A/N: Yeehey chapter 3 na ako..Sana marami ang makabasa sa story kung to..tnk u..
Thank You Papa God..
Antukin..
Parang gusto niya nang kumaripas ng takbo ng marealize kung saan siya dinala ng kaibigan.
"Balita ko may praktis daw sila ng basketball ngayon. Alam mo bang sobrang galing ni Brayann Lim. And take note halos ka level niya na ng kasikatan ang Bantayan Knights." Ang BK ang grupong kinabibilangan niya. Ang apat na kaklase simula elementary hanggang high school at kaibigan na rin ang founder ng grupo nila.
"Oh, eh ano naman sa'kin kung sikat siya? Tara na uwi na tayo."
"Mamaya na. Manood muna tayo. Ngayon mo nga lang akong masasamahang manood tapos iiwan mo pa ko." Nangunsensya pa. Hindi kasi siya mahilig manood ng basketball kaya di niya ito masamahan. At isa pa bawal sa kanya ang maggagala pagkatapos ng klase. Iyon ang pangunahing disiplina niya sa sarili. Ayaw niyang matulad sa mga kapatid na inuna ang pag- aasawa kesa tuparin ang pangarap ng kanilang ama para sa kanila. Gusto niyang maging proud sa kaniya ang ama.
Kaya hanggat maaari umiiwas siya sa mga lalaki at di siya nagpupunta sa mga lugar na walang kinalaman sa pagaaral. Masakit para sa kanya ang sabihan ng ama na matutulad lang din siya sa ate at kuya niya.
"Friend loosen up. Hindi porke't may crush ka ay mag-aasawa ka na. Moment mo na 'to. Ngayong nakita kung may iba kang reaksyon sa opposite sex bukod sa malamig na tingin. May pag-asa ka na, di kita titigilan hanggang magkaboyfriend ka. Buwaahahaha."
"Friend malala ka na. Hindi isang tulad ni Brayann Lim ang papansin sa'kin."
"At bakit hindi?" Mataray nitong tanong.
"Hello.. tinatanong pa ba yan? Tingnan mo lang hitsura ko may sagot ka na."
"Yeah right. Wala ngang papansin sayo dahil sinasadya mong magmukhang pangit para itaboy ang mga lalaking magkakagusto sayo."
"Ang talino mo talaga best." Nanguuyam niyang turan. "Oh tara na uwi na tayo ha." Hindi siya nito pinansin nagpalingalinga ito. Saka tumili ng malakas. Kasabay ng ibang mga babae sa loob ng gym.
Pakiramdam niya ay nabasag ang ear drum niya sa ingay ng mga nagkakagulong babae.
Lumingon siya sa parteng tinuturo ng kaibigan. Nakita niya ang limang lalaki na papunta sa gitna ng court. Yung tatlo ay nakaway pa na tila bumabati sa mga tao. "Makikita mo ngayon kung gaano kagaling maglaro ang crush mo." Anito.
"Hindi ko nga siya crush. Atsaka ano tayo high school? May pacrush- crush ka pang nalalaman."
"Eh, sa late bloomer ka pagdating sa mga ganyan kaya crush lang muna sayo. Baka maghurumentado ka pa pagsinabi kong mahal mo." Pairap nitong sagot. "Oh tingnan mo naunahan ka na ng ibang babae." Sabay nguso sa direksyong kinatatayuan ni Brayann at ng babaeng may sobrang haba na buhok. Nakita niyang ngumiti si Brayann at may inabot na tila papel sa babae. Na parang kinatuwa nito kaya yumakap kay Brayann. "Naku diskadiskarte. Makayakap lang." Anang kaibigan niya na nakatingin sa dalawa.
Pagkaalis ng babae ay tumakbo na si Brayann sa gitna ng court. Di nagtagal ay puspusan na ang paglalaro ng mga ito. Hindi man siya maalam sa paglalaro ng basketball ay masasabi niyang magaling ito at hindi gawa gawa lang ng kaibigan. Naku, ito na, parang nararamdaman niya na. Sino? Si antok. (Hehehe) Hindi kasi talaga siya mahilig sa basketball. Di niya mapigilan ang pagsara ng talukap ng mga mata. Kahit pilitin niyang idilat ang mga ito ay napapapikit pa rin siya.
Ang di niya alam habang nakikipaglaban siya kay antok ay may isang tao na nakatingin sa kanya.
"Pare saglit lang." Nagpapalit siya sa ibang kateammates. Lihim siyang natawa sa iniisip. Buti hindi siya nahalata ng mga kaibigan. Tuloy na ang mga ito sa paglalaro.
Nagkunwari siyang umiinom ng tubig. Pero ang totoo ay nilibot niya ang mga mata. Nang makita niyang wala nang nakatingin sa kanya ay pasimple niyang kinuha ang cellphone. Lumipat siya ng kinauupuan. At tiningnan ang babaeng rason kung bakit napatigil siya sa paglalaro. Natukso siyang kunan ito ng picture habang natutulog. Napapasubsob pa ang ulo nito.
Nalibang siya sa pagkuha ng litrato dito. Hindi niya na napansing nakalapit na pala siya siya dito. Nasa harapang upuan siya ng babae.
"Aray!" Napahiyaw siya ng maramdaman ang kurot sa kanyang tagiliran. Tiningnan niya ng masama ang kaibigan na alam niyang ito ang tanging may gawa.
Sinundan niya ang tinuturo ng nguso nito habang pinandidilatan siya ng tingin.
Maging siya ay parang gusto na ring kurutin ang sarili ng makita kung sino ang nakangiti sa harapan niya.
Guys sana nagustuhan niyo ang chapter 3. Paabang na lang po ng chapter 4.
Feel free din to vote nd comment..tnk u..
BINABASA MO ANG
NO to Romantic Love
RomanceMaiwasan niya kaya ang pag- ibig na parating? Siya si Evangeline hindi man- hater pero ayaw pang magmahal. Siguro sa tamang panahon...
