"Vange, pwede ba tayong mag-usap." Napalingon siya sa taong nagsalita.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan." Ipinagpatuloy niya ang paglalakad para makalabas ng Bubbles.
"Marami tayong dapat pag-usapan." Tiim ang bagang na turan ni Brayann.
"Tulad ng?" aniya sa malamig na boses.
"Tulad ng kung bakit mo ako iniiwasan. May nagawa ba akong mali?"Hindi siya agad nakahuma sa tanong nito at natigil sa paglalakad. Technically, wala itong nagawa but logically meron. Dahil hindi ito mawala sa isip niya. Lagi nitong ginugulo ang kanyang sistema. Ngunit hindi niya iyon maaaring sabihin dito. That's why she was caught off guard and can't think for a reason. The more she need to be away from him. Hindi niya gugustuhing may makahadlang sa mga pangarap niya. At mapatunayang tama ang sinasabi ng ama.
"Magaling ka na. Wala na tayong dapat pang pag usapan. 'Yung pagkapilay mo lang naman ang rason kung bakit tayo nag-uusap di ba?" malamig niyang turan ng hindi tumitingin dito."Paano kung sabihin kung gusto pa kitang makilala kaya ako nakikipaglapit sayo?"
Natigilan siya sa pagtangkang pag alis nang marinig ang sinabi nito. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at gulat na gulat siya sa sarili sa nararamdamang kakaibang tuwa sa sinabi ng lalaki. No, hindi 'yun maaari. Hindi siya dapat magpadala sa pambubula nito."I like you, Vange." malakas siyang napasinghap sa narinig at maging ang mga taong nakarinig sa sinabi nito ay nakita niyang natigilan. Lalo na ang mga babaeng nasa likuran nito.
"Booo, sagutin mo na kasi...." narinig niyang hiyawan ng mga kaibigan ni Brayann na ilang hakbang lang ang pagitan sa kanila.
Maging ang mga tao sa loob ng Bubbles ay natawag na nila ang pansin kaya mabilis na siyang lumabas. Agad rin siyang tumawag ng masasakyan pauwi upang maiwasan si Brayann. Ngunit mabilis siyang napigilan nito. Palakas na ng palakas ang kabog sa dibdib niya. Lalo iyong naghurumentado ng magdikit ang mga balat nila ni Brayann mula sa pagkakahawak nito sa kanyang braso.
"Tigilan mo na ako Brayann. Wala akong oras sa mga kalokohan mo." pinilit niyang binawi dito ang brasong mahigpit nitong hinahawakan. Habang pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo. Totoo ang lahat ng sinabi ko. Ano ang kailangan kong gawin para maniwala ka? At hayaan akong pumasok sa mundo mo."
"Wala kang kailangang gawin Brayann. Wala akong planong guluhin ang buhay ko." aniya at mabilis na siyang sumakay sa tricycle na lumapit sa kanila. Ngunit bago tuluyang makalayo kay Brayann ang sinasakyan ay narinig niya itong sumigaw.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapasok sa mundo mo. I'm sure on what I want. And that is you."Napansin niya ang kanina pang pagtitinginan sa kanya ng mga kapwa estudyante. Ang iba'y nangingiti habang ang iba naman ay mga nakasimangot at hindi man lang nag abalang itago yun sa kanya at lantarang ipinapakita pa. Kasama na doon ang babaeng mestisa at mahaba ang buhok na lumapit noon kay Brayann.
Pagdating niya sa loob ng classroom ay nakita niya ang ilan sa mga kaklaseng nagkukumpolan sa upuan kung saan siya nakaupo. Sabay sabay na nagsialis ang mga ito ng makita ang pagdating niya. May mga nanunuksong ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat ng makita ang isang pumpon ng bulaklak na nakapatong sa kanyang upuan katabi ang isang katamtamang laki ng teddy bear na kulay pink na may hawak na hugis puso at may nakasulat na I Love You. Ngiting ngiti si Janey ng lumapit siya.
"Girl ang haba ng hair mo." kilig na kilig nitong turan. "Bilis tingnan mo na kung ano ang nakasulat."
May nakita siyang maliit na sobre sa pumpon ng bulaklak.
" I won't stop until you said yes.
Brayann." nabasa niyang nakalagay sa note. Marahas siyang tumayo at nagmartsa palabas ng kanilang room hawak hawak ang dalawang bagay na kanina pa agaw pansin sa mga kaklase.
"Vange, saan ka pupunta?" pagharang sa kanya ni Janey.
"May isasaoli lang ako. Mukhang naligaw."
"Ano ka ba? Malinaw ang pagkakasabi ni Brayann kanina na para sayo ang mga 'yan."
"N- nandito siya?" nautal niyang tanong.
"Oo. Umalis lang siya dahil pinatawag siya ng coach nila. Mukhang hindi daw ata muna makakapaglaro si Brayann dahil sa kanyang pilay."Mabilis niya nang iniwan si Janey at nagmamadaling pumunta sa gymnasium kung saan nagtitipon ang mga manlalaro ng B.U.
Hinihingal siya ng makarating. Agad niyang hinanap sa loob si Brayann. Nakita niya itong kausap ang mga kateam mates nito. Tinapik ito ng mga kaibigan na nakakita sa kanya at tinuro siya. Ngiting-ngiti ito nang makalapit sa kanya. "Nagustuhan mo ba ang binigay ko sayo?"
Napatingin siya sa hawak. Saka niya lang naalala na hawak hawak niya pa ang mga bulaklak at ang teddy bear. Agad niya 'yung binitawan at tiningnan ang paa nito.
"May masakit pa ba saiyo? Bakit daw hindi ka pa makakapaglaro? Kailangan mo ba ulit magpatingin sa doktor? Lumala ba ang injury mo?" walang prenong tanong niya dito.
"Hey, don't worry I'm okay. But thanks for your concern. I'm very happy." ngiting ngiting sagot nito at maging ang mga singkit na mata ay nakangiti.
"P-paanong okay eh hindi ka daw makakapaglaro. T-tigilan mo nga ang kakangiti diyan. Para kang tanga." masungit niyang turan.
"What? I can't help it but to smile. Wala naman sigurong masama na maging masaya sa pinapakitang pag- aalala ng babaeng gusto ko. To ease your worries it's not true na hindi ako makakapaglaro. Kakagaling lang dito ng doktor at in-assure niya ako na kayang kaya kung makapaglaro sa darating na laban." nakangisi pa ring sabi nito. "Gusto mo na rin ako di ba, kaya ka ganyan mag- alala?"
"Hindi ah." tigas siya sa pagtanggi. "Hindi ako s-sayo nag aalala. Oo tama. Sa buong basketball team ako nag aalala kasi baka matalo tayo ng ibang school. Pero mukhang mali 'ata ang narinig kung balita. Dahil maayos ka naman pala. Sige alis na ako. Isasauli ko din pala ang mga ito kaya ako nandito."
"Opps, wait. Not so fast baby." hinarangan nito ang kanyang daraanan. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?"
"Magsisimula na ang klase ko kaya kailangan ko ng umalis."
"Sige, I'll let you leave but will talk later. And bring those flowers and teddy bear. That's for you."
"Hindi ko kailangan ang mga 'yan. Ibigay mo na lang sa iba."

BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomansaMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...