Dedicated to: shammahRanan & ms_damsel
Thank you talaga Papa God. I'm at chapter 5..
Brayann's POV:
"Nice meeting you Janey." Aniyang nakangiti sa babaeng kaharap. Nakakatuwa ang pagiging babble nito.
"Ang bait mo talaga Brayann. Okey lang bang magpapicture tayo?" Di na siya nagulat na alam na nito ang kanyang pangalan. Dahil sa pagiging varsity player ay naging sikat siya sa buong university. Nilabas nito ang cellphone. Ngunit pinigilan ito ng babaeng naghatid sa kanya sa clinic. Base sa kilos ng mga ito ay mukhang matalik na magkaibigan ang dalawa.
"Hindi ka na talaga nahiya. Sabi ko naman sayong tawagin mo na ang mga kaibigan niyan para mahatid sa kanila at makapagpahinga dahil naaksidente. Pero wala kang ginawa. At ngayon gusto mo pang magpapicture?" Pabulong nitong pagkastigo sa kaibigan.
Mukhang sasagot pa si Janey kaya sumingit na siya sa dalawa. "Ahm..Miss okey lang magpapicture kami ng friend mo."
Biglang tumingin sa kanya si Janey. "Omg! Don't tell me di ka pa nagpapakilala sa kanya." Kausap nito sa kaibigan. Oo nga naman kanina pa sila naguusap pero di pa nila alam ang pangalan ng isa't-isa. Atleast alam na nito pangalan niya. Base sa nakasulat sa form kanina na binigay ng nurse. Siya na lang ang hindi pa nakakakilala dito.
"Brayann. Pasensya ka na sa kaibigan ko. Alam kung kulang ' yan sa manners. By the way siya si Evangeline San Carlos." Natawa siya ng makita itong sinipa ng mahina ang kaibigan. "Pleasure to met you Evangeline." Nilahad niya ang kamay dito. Nagalangan pa ito ngunit sa bandang huli ay tinanggap ang kamay niya.
"Whoa. Anong bago?" Biglang singit ng bagong dating na kaibigang si Carlo. Nakita niyang nakasunod dito ang iba pa. "Pare, anong nangyari? Pinag- alala mo kami." Ani Readden.
"But it seems wala tayong dapat ipagalala. Nakita niyo naman ang tinik talaga nito sa chicks." Hinawakan nito ang paa niyang may pilay. At palihim na tumawa.
"Aray.." napasigaw siya dahil sa sakit. Parang gusto niyang patayin si Readden. Pero parang di na kailangan dahil sa..
"Mister sa susunod mag- iingat ka naman." Mataray na turan ni Evangeline. Nagulat siya dahil nasa tabi niya na pala ito.
"Okey ka lang ba?" Concerned na tanong nito. Maingat nitong hinipo ang paa niya.
"Oo." Tiningnan niya ang kaibigang natulala at palihim itong binilatan.
Oh ha..imagine Brayann na nambibilat..hehe.. Si Evangeline naman oi concerned..

BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...