Chapter 3

960 27 2
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

Nagulat nalang ako ng may nakita akong tao na naghihintay sa labas ng unit ko.  It’s PJ at muli nanamang nagsikip ang dibdib ko…

Naipon lahat ng sama ng loob ko kay PJ. Lahat ng galit ko ay parang lalabas na lang ng makita ko siya. Umalis na ako ng Manila. Maliban sa gusto ng mga magulang ko na mag focus ako sa pag aaral ko, ang paglayo kay PJ ang isang dahilan kung bakit ako pumayag mag aral sa Baguio.

“What are you doing here?” Puno ng galit kong tanong kay PJ. Nangingilid na ang aking luha pero pinipilit kong di umiyak. Dapat Makita niya matatag ako kahit wala siya sa buhay ko.

“Babe? I miss you, please can we talk?” Malambing na pakikipagusap niya sa akin.

“Babe? In case you missed it PJ, we broke up the day you cheated on me! Please leave, wala ako panahon sayo!” Pagtataboy ko sa kanya.

“JD, please let me explain. Just give me a chance. The least I wanted was to hurt you. I love you!”

“Nasaktan mo na ako PJ, at yung sakit na yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw kitang bigyan ng chance! You broke me PJ and ikaw yung dahilan kung bakit natatakot na ako magmahal ulit!”

“Im sorry JD. I know everything is my fault; all I want is for you to give me a second chance. I will fix you, I will fix us. Just please you  be mine again?”

“Just leave PJ. I don’t wanna see you anymore. Stop bothering me!” Sabi ko habang tinataboy ko siya.

“I will wait JD, I will wait until the day your ready to give me chance”

Umalis si PJ sa harap ko na iniwan ang katagang “I will wait JD, I will wait until the day your ready to give me chance”. Oo masakit, sino ba ako na hindi masasaktan? PJ was my first love. Siya ang nag open sa akin sa pagiging bisexual na di ko pinagsisisihan. Pero yung sakit ni iniwan niya sa akin ang di ko makalimutan.

“Bakit bumalik ka pa?” Sabi ko habang umiiyak at nagpapadausdos sa likod ng aking pinto. Akala ko sa movies lang ang mga ganong eksena. Kahit sa kalagitnaan ng aking pagiyak ay naisip ko yun kaya wala sa sarili akong napangiti. Siguro kung may ibang tao lang na makakakita sa akin ay iisipin niya na baliw ako.

Nagring ng cellphone ko. Nang Makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

“Hello” pilit kong pag bati kahit na umiiyak pa din ako.

“Let me guess, nagkita na kayo ni PJ?” ani ni Giselle, siya ang pinakamalapit kong kaibigan nung ako ay nasa High School pa.

“Nabanggit kasi ng impaktang si Anne na binigay niya yung address mo kay PJ. Ikaw naman kasi, bakit kailangan mo pang sabihin kay Anne yung address mo diyan? Obsessed yung gagang yun sa ex mo, malamang kahit ano sabihin ni PJ dun eh parang aso yun na susunod.” Mahabang litanya ni Giselle.

“G, Anne is my friend to. Inexpect ko na gagawin niya yun, pero ayaw ko siyang I left out sa circle natin.”

“Hello! JD, traydor ang gaga na yun. Tignan mo nga at binaliktad ka.”

“Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na bawal malaman ni PJ kaya wala siyang kasalanan”

“Ewan ko sayo JD. Bakit ba ang bait bait mo? Kung nandyan lang ako baka nasampal na kita. Oh tignan mo iiyak iyak ka? I assume pinalayas mo na?”

For What Its  Worth (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon