Chapter 8

128 40 7
                                    

I dedicate this chapter to @itsmakx..tnk u ginawan mo ako ng book cover ng story ko na "3 in 1 Destiny".


Nagngingit- ngit ang kalooban niya dahil sa nangyari ngayong araw. Una natamaan siya ng bola ng taong gusto niyang iwasan. Pangalawa pinilit siya ng kaibigan na manood ng basketball na nagresulta para makatulugan niya at nakita pa ito mismo ng team captain ng basketball. Pangatlo hinabol siya ni Brayann at nadapa ito kaya napilayan. Great. Ngayon kasalanan niya pa kaya ito siya ngayon. Hinahatid ito sa unit nito. Na kinaswerte niya kahit papano dahil nasa iisa lang silang building.

"Akin na." Nakalahad ang kamay niya dito. Pilit niyang nilalayo ang katawan nito. Sobrang lapit kasi nito. Nako-concious siya dahil baka may makakita sa kanila at kung ano pa ang isipin. Nasa harap na sila ng unit nito.

"Ang alin?" Painosente nitong tanong. She rolled her eyes before answering. "Yung susi.. paano tayo makakapasok niyan." Dinadaan niya sa taray ang kabang nararamdaman dahil lalo nitong nilapit ang mukha sa kanya. Nananadya pa ata ang lokong 'to. "Ay nasa bulsa ko. Dito sa likod sa kaliwang bulsa. Pakuha naman please." Nag puppy eyes pa ito.

Kung susundin niya ito ay parang magkayakap na sila dahil ang kanang braso nito ay nakaakbay sa kanya. Bilang suporta para di nito maapak ang paa. Pero hindi niya yun gagawin. Isa pa, paa nito ang injured hindi ang kamay. Kayang kaya nitong kunin ang susi.

"Ito gusto mo?" Kuyom ang kamaong tanong niya. Nakakalokong ngumiti ito na lalong kinaliit ng singkit nitong mata. Inabot na nito ang susi. Di makapaniwalang tiningnan niya ito. Nasa bulsa daw, yun pala ay nasa kamay na nito. Hmmp ang sarap batukan.

Pagkapasok nila ay napagtanto niyang mag- isa lang ito. Naaawang tiningnan niya ito. Paano pala kung mag isa lang ito. Tapos hirap pa itong kumilos.

"Don't give me that look." Matalim ang matang tiningnan siya.

"Grabe. Bipolar lang." Pabulong niyang turan. Ang bilis magbago ng mood nito. Kanina ang bait- bait tapos naging masungit, nanlalandi tapos ngayon galit naman.

"Makakauwi ka na." Walang emosyong turan nito. "Ha?" Ngayon naman gagawin pa siya nitong walang konsensya.

"Sa palagay mo makakaya kitang iwan ng basta- basta?"

"Hindi ko kailangan ng awa mo. Kaya kung mabuhay ng magisa."

"Aba Mister sino naman may sabing naaawa ako sayo?" Gets niya na ito ngayon. Ito ang tipo ng taong ayaw na kinakaawaan.

"Kung hindi ka naaawa eh bakit mo pa ako tinulungan."

"Dahil..." hindi niya naman pwedeng sabihing nagaalala siya dito. Baka kung ano pa ang isipin nito. "Ahmmm. K- kasi mawawalan ng player ang B.U. Oo tama." Nagkandautal niyang sagot.

Tumawa ito. "Talaga? Kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa basketball? Nung natutulog ka kasi kanina habang may praktis kami inisip kung hindi ka interesado sa basketball." Kailangan pa talaga nitong ipaalala yun?

"Anong gusto mong ulam? Ipagluluto na kita para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga ka na." Paiwas niyang tanong. Hiyang- hiya talaga siya sa nangyari kanina.

NO to Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon