Lahat ng mga madaanan nila sa canteen ay napapalingon sa kanila. Paano ba naman kasi hawak- hawak siya sa kamay ng sikat na varsity player ng kanilang eskwelahan.
"Ano ba Brayann dahan- dahan naman. Tsaka bitawan mo nga ang kamay ko. Nakakahiya ang daming nakakakita baka kung ano pa ang isipin nila." Pabulong niyang sabi. Pilit niyang binabawi ang kamay dito.
Nanlaki ang mata niya ng bitawan nito ang saklay at ilipat ang braso sa kanyang balikat. Na lalong kinakuha ng atensyon ng mga tao. Ang mga babae kung makatingin ay para na siyang kakatayin ng buhay sa sama ng tingin sa kanya.
"Hayaan mo sila kung anuman ang isipin nila. Bakit may magagalit ba sa akin kapag nakita tayong magkaakbay?" Nilapit pa nito ang mukha sa kanya.
"Hoy nawiwili ka na. Alam mo bang ang mga lalaking nagte- take advantage ay pinipilayan ko. Baka gusto mo sa kabila naman ang mapilayan sayo. Tsaka walang magagalit sayo. Sa akin marami. Tingnan mo ang mga babae mo."
Ngising aso ang ginawa nito bago tinanggal ang braso sa balikat niya.
"Brayann..." may isang babaeng mestiza ang lumapit sa kanila. Ito yung nakita niyang lumapit sa binata nung nanood siya ng basketball practice nina Brayann. 'Yung may mahabang buhok.
"Anong nangyari sa paa mo?" Lumapit ito kay Brayann at humawak sa braso ng binata sa side pa talaga kung saan siya nakatayo.
"A minor sprain." Kibit balikat nitong sagot.
Dahil mukhang magkakilala ang mga ito at parang hindi siya nage- exist sa mga ito ay umalis na siya at naglakad pabalik sa mga kaibigan.
"Vange, saan ka pupunta?" Narinig niyang tanong ni Brayann. Natigilan siya at humarap sa mga ito.
"Brayann, bakit mo siya tinatawag? Magkakilala ba kayo?" Taas ang kilay na tanong ni long hair girl.
"Yup. She's my girlfriend." Kinalas nito ang kamay ng babaeng nakapulopot sa braso nito at naglakad papunta sa kanya.
"Sige mauna na kami sayo." Paalam nito sa babaeng natulala.
"Bakit sinabi mo 'yun?" Pagkastigo niya dito nang malayo na sila sa mga tao sa canteen.
"Para hindi na ako sundan ng mga babae ko." Pinakadiin nito ang salitang babae ko. "Para ikaw na lang ang babae ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/24243413-288-k245092.jpg)
BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...