Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
P.S. Sana po leave naman kayo ng comments, kahit negative comments okay lang para alam ko po kung okay yung way ng pagsusulat ko. Thanks guys J
Nagulat ako sa request niya. Napalingon ako sa kanya pero di ko namalayang magkalapit na pala kami. Halos mahalikan ko na siya. Lalo ako namula at napatulala sa labi niya. Nasa ganun akong pagiisip ng bigla siyang nagsalita.
“Ano na JD? Type ko pa din yung best friend mo eh”
I dunno what to say, I dunno what to do. Masakit Oo pero mukhang dun magiging masaya si Mike. Kaya ko bang magpakamartyr?
Pero di ako kagaya ng ibang bida na magpapakatanga para lang sumaya yung taong gusto nila. Wala namang assurance na sasaya siya kung irereto ko siya kay G? Paano kung ako yung taong magpapasaya pala sa kanya? Eh di para akong tangang ipinamigay siya kung kanino? And isa pa si Chris type si G. Ayaw ko naman na magalit si Chris sa akin. Tama, hindi ko siya kayang masaktan kaya di ko tutulungan si Mike. Tama! Yun nga.
“Ah kasi Mike…” pagsisimula ko ng conversation pero natigilan ako sa puppy eyes niya? Argh, can those eyes can get bigger? Pero desidido ako, gusto ko si Chris for G. I should know, bestfriend ko si G. Syempre gusto ko si Mike para sa akin. AHAHA.
“Ano na?” Pambasag ni Mike habang nagmumuni muni ako.
“Sorry Mike, hindi ako nakikialam sa lovelife ni G. “ Simpleng tugon ko sa kanya. Gumuhit naman ang isang malaking ngiti sa labi ni Mike. Nagtaka naman ako. Hindi ba pag ganyan dapat maiinis, malulungkot o magagalit siya sa akin kasi I declined his request? Why is he effin smiling? Juice Colored, mukhang Bipolar nga tong si Mike. Magkakacrush na nga lang ako sa bipolar pa.
“Bakit ka nakangiti?” Pagtataka ko sa kaniya.
“Wala lang…” Nakangiti pa din niyang tugon.
“Bipolar ka talaga! Basta, hindi kita tutulungan kay G. Iba nalang irequest mo”
“Hahaha, Oo na! Sige, iba nalang…” Pag iisip niya.
“Dali na! 530 na oh, gusto ko na umuwi, maabutan pa tayo ng angelus” Pagtawa ko sa kanya. }FYI, iniiwasan nang students ang angelus sa school naming because of 2 reasons. 1) Cause of Delay and 2) Cause of Human Traffic sa main gate. Bad ba? Sorry na! ahaha }
“Oo na. Alam ko na! Magiging alalay kita ng 1 linggo after ng auditions mo, pag pumasa ka gagawin nating 2 linggo? Ano? Okay ba?” Taas babang kilay niyang sabi sa akin.
Nagdadalawang isip ako sa ganun, di ba lugi ako? Pero I need to impress our choreographer para makapasok ako sa kailangan nila. Gusto ko next school year makapag audition na ako sa Campus Dance Troupe and making it to dance to the event would make them to notice me. And isa pa, pabor sa akin yun, mas magiging close ako kay Mike. Pabor nga ba? Hayy ewan.
“Ano na JD?” Pagiinsist ni Mike sa akin.
“Oo na! Oo na! ng matapos na to. We still have I think 1 week before the auditions. Make sure you’ll give me a killer dance steps that would make me get in! Understood? Pag nagawa mo yun payag ako sa deal natin!” Mahabang explanation ko kay Mike.
“Pa English English ka pa! Oo ako bahala, give me 2 days to choreograph bago ko ituro sayo. Pero dapat habang binubuo ko yung steps nasa tabi kita?”

BINABASA MO ANG
For What Its Worth (BoysLove)
RomanceJD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, can he find the one who can heal the wounds of the past? Sama sama nating alamin ang kasagutan sa aki...