hawak nito sa braso niya. "Hindi mo ko matatakbuhan bestfriend." nakangising turan nito. Oops.. huli. Kung siya ay mabilis tumakbo ito naman ay malakas ang braso. Kapag nahawakan ka na ay ..goodluck kung makaalis ka pa. Hindi halata sa seksi nitong katawan at mahinhing paggalaw na lahat ng mag- amok dito ng punong braso ay wala pang nananalo.

"Samahan mo ko. Mamaya kana umuwi best."

"Makakatanggi ba ako?"

"Hindi." Ngumisi ito. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang dito.

My gulay..dami kung pinagdaanan sa chapter 1&2..huhu..sana naman maayos na ito ngayon..

Janey.. sana magustuhan mo character mo dito..tnk. u..

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon